Chapter 22

12.5K 209 16
                                    

Chapter 22

"Mrs. Navarro," my boss called me at the intercom. Nagpipigil akong inis at napaikot na lamang ng mata. Binitawan ko ang ballpen na pauli-ulit lamang na nilalaruan at padabog na pumasok sa loob ng opisina niya. Mabuti na lamang ay abala ang mga kasamhan ko sa floor naa iyon.

"Pusang gala, Harold!" Inis na salubong ko sa kanya at punong-puno ng galit na nilapitan siya sa lamesa niya. "Hindi ka ba talaga titigil sa akin sa kakatawag niyan?"

"What?" He innocently asked. Nagkibit balikat pa siya sa ginawa at parang bat ana nagpaikot-ikot sa kanyang swivel chair. Parang tanga! Napairap na lamang ako sa akto niya.

"Ano na naman ba kailangan mo?"

"Wow, sumasagot ka na sa boss mo? Huwag kaya kita pasahudin?"

"Just do it. Isusumbong nalanng kita kay Cherry na inaapi mon a naman ako."

"Wow! Feeling ko kayo pa tuloy ang magjowa dahil ako pa ang kakakawawain niyong dalawa?" sabi niya na animo'y totoong nasaktan dahil bas a napahawak pa siya sa dibdib niya.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa ginagawa niya. "Hindi ko talaga alam paano ka na natagalan ni Cherry ng isang taon... Jusko! Bakit ba tinawag mon a namn ako?"

"Puro ka reklamo, aba! E, kung ibigay ko kaya sa magaling mong asawa 'yun number mo para kayo nalang ang mag-usap. Kesa idinadaan niyo pa sa akin."

Napakunot ang noo niya sa akin. Pang ilan na tawag o kontak na ata iyon ni Nathan sa amin sa buwan na ito. "Oh, ano na naman kailangan niya?" biglang pagsusungit ko dahil siya na naman ang usapan namin.

"Wow, naka-move on ka na niyan?" pang-aasar na naman ng kasama ko. Onting-onti na lang talaga ay ibabato ko na sa kaniya ang vase na nasa ibabaw ng lamesa niya. Dumekwatro ako ng upo bago siya diretsa na balingan.

"matagal na, Mister. Dalawang taon na kaming tapos."

"Weh? Pero ayaw pa mag-file ng annulment."

"Wala pa akong pera."

"Papautangin kita."

"Ayokong ng dagdag na utang sa'yo." Sagot ko muli.

"Ilibre ko na lang sa'yo." Hirit pa niya muli

Napairap ako sa kanya. "Ayoko pa din."

He suddenly snapped in front of me. "See! Hindi ka pa nakaka-move on at ayaw mo ipursige ang legal niya na paghihiwalay!"

"Eh, bakit ba 'yan na naman ang usapan? Ano na naman gusto niya?"

"Hindi mo ba talaga pagbibigyan ang isa na 'to? Kahit sana 'yun kambal na lang daw ang ipakita mo sa kaniya kung ikaw ay ayaw mo siya makita. Kahit 'yun bata nalang daw muna... Dalawan taon na rin ang lumipas, Allison... Ano ba talagang balak mo pa? Alam ko na hindi madali ang mga nangyari, pero may Karapatan pa din siya sa dalawa... At n-nakita ko ang pagpupursige niya simula nang makalaya na siya sa kulungan."

Natigilan ako at muling naalala ang pagpunta sa akin noon ni mama Tine matapos niya malaman ang nangyari.

"K-kamusta ka, anak?" alinlangan na bati niya sa akin. Ginaya niya din ang pagkakaluhod ko sa sahig dahil abala ako sa pag-iimpake ng gamit. Paminsa-minsan pa nga ay matitigilan ako tuwing ang mga gamit ni Nate ang nahahawakan. It's been two weeks, anak...

"Si Nathan... His father jailed him for what he did to you. Kami mismo ang nagsampa ng kaso sa anak. Dapat niya pagtandaan ang ginawa niya sa iyo..."

Wrathful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon