CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)

3.6K 236 30
                                    

A man who has nightmares every night of his life is in pain. - Unknown

----------------------------------------------

Martin's POV

            Kahit alam kong problema na naman ang haharapin ka kapag nakaharap ko si Matthias, wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung nagdadalamhati siya dahil pinaglalamayan niya ngayon ang dalawang anak niya. Wala akong pakialam kung magtanong na naman siya ng mga detalye kung ano na ang nangyayari sa trabahong ipinapagawa niya sa akin. Fuck that job. If he wanted to get his money back, I will give it.

            All that matters right now was Elodie.

            I smiled when I remembered her. Her cute face whenever she was asking me if I am in love with her. Her jealous face when she was telling me about Mia. Nakakatuwa lang. Fuck, I was smiling while driving just thinking about her. I was like a high school dick fantasizing about my ultimate crush.

            Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang mga nagaganap sa buhay namin ngayon. Everything has a consequence. I wanted her to be with me forever, but I was not sure if her father would agree on this. Paano kung malaman ni Cesar Valderama ang lahat? Hell, paano kung malaman din ni Matthias ang totoo? Pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko. Sa ganitong pagkakataon ay parang naririnig ko ang nakakarinding boses ni Declan na nagsesermon sa akin. Tama nga naman siya. I saved Elodie and I should stopped there. But I can't. I am fucking deep. Deeply in love with her.

            Napabuga ako ng hangin at itinutok ang tingin sa kalsada. Tumunog ang telepono ko at si Matthias na naman ang tumatawan. Nakakarindi na ang kulit ng isang ito. Naiinis an sinagot ko ang tawag niya.

            "Malapit na ako sa opisina mo." Iyon agad ang bungad ko sa kanya.

            "Change of plans. Go to the hospital. Sa dati. Nandito ako ngayon. Hindi ako makahinga," humihingal na sabi nito.

            "Are you okay?" Kung inatake sa puso ang isang ito sana matuluyan na para makabawas sa mga intindihin ko.

            "I am fine. Dito na lang tayo magkita. My doctor advised me to stay here even for a couple of days. Si Jorge na ang bahala sa burol ng mga kapatid niya," bahagyang nabasag ang boses ni Matthias nang sabihin iyon.

            "All right. Sige. Papunta na ako." Mabilis kong ipinihit ang sasakyan ko at tinungo ang daan papunta sa ospital kung nasaan si Matthias.

            Hindi na mahigpit ang security doon. Dire-diretso ako sa information at tinanong kung saan naka-confine si Matthias. Same floor lang naman sa dating pinagdalhan sa anak. Pagdating ko doon ay mayroon pa ring security na nakatayo sa harap ng silid niya. Pero napahinto ako ng lakad nang may lumabas na lalaki mula doon. Naka-suot ng doctor's coat. Napakunot ang noo ko. Kilala ko ang isang iyon.

            Bigla ang kabog ng kaba sa dibdib ko. Shit. Nagmamadali akong naghanap ng mapagtataguan pero siniguro kong makikita ko pa rin ang doctor na lalaking ngayon ay nagtitingin na sa patient's chart. Fuck. Anong ginagawa ni Jocas Nicdao dito?

            Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Napapikit ako at lahat ng naranasan kong hirap na ginawa ng mga doctor ni Rachel sa akin ay bumalik. The painful operations, the experimental drugs that would make my body convulse all day, the withdrawal episodes. Para akong masusuka sa tensiyon. Naalala ko ang sinabi ni Doctor Villega sa akin.

            Have you heard that Jocas is in town? He's looking for you.

            You are the prized possession of Rachel's facility. Imagine curing your cancer. Changing your face, your DNA. They made you a different person and that's breakthrough in medical field. Jocas wanted to know how Rachel's doctor did that.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon