Kabanata 14

128 5 0
                                    

Kabanata 14

A moment of silence surrounded us while we're walking. I'm still shock of his sudden confession. Who the fuck would expect that, huh? We treated each other as friends for a very long time. How come? Namula tuloy ang pisngi ko. Why am I even flushed?

Parang kanina ay hindi matigil ang pag-iyak ko, ngayon nama'y parang kinikiliti ng kung ano ang sikmura ko. Normal lang ba 'to?

"Yuki," he called softly. Kumurap ako at bahagyang lumayo nang magtama ang braso namin. He's too close! At talagang sinasadya nyang magdikit kami.

"Ano?" I replied lowly.

"Say something..." he said huskily. I swallowed hard and looked away. Paano'y nakatitig sya! Ilang na ilang na nga ako kanina pa.

"Anong sasabihin ko?" I frowned. The atmosphere is just too much.

"Ikaw... Bahala ka."

"E, wala nga akong masabi." I pouted a bit. He chuckled and caught my arm. Nanlaki bahagya ang mata ko nang sya na mismo ang humawak sa akin.

Para akong napapaso.

"H'wag mo akong iwasan pagtapos nito." aniya na ikinakurap ko. Aba, ako pa talaga ang iiwas?

"Kapal mo naman, baka nga ikaw dyan ang umiwas." umirap ako.

"Asa."

"Bakit? Totoo naman, a?"

I was ready to bring up again what he did these past few days but he quickly caught my gaze.

"Hindi parin ba malinaw sa'yo kung bakit ko ginawa 'yon? Yung pag-iwas ko?" he said seriously. Tila napipi ako sa biglaan nyang pagpasok ng topic na iyon.

"Gustong gusto kita, Yukari. Hindi ko alam kung paano basta isang araw nagising nalang ako na gusto na  kitang angkinin...at ipagdamot. Hindi ako kuntento na kaibigan lang..."

Iyon ang nilinaw sa akin ni Deyan nung gabing iyon.

Buong gabi ko iyon iniisip kaya naman kinabukasan ay late na ako nagising. Nanlaki ang mata ko nang makitang 9:00 na ng umaga!

Shit! Lagot ako kay Dad.

Nagmamadali akong bumaba sa dining area at naabutan ko si Yaya Del doon.

"Oh, ngayon ka lang nagising, iha? Kinatok ka ni Janna sa iyong kwarto kanina pero wala daw nasagot, tulog ka pa raw. Kanina ka pa kasi hinahanap ng Daddy mo." agad akong ginapangan ng kaba.

"Nasaan po sila ni Mommy ngayon?" I asked even it was already obvious.

"Kanina pa sila umalis, iha."

Oh, of course. They'll work.

Kaya naman nang magsimula akong mag-agahan ako ay wala akong gana. Wala kasi akong kasabay.

Natigilan ako nang maalala muli yung sinabi ni Deyan sa'kin kagabi. Wala sa sariling napangiti ako habang nagsasandok ng kanin. Agad itong napawi nang may mapagtanto. Bakit nga ba'ko nangiti?

Nang matapos ay bumalik ako sa kwarto. Tiningnan ko ang aking phone na nasa bedside table at nakitang may 3 unread messages doon. Si Deyan pala.

Deyan:

goodmorning sunshine.

gising ka na?

reply naman dyan lodi.

Napakunot ang noo ko at tiningnan ang oras. 15 minutes ago pa ang kanyang text. I decided to reply.

Ako:

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon