*accckkkkkkkk*

"Are you okay?" He asked as he was patting my back. Umiling lang ako as my answer.

"May nakain ka ba na hindi maganda?" Tanong niya ulit.

"Hindi....hindi ko alam."

"Alex, ako na dyan." I heard Ria na kadarating lang dito.

"Pakisabi sa kanila, okay lang ako." I told Alex kasi baka mag alala silang lahat eh. Umalis na si Alex and naiwan kami ni Ria.

"Ano nangyayari sayo?" Tanong niya. Tinali niya yung buhok ko tapos pinat yung likod ko.

"Di ko alam." I told her.

"Oy, baka naman buntis ka." Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Yun agad ang assumption?

"Hindi ah." Sagot ko.

"Hindi nga kami nakatira isang bahay eh. Tsaka kilala mo ako Ria. So, no." Sabi ko. Naggargle muna ako.

"Eh bakit ka nagkakaganyan?" Tanong niya sa akin.

"Aba malay ko. Kung alam ko edi sana sinabi ko sa inyo." I wiped my mouth with a tissue paper.

"Ok ka na? Nakakakaba ka girl."

"Yes, i'm okay. Balik na tayo dun." We went back to the lunch table. I flashed a smile pagkaupo ko.

"Ok ka lang po?" Calli asked me.

"Yes. Ok lang ako. Kain ka lang dyan." I told her.

Nilagyan ni Alex yung plate ko ng pagkain pero tinititigan ko palang, ayaw ko na.

"Try it. Masarap." Sabi ni Alex. I tried to eat pero hindi ko talaga gusto yung lasa. Kaya puro tubig and juice tuloy ako. Pati juice iba lasa. Ano ba yan.

Tapos na silang kumain habang ako hindi nakakain.
Hay nakoooo.

Ria's POV

Tapos na kaming kumain. Ang purpose naman talaga nitong lunch eh para mapag usapan yung magiging birthday surprise kay Amara. Eh mukhang kami ang masusurprise ah. Joke. Hahahahaha.

"I'm sorry talaga ah. I really don't feel well." Sabi ni Amara pagtayo niya.

"Ok lang. Magpahinga ka na muna." I told her. Tumango siya and sinamahan siya ni Calli. Pag-alis nila, nagsimula na ang meeting.


Calli's POV

Nandito na kami sa kwarto ni mommy. Sinamahan ko na kasi parang nanghihina eh.

"Water po oh." Inabot ko sa kanya tapos ininom naman niya.

"Baka po may sakit kayo. Magrest ka po muna. Dito lang po ako kung may kailangan kayo." Sabi ko. Umupo ako sa higaan niya para mabantayan ko siya. Nung isang linggo lang, si sir Alex ang may sakit ah.

"Thank you. Pwede mo ba ako tabihan?" Request niya.

"Sige po." Humiga ako sa tabi niya tapos niyakap ko. Ngayon ko lang nakita na ganito siya katamlay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alex's POV

"So sa Thursday, kita kita tayo ah. Walang absent. Hahahaha." Pahabol ko. Tapos na kaming mag usap about sa Operation Super Secret Birthday Surprise For Amara orrrr O.S.S.B.S.F.A. Si Ria nakaisip ng ganyang pangalan eh. Pwede namang surprise lang.

"Oo, uwi na kami. Inform mo nalang ako kung kamusta na si Amara ah." Ria said.

"Sige Alex. See you on Thursday." Sabi naman ni Lester.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now