CHAPTER EIGHT (Her End)

4.2K 226 23
                                    

NOTE: Please take time to read.

This chapter is not for everyone. This is really a f*ucked one. There would be graphic description of horrible acts. If you are not comfortable with this, you can skip this chapter.

Thank you.

- HM

====================================
He who fights with monsters might take care lest he thereby become a monster. and if you gaze for long into the abyss, the abyss gazes also into you. - Friedrich Nietzche

----------------------------

Elodie's POV

            "Please. Please. Let me go. I didn't hear anything. I didn't see a thing."

            Nanginginig na ang buong katawan ko. Maiihi na ako sa sobrang kaba habang napapagitnaan ng dalawang lalaki. Pero parang wala silang naririnig sa sinasabi ko. Tawanan lang sila ng tawanan.

            "Paano idi-dispose ito? Dapat malinis." Sabi ng lalaki sa tabi ko. Pakiramdam ko ay isang bagay lang akong pinag-uusapan nila kung saan itatapon.

            "Tulad ng dati. Chop-chop." Sagot ng nagmamaneho. Hindi man lang kami tinapunan ng tingin.

            Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. They were going to kill me, and they were going to chop my body.

            Automatic na tumulo ang luha ko maisip ko lang na sa ganoon magtatapos ang buhay ko. All I wanted to do was to do my job. It wasn't my fault that I was there. At the wrong place, at the wrong time.

            "'Tangina, chop-chop na naman? Ayoko na ng ganoon. Ang hirap. Masakit sa kamay. Lalo na kapag nagsasaksak. Badtrip kapag may mga tinatamaang buto," reklamo ng isa pang nasa tabi ko.

            "Saan pa tayo pupunta? Dito na natin tirahin 'to," sabi pa ng nasa tabi ko. Naalala ko na ito ang tinawag na Pol kanina.

            Hindi kumibo ang nagmamaneho. Tingin ko ito ang pinaka-leader nila at kung ano ang sabihin ng lalaki ay sinusunod nito. Patuloy lang ito sa pagmamaneho at nakita kong isang warehouse ang pinasok nito. Ipinarada ang sasakyan tapos ay bumaba. Sabay na bumaba ang dalawang nasa tabi ko. Ako, hindi ako gumagalaw. Shit. I don't want something bad happen to me.

            Sumilip sa kotse ang lalaking Pol ang pangalan at ngumisi sa akin. "Baba na."

            Umiling lang ako at lalong nagsiksik sa loob.

            "Baba na," pagkasabi noon ay hinila ako palabas ng lalaki. Halos masubsob ako sa lupa. Hinawakan niya ang buhok ko at pahila na dinala sa isang silid tapos ay parang basura na itinapon doon.

            Naabutan ko doon na nakaupo sa isang couch ang lalaking leader. May hawak na bote ng beer tapos ay nakatingin lang sa akin.

            "What will I do with you?" Nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa akin.

            Napalunok ako. "S-Sir. Please. Please. I am begging you. I am not going to tell anything. I didn't see a thing. Please. Just let me go," umiiyak na pagmamakaawa ko. Lumuhod na ako sa puwesto ko para lang pakinggan niya ang pagmamakaawa ko.

            Pero natawa lang siya habang nakatingin sa akin. Tinapunan ng tingin ang dalawang kasama na parehong nasa likuran ko. Maging sa kanila ay nagmamakaawa ako.

            "Crawl." Sabi ng lalaking nakaupo sa couch.

            Naguluhan ako sa sinabi niya. "What?"

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon