Amara's POV

Nandito na kami sa airport and kakapasok lang namin. After 20 minutes, nakapagcheck in na kami then nakita na namin sila Ria na naghihintay sa departure area.

"Akala ko mareresched yung oras ng flight. Ang tagal niyo eh." Salubong niya sa akin.

"Maaga lang kayo." Sagot ko sa kaniya. Umupo muna kami and patiently waited for the plane.

Nagsama na naman si Calli and Erissa. Magkakwentuhan na naman sila. Hahahaha. Si Lester and Alex din, may sariling kwentuhan.

"Super exciting nitooo. Nung huli pa tayong pumunta dun, nag iiwasan pa kayo ni Alex. Ngayon mag-asawa na kayo." Sambit ni Ria.

"Hahaha. Just look at how time flies." Tugon ko. Akala ko super ready ko na for the beach pero may mas ready pa sa akin. Nakastraw hat and sunglasses na si Ria with white shorts and tshirt. Oh diba? Hindi siya prepared. Hahahaha.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

We just landed on the airport here in Boracay. Nakasakay na kami ng boat papunta sa actual island. I chose the window seat para makapagpicture ako ng maayos.

"I'll take a picture of you." Sabi ni Alex so i handed him my phone and nagpose na ako ng bongga sa bintana ng boat. Then of course, selfiesss.

Nagsimula nang umandar yung boat and sobrang refreshing ng hangin. Habang umaabot kami sa gitna, medyo lumalakas yung alon.

"Ok ka lang?" Alex asked. Medyo nahihilo nga ako kasi ang galaw masyado ng boat.

"I'm a bit dizzy pero okay lang." He put his arms around my shoulders at pinasandal ako sa kaniya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

After a few rides, nakarating na kami sa villa. So sa isang villa, there are two bedrooms. Nasa kabilang villa sila Ria and they're probably unpacking now. Maglelate lunch kasi kami maya maya.

I checked the villa and it's great. Si Ria ang nagbook nito since siya ang pinakaless busy sa aming apat. After settling sa room, i knocked on Calli's room to call her para makakain na kami.



Alex's POV

"Carbonara for me please and lemon juice." Sabi ni Amara sa waiter. Siya yung pinakahuling umorder kasi ang tagal mamili.

"So wala muna tayong activities today dahil i'm sure, lahat tayo pagod sa byahe." Ria told us. Ria and Amara basically planned this whole vacation.

"Calli, picture tayo dun bilis." Yaya ni Erissa kay Calli. Pumunta sila dun sa mga palm trees and took pictures.

After a few minutes, dumating na yung order namin.
Bumalik na rin sila Calli and Erissa after nung mini photoshoot nila.

"Ang asim nung sauce. Ano ba yan." I heard Amara say.

"Baka kasi dahil puro orange kinain mo kanina on the way here." I told her.

She pushed the plate towards me. "Tanggalin mo yung sauce please." Sabi niya.

"Tanggalin? Paano?" I asked. Paano ko naman tatanggalin yung sauce nito.

"I don't know. But i'm hungry so bilisan mo." She then casually took a sip from her lemon juice as if wala lang yung nirerequest niya.

~~~~~~~~~~~~~~~

I did the best i can para matanggal yung sauce nitong carbonara na inoder niya.

"Here." Binalik ko na sa kaniya yung plate.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now