Kabanata 15

136 7 0
                                    

Kabanata 15

"Late ka ng 3 minutes." I glanced at my wrist watch as I close the gate. Humalakhak naman si Deyan sa aking likod.

"Pasensya naman po, mahal na prinsesa. You're that excited to see me, huh?" ngisi nya at tiningnan ang kabuuan ko. Namula ako nang mangha nya akong binalikan ng tingin. Inirapan ko na lamang sya.

"Saan ba yung cafe na 'yon? Anong pangalan?" sabi ko at tumabi sa kanya. Lumakad na rin kami at tinahak ang daan sa paradahan ng tricycle.

"Sweet Leaf Cafe." sagot nya. "Sa barangay pa 'yon nila Chloe, medyo malayo layo."

Kinunotan ko sya ng noo. "Nakarating ka na kila Chloe?"

My curiousity is at it again.

"Huh? Likod lang nung cafe, bahay na nila Chloe, e." simpleng sagot nya at tinitigan ako. "Bakit? Selos ka kay Chloe, 'no?"

Namula ako at hinampas ang braso nya. "Selos ka dyan! Wala naman akong pake dyan sa crush mo."

"Wala kang pake sa sarili mo?"

That caught me.

Namula na naman ang pisngi ko at umiwas ng tingin. Bakit ba ang hilig nyang mambigla? Tyaka totoo naman ah? Si Chloe naman talaga ang crush nya nong una palang!

But Yuki he already confessed to you!

Inis kong isinantabi ang aking naiisip. It'll only distract me more.

Nang makasakay sa tricycle ay tahimik akong minamasid ni Deyan sa may salamin. Nang magawi tuloy ang tingin ko doon ay muntik na'ko masamid sa sariling laway. Bakit ba sya nakatitig?

Napahinga ako ng maluwag nang pumara na si Deyan sa tricycle at handa na sana akong kumuha ng pera sa aking wallet ngunit nag-abot na sya ng bayad sa driver.

I quickly glared at him but he just looked at me innocently.

"You!" duro ko.

"What?" his forehead knotted. "Yuki, pag kasama kita, ayaw kitang gumastos."

"But don't you think it's quite unfair?" humina ang boses ko.

Alam kong nagtatrabaho sya para kumita ng sariling pera ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nya iyon ginagastos sa akin. Pinaghirapan nya iyon! Sa kanya dapat iyon.

Natigilan si Deyan at napatitig sa'kin.

"I don't want to depend on you, Deyan." I said, looking in his eyes.

"I won't question your decision.... If that's what you want then, okay." he replied slowly yet calmly.

Napatango naman ako. Lumebel sya sa akin at hinawakan nya ang kamay ko para pahawakin sa braso nya.

"Marami akong fangirls dito. Let them know you're the only one who owns me." bulong nya sa akin. Umirap ako at namula ang pisngi. He's really good at surprising me!

Nagsimula na kaming maglakad at sa pagkakatanda ko ay ilang beses palang ako nakapunta dito sa barangay na ito.

Huminto kami sa tapat ng isang cafe. Naka-sulat doon sa taas ang Sweet Leaf Cafe kaya agad kong natunugang ito yung pinagtatrabahuhan ni Deyan.

"Tara," iginaya ako ni Deyan sa loob. I also noticed that there were few people who's already staring at him then they'd turn to me.

Lalo akong tinubuan ng hiya.

"Deyan pare! Kanina ka pa hinahanap ni Manager." sigaw nung nasa may dulong table. He's serving foods to the group of girls who's also staring at Deyan.

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Where stories live. Discover now