CHAPTER SIXTEEN (Practice)

3.7K 213 23
                                    

A change of heart changes everything - Todd Stocker

--------------------------------------

Elodie's POV

And I think it was effective.

Napangiti ako dahil alam kong naapektuhan si Martin sa pagdaan ko. At talagang sinasadya kong ipakita ang lahat sa kanya para makita ko kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Kung dati, hindi ako basta-basta makakaganito. Kahit nga alam kong walang tao dito noon ay hindi ako nagsusuot ng ganito ka-daring na panligo. Minsan shorts at sando pa. Pero ngayon, iba pala ang pakiramdam na parang nakawala sa hawla. I was flaunting my body. I don't care if I have scars or imperfections on my body. Besides, hindi naman si Elodie ang bumabandera ng katawan ngayon. Si Evie ang gumagawa nito. Si Evie ang may lakas ng loob na ipakita ang lahat-lahat ng walang inhibisyon.

Pasimple akong tumitingin sa gawi nila Daddy at nakikita kong nag-uusap pa rin sila ni Martin. From my place, I could see that he was throwing stares at me. Checking me out kaya lalo ko naman ginagalingan ang pagpo-pose ko dito. Bahagya ko pang ibinuka ang mga hita para naman mas maganda ang full view sa kanya. Mas mag-enjoy siya.

Because I knew men wanted woman to be like this. Wild. Giving. And I could see that Martin was affected. Nakita ko nga na naibuga niya ang soup na hinigop niya. Lihim akong natatawa at ipinikit ko ang mga mata ko. I could do this all day. Kay Martin lang pala puwedeng-puwede na akong mag-practice ng art of seduction. I needed that for my plans.

Ipinikit ko ang mga mata ko at ini-relax ang sarili ko doon. The soft breeze of the wind was helping me to relax. It was calming my mind. Helping me to think and plan everything I wanted to do in the coming months.

Napadilat ako nang maramdaman kong may kung anong tumaklob sa katawan ko. Nakita kong nakatayo si Daddy sa gilid ko at seryosong nakatingin sa akin.

"You are showing too much skin, honey." Inayos pa niya ang tuwalya na itinaklob niya sa katawan ko para lalong matakpan ang bandang dibdib ko. "The bees might be tempted to sting you if you keep on looking too sweet."

Napairap ako sa kanya. "You don't like me wearing this? You gave me this swim wear. I could remember that you built this pool for me. I am just enjoying the perks of staying here," sagot ko at inalis ang tuwalyang ipinatong niya sa katawan ko. Nakita kong nakatingin si Daddy sa bandang dibdib ko. Muli kong kinuha ang tuwalya at ibinalot sa katawan ko. I knew he saw my gunshot scar. Hindi naman iyon basta-basta maitatago.

Hindi sumagot si Daddy at tumingin sa mukha ko tapos ay ngumiti.

"I have to go back to Manila. If you need anything just call me. Martin will teach you everything you want to learn. Tell me when you are ready to go back. Okay?" Tinapik pa niya ang pisngi ko kaya napilitan akong ngumiti sa kanya.

Sinundan ko lang ng tingin si Daddy habang naglalakad palayo. May kausap na siya ngayon sa telepono. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung magtanong man siya kung saan ko nakuha ang peklat na ito sasabihin kong nakuha ko noong bata pa ako. Hindi naman siya ang nagpalaki sa akin kaya hindi niya alam ang mga nangyari sa akin.

Napabuga ako at inis na tumayo. Wala na rin naman dito si Martin kaya wala na ring saysay ang pagbibilad ko ng katawan dito. Nasaan na kaya ang isang iyon? Nakita kong nagliligpit na ang katiwala ng kinainan nila ni Daddy. Papasok na lang ako sa loob ng bahay nang makasalubong ko naman si Samantha. Natawa ako sa suot niya. Naka-bathing suit din ang bruha. Yellow polkadot two-piece bathing suit din ang suot. May butterfly clip pa rin sa ulo at pulang-pula ang pisngi at labi. Siguradong ginamit na naman ang lip and cheek tint ko.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon