Kabanata 38

174 3 0
                                    

Kabanata 38

Days after we went back to Manila, Kiana suddenly showed up in front of my office. Glaring at my secretary.

"Ma'am, nagpupumilit po kasing pumasok." Kara apologetically said. Pinilit kong kumalma habang nakatingin kay Kiana na inililibot ang tingin sa office ko.

Ni hindi manlang nya ako tiningnan. Dire diretso lamang syang pumasok. How disrespectful.

"Sinabi ko naman sa'yong mag-kaibigan kami ng boss mo noong high school pa! Ayaw mo pang maniwala?" nagtaas ng kilay si Kiana kay Kara. I balled my fist and almost rolled my eyes.

Kara looked like she was about to bitch around Kiana so I immediately talk.

"You can leave us, Kara. We'll just talk about some stuffs here..." kalmado kong sabi kay Kara. Tumango sya, nagaalangan pa ngunit lumabas rin ng office ko.

Ngumiti si Kiana sa akin at dumaretso sa sofa na narito.

"How are you, Yukari? It's been a long time, huh?" ngumisi sya. I faked my smile and went to my swivel chair.

"I'm doing good. Really good."

"Mukha nga." she chuckled. Nag salubong ang kilay ko dahil sa pagkakatanda ko, hindi kami ayos at mas lalong hindi kami naging close noon.

Anong sinasabi nyang naging mag-kaibigan?

"So, what brings you here?" I maintained my posture and acted professional.

Kumalma ka, Yukari. Baka naman ay trabaho ang pinunta nya dito.

Umayos sya ng upo at humalumbaba habang nakangisi sa akin. "I just went here to warn you."

"About?"

Kinabahan ako.

"About Deyan."

Napaayos ako ng upo matapos kong marinig ang pangalan ni Deyan. Kanina ay inihatid nya pa ako dito sa office ko at nag send pa sya ng text message.

I smiled after reading his texts.

Deyan:

I have a meeting with my client later.

Eat your lunch.

I love you.

Iyon ang huli nyang text sa akin. Panatag naman ako sa kung anong mayroon kami ni Deyan ngayon ngunit alam kong hindi habang buhay, ganito kami.

Kanina ay nagiisip na ako.

"Ayaw ko nang hanggang tingin nalang." bulong ko sa sarili. "mahal ko si Deyan... Mahal na mahal."

I was already thinking of saying yes to him.

"Niloloko ka lang ni Deyan, Yukari. Kagaya lang ng noon..." ani Kiana. Kumunot ang noo ko.

"Anong sinasabi mo?"

"I guess, you still don't know what happened." umirap sya at bumuntong hininga.

Nalilito na ako. Naiinis dahil pinapatagal nya pa.

I glared at her. "Ano ba ang mga sinasabi mo, Kiana? Kung wala kang magandang sasabihin, kung maaari ay umalis ka na."

Ngunit hindi nya pinansin ang sinabi ko.

She laughed. "Ilang buwan na kayong mag kasama ni Deyan tapos hindi nya pa rin sinasabi sa iyo? Poor you, Yukari. Hindi ka pa rin talaga natuto!"

Nakagat ko ang labi at nakaramdam ng pananakit ng puso. Sumosobra na sya!

"At ikaw? Anong tawag sa'yo? Buntot? Na laging sunod ng sunod kay Deyan?" ngumisi ako. "Kiana, let me slap this on your face. Ako ang mahal, hindi ikaw."

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin