Kabanata 29

176 6 0
                                    

Kabanata 29

Time passed like a whirlwind. Hindi ko na mabilang kung ilang beses inimbita ni Mommy sina Tita Andre at Deyan sa dinner dito sa mansyon namin. After all these years, their friendship didn't even disappear.

Malalim ang titig ko sa plato na nasa aking harap. Narinig ko ang malamyos na tawa ng aking ina at ni Tita Andrea.

"Ay, naku, kumare! Para namang iba kayo sa'kin, 'no! Na-miss ko rin kasi itong inaanak ko, ilang taon ko ring hindi nakita." Tita Andrea glanced at me and smiled. Tipid akong ngumiti at binalik ang tingin sa kinakain. "Ilang beses ko pa ngang tinatanong ang anak ko tungkol kay Yukari noon kaso ang sinasagot lagi, busy sa pag aaral. Naiintindihan ko naman kung bakit, tingnan mo ngayon? Magiging tagapagmana na si Yukari."

I felt a lump on my throat when I found Deyan's gaze. He was glancing at me too while wearing his serious expression. Wala rin naman akong ipinakita sa gitna ng titigan namin. He didn't smile at me for a once. Talagang pinanindigan nya ang pagiging bato nya.

Natigil lamang ang titigan namin nang narinig naming tumikhim si Ate Yvette at binigyan ako ng makahulugang tingin. Pette was feeding Yvonne. Umirap nalang ako at umiling.

Sabado nang makatanggap ako ng isang message.

Vernon:

Hoy.

Kumunot ang noo ko at nag-tipa.

Ako:

Ano.

Vernon:

Haha, bakit ka galit?

Umiling nalang ako dahil panigurado ay manggugulo lamang itong si Vernon.

Vernon and I stayed friends for years, he always got me and I always got him, too. Kahit pa noong lumipad kami ni Ate sa New York, our communication stayed.

Ilang minuto nang muling makatanggap ako ng mensahe.

Vernon:

Café tayo mamaya, it's been a year, Yukari. Come on, I'll fetch you.

Bumuntong hininga ako.

Ako:

Okay, ibili mo ako ng fries ha. Hehehehhehe:>>

Vernon:

Alam mo, ang dami mo nang utang sa'kin.

Ako:

Mahal mo naman ako, ayos lang 'yon.

I laughed when I hit the send button. I can already see his knotted forehead here.

Way back in college, Vernon confessed. He made it look like it was normal but for me, it isn't. Bahagya akong nanlumo dahil doon dahil inakala kong iiwasan nya ako sa pagtanggi ko ngunit hindi. Ilang beses ko na rin sinabi sa kanya na hindi pa ako handang pumasok sa relasyon. Vernon did understand my point. And just like that...we became friends. Best friends.

Ilang oras ang lumipas bago ko natanggap ang mensahe ni Vernon. Inayos ko ang sarili at abg aking nga gamit. I told Kara that I'll be leaving early today.

Nang matanaw ako ni Vernon sa may parking ay umaliwalas ang mukha nya.

"Good afternoon, Madame." ngumisi sya at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang kotse. I chuckled and slid myself in his car.

"Magandang...ako." sabi ko nang makasakay na rin sya. Umirap sya at natawa, bahagyang umiiling.

"Are you ready?" bumaling sya sa akin. Kumunot ang noo ko.

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Where stories live. Discover now