Chapter 18

10.5K 170 1
                                    

Chapter 18

Nang hapon na din iyon ay mararahas na katok ang nakapag-pagising sa akin mula sa mababaaw na pagkakatulog. Idagdag mo pa ang pagod sa nangyari kanina, Mabuti nga at araw ng Sabado ngayon. "Saglit!" sigaw ko pa at dali-dali na tinungo ang pintuan.

"HAYOP KA!" Sa muling pagkikita naming ngayon araw ay sampal muli ang sumalubong sa akin. Hindi pa nakakabaw sa naramdaman ay siyang agad na hablot niya sa buhok ko para kaladkarin papasok sa apartment ko. Ilan beses ko na sinubukan ang tumayo ng tuwid pero mas malakas ang hatak sa akin at nang sa malawak na lugar kami ng sala ay doon ko naramdaman ang sunod-sunod na sipa sa akin ni mama.

"Tama na po!" hindi ko napigilan ang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Pili ko pa na ipinansasalag ang barso sa bawat sipa at hampas niya na nasasaktan din naman.

"Dapat lang sa'yo 'yan! Walang hoya ka! Dahil sa'yo wala na ang anak ko! Dahil sa'yo na malas ka!" paulit-ulit na sigaw ni mama sa akin. Bahagya ako na natigilan dahil doon. What does she mean?

I tried to calm her down my hugging her. "Ma, anong ibig mo sabihin?" umiiyak na tanong ko.

"Your sister just died because of you! Naaksidente siya! At dahil sa kaladian mo 'yun!" sigaw niya at huling malakas na sampal ang iginawad niya sa akin bago siya tuluyan na umalis.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkalamog ng katawan ang siyang pagbagsak ng katawan ko sa sashig o dahil sa balitang narinig. Hindi... Baka gawa-gawa na kwento lamang iyon ni mama.

Imbes na unahin ang nararamdaman na sakit sa sarili ay telepono ang una ko na inabot. Pilit na tinawagan ang numero ng kapatid. Pero wala...

Hindi...

Hindi pa nakakabawi ay agad na naalarma ang katawan ko nang sunod-sunod na kalabog na ngayon ang naririnig ko mula sa labas ng pintuan. Ilan beses pa ako na napaatras nang akala ko ay gigiba na ang pintuan ko.

"P*TANGINA, ALLISON! BUKSAN MO 'TO!"

Pero sa kabila din ng malakas na boses niya ay may naririnig din ako na kasama niya. "Umuwi na tayo, Nathaniel. Ano ba?!"

Nang sunod-sunod na kalabog pa muli ang narinig ko ay awtomatik na tumayo na ako para buksan iyon. Pero agad din na napaatras nang sugudin ako ng nanggagalaiti sag alit na si Nathan. Ramdam na ramdam ko ang apoy ng galit niya. Hanggang sa dulo na ng aatrasan ko ay doon niya nakuha ang pagkakataon na hawakan nang mahgpit ang mga braso ko. Nanlalaki ang mata ko kasabay ng pamimilipt ko sa hawak niya. "Nasasaktan ako, Nathan!"

"Nathaniel!" dumagundong ang boses ng ama niya na kasama pala niya, pati ang ina niya na pilit siyang pinipigilan.

"Masaskatan ka talaga! Kulang pa 'yan sa nangyari kay Cza! Ikaw dapat ang mamatay, hindi siya!"

Akmang sasampalin niya ako nang maunahan siya ng ama niya. Ang nakakatanda ay agad na sinalo ang kamay nito at pilit na inilalayo sa akin ang anak. Habang ang misis ay agad na dumalo sa akin, napapitlag ako. Nalingunan ko pa ang ang pilit na pagpapalabas ng matanda sa anak niya bago ako tuluyan na mapadausdos sa kinasasandalan na pader habang umiiyak.

Ang in ani Nathan ay agad na dumalo sa akin. Wala pa man siya sinasabi ay agad ako na umiiyak lalo. "Wala po akong kasalanan..." pagmamakaawa ko.

"Alam ko... Alam ko, Allison."

Hindi ko naiwasan na maiyak nang maalala ang bagay na iyon. Ang akala ko na tulo lamang ng luha ay siyang tuluyan ko pala na pag-iyak. Napasinghot pa ako bago marahas na pinunasan ang mukha nap uno ng iyak. Muli ako na nagbukas ng maiinom, pangatlo na ata sa gabi na iyon.

Wrathful MarriageWhere stories live. Discover now