Chapter 4

11.7K 231 20
                                    

Chapter 4

Malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ibabaw ko bago niya alisin ang sarili sa pagkakadagan sa akin. Lumayo pa ito ng pagkakahiga sa kung nasaan ako at 'yun lamang ay alam ko na ang ibig sabihin non. He's done now with me.

I rushed near the corner to pick up my robe. Mabilis ko na ibinalot sa sarili iyon at mabilis din na lumabas doon. Nangmakabalik sa kwarto ay mukha ni yaya Luz ang unabg sumalubong sa akin.

Agad niya ako inalalayan paupo sa sofa pero nagpumiglas ako at unang dinaluhan ang anak na mahimbing na ang pagkakapikit pero may salpak pa rin na mask sa kanyang mukha para sa oxygen. I swallowed hard seeing my son on that situation.

"Ayos ka lang ba?" hinatak na ako ni yaya patayo mula doon. Mabilis niya na sinipat ang mukha ko at umiwas naman. Napaigtad ako nang mahawi niya ang balikat ko na ilang beses ata sumanggi sa pader.

"Lydia, kumuha ka muna ng yelo sa baba." Utos ni yaya Luz sa katulong din na nandoon. Agad ko naman na pinigilan pero naging matigas ang paninindigan ni yaya Luz sa gusto gawin sa akin ngayon.

"May masakit pa ba sa'yo?" then she held me to the couch inside our room.

"Ayos lang po ako, magpahinga na po kayo."

"Naku, tigilan mo akong bata ka!" saway niya at nakabalik kaagad si Lydia mula sa kinuha at may kasama pa siya na isang katulong na ngayon ay may dalang gamot at tubig sa akin.

Tinanggap ko na lamang iyon at nagpasalamat. Yaya Luz pulled me to sit with her on the sofa. Nakasunod si Lydia sa amin habang ang kasama kanina ay bumaba na.

"Ayos lang naman po ako,'Ya," sabi ko kahit ramdam na ramdam ko ang pagkalamog ng katawan ko sa nangyari. But Yaya didn't listen. Kinuha niya ang braso ko at sinipat ang balikat na ngayon ay namumula at namamaga na.

Marahan niya na pinadaanan ng tuwalya na may yelo doon. Bahagya pa akong napapaigtad kapag nadidiinan ni yaya Luz ang paglagay doon.

I just closed my eyes and relaxed my mind. Ala-una na ng madaling araw at talagang ramdam ko ang kakaibang pagod ngayon.

This was not the first time. Pero eto ata ang pinaka-malala. Dahil kung dati ay isang sampal, ayos na ata. Pero ngayon, may nangyari pa sa anak ko. May pasa na ako na malala.

Yaya Luz scanned me again after that. Pati mukha ko at napaigtad nang hawakan niya ang sugat ko sa may labi. "May pasa ka din sa mukha," puna ni yaya Luz.

Ipinatong niya doon ang yelo at doon ko lamang naramdaman ang sakit ng mukha. Ganoon na nga ba talaga kalala? Hindi ko maiwasan na mapaluha nang madiinan ni yaya Luz ang sa mukha ko.

"Aray, 'ya," daing ko.

I heard him sigh. "Pwede ka mapagod. Pwede ka bumitaw. May dahilan ka ngayon na mas maganda."

Napapikit ako ng mariin. No... Alam ko na hindi ko kaya. Pero paano ang mga anak ko?

"Maiintindihan ng mga anak mo ang magiging desisyon mo lalo na at para sa kanila iyon. Piliin mo ngayon ang kapakanan niyo."

Hindi ko na nagawa magsalita pagkatapos non. Kaya nang matapos din sa paggagamot sa akin ay nakiusap na kaagad ako na iwanan na ako at magpahinga na rin sila. Mabilis ko na nilapitan ang mga anak para tabihan. Lalo na si Nate na hanggang ngayon ay may kaakibat pa rin sa katawan na oxygen.

Sa pagod ay hindi ko na namalayan ang sarili sa pagkatulog ng mahimbing.

Kinabukasan ay nagising ako na mabigat ang katawan. Sinulyapan ko ang tatlo sa tabi na hanggang ngayon ay tulog pa rin. I glanced at the clock and it is just six o'clock in the morning.

Wrathful MarriageWhere stories live. Discover now