Chapter 17

10.3K 151 3
                                    

Chapter 17

I sighed heavily nang matapos na sa pagliligpit nang gabi na iyon. Mama and papa left early, hapon pa lang ata non, para daw hindi sila ma-traffic pauwi pa. Habang ako ay pagod na tinapos ang pagtulong kela yaya Luz sa pagliligpit ng hapunan naming lima. Umakyat ako panandalian sa mga anak.

Naabutan ko ang mahimbing na tulog ng mga bata. Pinapagitnaan ng kambal ang kapatid na bunso. I smiled with that scene. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang malawak dahil sa naabutan. Marahan ako na sumampa sa kama bago sila pinatakan ng halik isa-isa. Muli akong lumabas ng kwarto at namataan sad ulo ng pasilyo ang bukas na pintuan ng papuntang balcony, kung saan tanaw doon ang kabuuan ng garden.

Nang maisarado ay agada ko na bumaba. Inisa-isa ang laman ng ref kung ano ang magandang inumin sa gabi na iyon. Sa dami ng stock na alak ni Nathan ay mukhang hindi naman niya mapapansin na binawasan ko ang mga naka-in-can doon. Nakayapak ako na dumeretso sa garden.

Bumungad sa akin ang malamig na hangin ng pang-gabi. Naramdaman ko sa paa ang maliliit na damo na inaapakan. Diretsa ang tingin ko malapit sa pool. Bago pa ako makarating doon ay tumigil na ako sa paglalakas at doon na umupo sa damuhan. I sighed and immediately opened the can. Walang salita na tinungga ko iyon na agad ko pinagsisihan.

Dumaan ang pait sa akin lalamunan na matagal ko nang hindi natitikman. Naramdaman ko ang kusang rekasyon ng mukha ko dahil sa nalasahan. Why did I even forget that I am not a liquor drinker? Na baka kahit maka-isang note ako ngayon ay bumagsak agada ko dito.

Pero sa pang-ilan na tungga ay agad ay kaagad ako na nasanay. Mas dinama ko muli ngayon ang paligid. Ang tahimik na gabi. Ang kislap ng buwan sa repleksyon sa tubig ng pool. Napatawa ako ng mahina nang makaramdam ng kaginhawaan ngayon. Kahit kailan, hindi ko inaasahan na darating ang sandali na ito, na kahit papaano ay mararamdaman ko pa pala 'to.

Napaangat ako sa kamay nang maramdaman ang malamig at maliit na bumalot sa isa kong daliri. Ang tuwa na kani-kanina lamang nararamdaman ay napalitan ng agos ng kapaitan. Nathaniel...When will you ever learn to love us?

Natuluyan ang pagbagsak ng emosyon ko. Naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng mga luha at natawa sa sarili. Palagi na lamang ganito. Napapikit ako at agad na napadasal. May tyansa pa po ba na maging masaya ako sa kanya? O mas dapat na ako kumawala?

Nang sa huling tungga ko sa bote na kasalukuyan na nakabukas ay agad na umagos sa isipan ko ang mga alaala.

"Allison!" nagkukumahog na bungad sa akin ni ate sa telepono. Halata sa boses niya ang pag-aalala at pagmamadali. I can even hear some papers on the background. Mukhang may minamadali siya na tapusin sa eskwelahan. Inaasahan ko na naman iyon, she's now on her third-year law school. Habang ako, kahit isang taon lamang ang layo ng aming edad, ay wala pa rin marating dahil sa walang kasiguraduhan sa gusto.

Pero sa mga pagkakataon na ito ay ako na ang nagpapa-aral sa sarili ko. I am a working student. Waitress at a fast-food chain. At ngayon na kakauwi ko lamang ay siya agad ang bungad sa akin. It's either she needs me or si mama ang may kailangan sa akin para utusan ako at maliitin na naman dahil sa ginagawa ko daw.

"Ate? Need any help?" malambing na tanong ko. Even if we have different father, she still accepts me as her little sister. Pero habang ang nanay ko na nagluwal sa akin...Napapailing na lamang ako tuwing maririnig ko sa kanya ang lintanya niya. 'Ikaw ang isa sa mga pagkakamail ko! Kayo ng tatay mo! Nagkamali ako na nagtaksil ako sa asawa ko at ngayon ay ikaw na ang bunga.'

"Ayun nga, Allison... Makikisuyo sana ako!" nahaluan ng tawa ang sinasabi niya. "Nathan called me earlier, nagpapa-alaga! But I still have things to do right now! May klase pa ako maya-maya tapos may mga babasahin pa. I cannot make it tonight. Ayos lang ba na puntahan mo siya sa unit niya? Here's his passcode..."

Wrathful MarriageWhere stories live. Discover now