Chapter 19

10.9K 211 19
                                    

Chapter 19

Kahit na nasa kalagitnaan na ng basket ang mga napamili namin ay hindi pa rin maproseso ng utak ko ang lahat ng nangyayari ngayon. Tulala ako sa pamimili at halos siya na ang kumukuha ng dapat naming na mga bilhin. "3 sets lang. Hindi naman din 'yan kadalasan na nagagalaw sa cabinet." Saway ko pa nang bumili siya ng limang sets of pasta and sauce. Minsan nga ay wala pa gumagalaw ng mga ganun na stock, baka tumagal lang iyon kapag nagkataon.

"Fine," natatawa niya na sabi at ibinalik ang iba sa rack. Habang ako ay nahihiwagaan pa rin sa kanya. Hindi kaya may sakit siya? O nauntog ba siya kagabi?

"Ang bagal mo naman," biglang sabi niya nang mahuli ako sa paglalakad dahil naging abala ang mata ko sa pahahanap ng mga kailangan pa. Hinanap tuloy ng mmata ko ang push cart naming na nandoon na halos sa kabilang rack. Siya naman ay dali-dali na lumapit sa akin para hulihin ang kamay ko. Sa ganoon na hawak ay nahatak niya ako kung nasaannang cart namin. Pero mas napa nganga ako nang ipapwesto niya ako sa pagtutulak sa push cart namin. Ang akala ko ay ibinigay na niya sa akin ang kanina niyang ginagawa pero pumwesto siay sa gilid ko at sabay kami na nagtulak na non.

"Pumili ka din ng gusto mo," mahinang sabi niya.

Pero sa huli ay wala akong binili na para sa sarili ko at mas tinuunan ng pansin ang tingin ko na magugustuhan ng mga bata na kainin. Nasa paghihintay kami sa pila sa counter nang magsalita sa akin si Nathan. "Aalis muna ako. I'll just buy something on the mall. Kapag natapos ka bayaran itong sa atin, hintayin mo ko diyan... Huwag ka magbubuhat o ano," sabi pa niya habang itinuro ang dulo ng counter. Doon lang daw ako.

Nagtataka akong napatango na lamang. "Babalik agad ako," sabi niya at mabili na humalik sa noo ko bago umalis. Natigilan ako sa ginawa niya at sinundan pa ng tingin siya. Hanggang sa ako na ang magbabayad ay tulala pa din ako at kung hindi lang inulit-ulit ng babae na nandoon ang tawag sa akin ay hindi ko maiaabot ang card ni Nathan na kanina ay inabot niya sa akin.

Katulad ng bilin niya ay hindi nga ako umalis. Ipinagilid ko na lang sa kanila ang pinamili ko at hinintay talaga siya doon. Kahit na ngalay na sa pagtayo ay pinilit ko ang sarili na tumayo lang doon at hintayin siya.

I was yawning when I saw him running towards me. Hinihingal siya na bumaling sa akin. Hinanap ko ang sinasabi na bibilhin niya. "Kanina ka pa diyan?" bungad niya habang hinahabol pa din ang paghinga.

"Sakto lang... Oh, nasaan na 'yun binili mo?" usisa ko.

"Dinala ko na muna sa kotse. Tara na?" Tumango ako. Katulad ng sabi niya ay huwag nga daw ako magbubuhat kaya ang dalawang naka-kahon na pinamili ay nasa magkabilaan na braso niya.

"Kaya mo ba talaga? Ang bigat masyado niyan, pwede naman tayo na tig-isa ng bubuhatin." Habol ko pa sa kaniya. Pero hanggang sa makarating na lamang kami sa sasakyan ay siya na ang nagbuhat. Wala na ako nagawa nang maipasok niya na ang mga pinamili kaya dali-dali na ako na pumasok sa sasakyan, hinintay na lamang din siya.

Tahimik ang naging byahe namin pauwi. Kahit na gusto ko siya tanungin sa inaanto niya ay hindi ko magawa dahil sa takot na magbago pa bigla. Ipinagsawalang bahala ko na lamang muna, sa susunod na, kapag pakiramdam ko sobra an ang pagbabago sa kaniya.

"Mommy!" salubong ng mga anak ko sa akin nang makababa ako sa kotse. Pare-parehas pa sila na nakayapak, halatang nagmamadali na lumabas mula sa bahay nang marinig nila ang tunog ng sasakyan. Tuwang-tuwa ko sila na sinalubong ng yakap. Hindi ko namalayan na nakalabas na din pala ang asawa at nasa gilid naming siya, pinapanood kaming apat. I saw a glint of smile on him.

Wrathful MarriageWhere stories live. Discover now