CHAPTER TWENTY ONE (His move)

4.1K 240 39
                                    

Two wrongs don't make a right.

---------------------------------------

Martin's POV

            Malakas na pagbagsak ng kung ano ang sumira sa tulog ko. Mabilis kong kinuha ang baril na nasa ilalim ng unan ko at itinutok iyon sa ere. Nakakainis na mukha ni Declan ang nakita kong nakatayo doon. Nakapamewang pa.

            "Fuck you, Declan. Don't you ever do that," napabuga ako ng hangin at inis na binitiwan ang baril na hawak ko. Gago talaga ang isang ito. Paano kung nabaril ko siya?

            "Do what? Ayan na ang mga nire-request mo. 'Langya ka. Ginawa mo na akong sekretarya, messenger mo pa. Ano ba ang mapapala ko sa pagtulong sa iyo?" Asar na sagot nito at naupo sa kabilang sofa.

            Nag-iinat pa akong bumangon at naupo sa sofa. Inihilamos ko ang kamay sa mukha ko at kinuha ang patong-patong na folders na ibinagsak niya doon.

            "This is it?" Tanong ko at binuksan iyon. Mukha agad ni Matthias ang nakita ko doon.

            "Everything. 'Tangina, pinatiyagaan kong samahan mag-moment si Ghost para lang diyan." Reklamo pa nito.

            "Tatay mo naman kasi iyon. Anong problema kung magkaroon kayo ng bonding na dalawa?" Sagot ko sa kanya. Patuloy kong binubuklat-buklat ang mga iyon. Ayos 'to. Kumpleto ang lahat ng details tungkol sa buhay ni Matthias at sa pamilya niya. Partikular sa mga anak niya.

            "Where have you been? Tagal mong nawala." Tanong pa niya.

            "Had a job," maikling sagot ko habang patuloy na pagba-browse ng mga papel.

            "What kind of job? Killing? Disposing bodies?" Saglit na tumahimik si Declan at nang tumingin ako sa gawi niya ay masama ang tingin sa akin. "Don't tell me you are stalking Sesi?"

            Sinamaan ko siya ng tingin at hinarap ang mga papel na hawak ko.

            "I am true to my words. Hindi ako manggugulo." Inis kong binitiwan ang mga papel. "Sesi moved on. It's been years. Nakalimutan na niya ako. Saka bakit mo ba pinipilit na babalik ako kay Sesi? Tapos tatakutin mo ako. Gago ka rin. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng idea," asar kong sagot sa kanya.

            Hindi siya agad sumagot at sumandal sa kinauupuan.

            "Ayoko lang magulo pa sila ni Yosh. I mean, your friend waited for so long, and I think he deserve this happiness now."

            Napahinga ako ng malalim at napangiti ng mapakla. Kasama siguro ito sa karma ko.

            "I know. Nauna ko lang nakilala si Sesi pero siguro talagang hindi kami ang nakatadhana. Ako rin naman ang gumawa ng dahilan para magkahiwalay kami." Tumingin ako kay Declan. "This is part of my curse. Alive. Breathing. Living in this new persona but I have to turn my back on everything I had."

            "That's part of our lives." Dumukwang siya at kinuha ang isang papel na nasa harap ko. File iyon ni Matthias Baldomero. "Why do you need this? Akala ko ba tapos na ang trabaho mo dito?"

            Nagkibit ako ng balikat. "Tapos na ang trabaho ko kay Matthias pero hindi sa tatlong ito."

            Tiningnan ni Declan ang mga sinasabi ko. "His kids?"

            "Those are the monsters that ruined her life." Sa sarili ko lang nasabi iyon.

            "Her? Sino?" Taka niya.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon