But that doesn't mean that everything will go back to how it used to be before.

"And you think that saying you love me will make me come back, Archer?" Emosyonal na tanong ko.

Slowly, he kneeled in front of me which made my eyes widen.

Lumuluha siyang nag-angat ng tingin sa'kin habang patuloy na nakaluhod sa harapan ko.

"You don't have to come back, K-kiana. I know how painful it is for y-you for the past years. It will be so s-selfish of me to ask you to come back, b-but i just want to make it up for you... I know that you're a-already tired, but i'm not tired yet, Kiana."

Pilit niyang abutin ang kamay ko. Parehas kaming lumuluha ngayon habang nakatingin sa mata ng isa't isa.

"I understand that you're done trying, Kiana. But i haven't tried yet, so this time, let me be the one to try. I know that you're done waiting for me, let me now wait for you. I know that you've had enough of loving me, now let me be the one who will love you."

Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi madali. Paano na si Celine?

"Alam kong huli na nang marealize ko kung ano ka ba talaga sa buhay ko. Inaamin kong nagkamali ako, Kiana, pero handa akong itama yung pagkakamali ko. Alam kong nasaktan kita ng maraming beses, pero hayaan mong ako naman ang masaktan nang dahil sa'yo, Kiana. Hayaan mong ako naman dahil naiintindihan kong napagod ka na..."

Umiling ako sa kaniya. There's no point in saying all of these.

"A-archer, you're just confused. You're not in love with me. That can't be..."

Binitawan ko ang kamay niya saka naglakad papalabas ng bahay. Nakasalubong ko pa si Manang Flor na nagtataka matapos akong makitang umiiyak. Gustuhin ko mang batiin siya ay basta ko na lang siyang tinakbuhan palayo.

Naguguluhan pa ako. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Archer at gusto ko mang intindihin, pagod na ang utak kong umintindi. Masiyadong mabilis lahat ng pangyayari.

Noong nakaraang buwan lang ay kakahanap lang namin kay Celine at kagabi lang ay tuluyan na akong nag desisyon na layuan siya and then now, pupuntahan niya ako rito at sasabihingi mahal niya ako? Kung siya man ngayon ang nasa posisyon ko ay nasisisguro kong kahit siya ay maguguluhan tulad ko.

When i finally decided to let go of him, siya naman ngayon ang lapit nang lapit.

Maaga pa lang ay nakarinig na ako nang pagkatok mula sa pintuan ng bahay ko. Nagtataka man ay agad akong tumayo para pagbuksan kung sino man 'yon.

Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita si Archer bitbit ang ilang karton, "Can i come in?"

Hindi ako sumagot. Nagtataka pa rin ako dahil bakit nandito siya! He's supposed to be back in Manila right now!

Agad siyang pumasok sa loob ng bahay kahit wala pang permiso ko. Inilapag niya lahat ng bitbit niya saka inumpisahang isalansan lahat ng 'yon.

"What are you doing?"

Naglakad ako papalapit sa kaniya at ibinalik sa loob ng karton lahat ng mga items na inilabas niya. Habang siya ay nilalabas ang mga 'yon, ako naman ay todo balik.

"Archer! Ano ba?" Inis na sigaw ko sa kaniya.

Nakakahiya sa mga kapitbahay dahil hindi pa sumisikat ang araw pero nagsisisigaw na ako rito!

"What?" Maang-maangang tanong niya.

"Why the hell are you doing this? At bakit nandito ka?!"

"You're here, where do you think i am supposed to be, Kiana?"

SerendipityWhere stories live. Discover now