CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)

3.6K 252 38
                                    

Revenge sounds so mean. So some people call it "returning the favor."

---------------------

Gabriel's POV

And I wanted to punch myself.

Shit. Ang gago ko. Bakit ko ginawa iyon?

Sinusundan ko ng tingin si Evie habang palabas siya ng building. Hindi ko na siya sinundan. What I did was way out of line. I kissed her without her permission.

Because the situation calls for it. You and her inside the elevator. Admit it. You like her more than Elodie.

Napahinga ako ng malalim at napapailing na lumakad patungo sa likurang bahagi ng building kung saan ako naka-park. Tinungo ko ang kotse ko at sumakay doon. Alam kong sa umpisa pa lang na hawakan ko ang case ni Elodie Valderama, talagang nagustuhan ko na siya. Kahit alam kong patay na, still, just by looking at her pictures everyday was giving me the hope that I was always looking for. That she might be alive after all.

And when her sister Evie came, she didn't get off my head too. Her fierce persona. Even if I knew Evie was hiding something behind her beautiful face, I felt that Elodie was living inside of her.

Alam kong kagabi ay mayroong nangyari. Siraulo lang ako at gumawa ako ng dahilan na may ibibigay akong lipstick sa kanya pero ang totoo ay gusto ko lang talaga siyang makausap. I knew she was pissed at me kaya lahat ng puwede kong idahilan para kausapin niya ako ay sinabi ko na. And that fucking lipstick was my card which she didn't buy.

And I remembered the bloody shirt.

Napahawak ako sa sentido at pilit na iniisip kung ano ang nangyari at bakit mayroon siyang duguan na t-shirt sa bahay niya. And definitely, that was not hers and there was someone. Someone in the bathroom that she claims to be her boyfriend.

She was lying. She was hiding something.

Pinaandar ko ang sasakyan ko at dumiretso ako sa condo na tinutuluyan ni Evie. Kung may taong pumunta sa unit niya kagabi, siguradong makikita iyon sa CCTV. Diretso ako sa administration building at nagpakilalang pulis. Sinabi kong may tip sa akin na may nagaganap na bentahan ng drugs sa isa sa mga tenants nila at kailangan kong ma-view ang mga CCTV footages nila kagabi. At kung hindi sila makikipag-cooperate pati ang building nila ay madadamay sa ginagawa kong imbestigasyon.

Kaya ito ako ngayon, nasa security room nila at tinitingnan ang CCTV footages kagabi.

Alam kong inihatid ko bandang alas-onse si Evie kaya sa ganoong oras ako nagsimulang magtingin. Ang mga pumapasok sa entrance ng building ang tinitingnan ko. Tapos ay ang footage ng floor kung nasaan ang unit ni Evie. Nakakabagot ang ginagawa kong ito. Kapag may mga ganitong gawa ay talagang ibinibigay ko sa mga newbies. Ayaw na ayaw ko ang nakakaantok na ganitong trabaho. Pero napaangat ako sa kinauupuan at inilapit pa ang mukha sa monitor nang makita kong may lalaki ang lumabas mula sa emergency exit. Siguradong hindi ito dumaan sa entrance ng building. Kumunot ang noo ko tapos ay tumingin sa paligid. Tinitingnan ko kung mayroon nakatingin sa tinitingnan ko at naipagpasalamat kong wala. Duguan ang t-shirt ng lalaki. Halatang may iniinda dahil hindi diretso ang lakad nito. Lumakad ito at patingin-tingin sa paligid hanggang sa tumapat sa unit ni Evie. Pilit kong tinitingnan kung ano ang mukha nito dahil magaling umiwas at magtago ng mukha ang lalaki.

Hanggang sa bumukas ang pinto ng unit ni Evie at kita kong nag-usap sila. Pinapasok ni Evie sa loob ng unit niya ang lalaki at tumingin pa siya sa paligid bago tuluyang isinara ang pinto.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon