Kabanata 21

129 4 5
                                    

Kabanata 21

Our intrams ended smoothly and thank God, our group won! Isa lang ang ibig sabihin non!

Exempted kami sa exams sa subject ni Sir Madrigal!

"Congrats Chavionne and to your group. You all did very well." Sir Madrigal greeted us with a smile. Napasimangot naman si Chay nang banggitin nito ang buo nyang pangalan kaya natawa kaming mga ka-grupo nya. Nagpalakpakan naman ang lahat at binati kami sa pagka-panalo namin.

My eyes unconsciously darted on Kiana. She's now glaring at me. What the hell is her problem again?

Dahil sa inis ay umirap ako sa kanya at humalukipkip.

Sir Madrigal gestured us to seat so that he could continue his lesson. Ngumiwi ako nang dumapo muli ang tingin ko kay Kiana at nakitang masama padin ang titig nya.

Seriously? Gusto nya bang dukutin ko 'yan?

"Beshy, anong want mong kulay? Purp or Maroon?" Marjo asked who's now sitting beside me.

"Purple, why?" lumingon ako sa kanya. May hawak syang dalawang keychain, ang isa ay maroon at ang isa naman ay purple. Inilahad nya sa akin ang kulay purple na keychain at tinanggap ko naman iyon kahit naguguluhan.

"Lagay mo sa wallet mo para matchy matchy tayo." Marjorie giggled and took out her wallet.

Napatitig ako kay Marjo. Nag-iba sya these past few weeks dahil masyado sumobra ang sweetness nya sa aming mga kaibigan nya. Naalala ko pa nga na lagi nyang binibigyan ang mga kaklase ko ng chocolates which is hindi nya nagagawa noon dahil ang tingin sa kanya dito ay suplada. But now...she's everyone's friend na. I'm happy for her.

"Ilagay mo sa wallet mo ha, magagalit ako pag hindi." inirapan nya ako matapos nyang ikabit ang maroon keychain sa kanyang wallet.

She probably noticed my stares that's why she glanced back at me. "Ganda ko 'no? Sorry, hindi tayo talo, besty."

Umiling ako at ngumisi. Umiwas ng tingin at nilabas ang aking wallet. "Tss, mas maganda ako sa'yo."

"Sus! Palibhasa may nagaalaga, sana all nalang." tawa nya kaya natawa na rin ako.

We spend our free time by talking to each other like there's no tomorrow. Madaldal na naman si Marjorie ngayon hindi kagaya nong nagdaang linggo na bihira mag-kwento. .

"Yukari Fleur." natigilan ako nang tawagin nya ako sa buo kong pangalan. She's now smiling but it didn't even reached her eyes. She maybe smiling but she seems serious now.

"Ano? Grabe ha, nanayo balahibo ko!" sabi ko at umirap. Totoo naman kasi. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon nya lang ako tinawag sa buo kong pangalan nang ganito ka-seryoso.

"Uhm... What would you feel... If I suddenly disappeared from your sight?" she asked sadly. Nanlaki ang mata ko at bahagyang hinampas ang braso nya.

"A-ano ka ba, Marjorie! H-h'wag ka ngang mag-biro nang ganyan." nanginig ang boses ko. Sumakit din ang puso dahil sa tanong nya.

"What?" she chuckled with no humor. "I was just asking you, besty. What's wrong? Tanong lang 'yon."

"K-kasi naman, e!" I began to tear up. Nangilid ang luha ko dahil sa hindi malamang rason. Siguro dahil sa epekto ng tanong nya?

Naalerto si Marjorie sa naging reaksyon ko at bigla nalang akong niyakap. Lalong rumagasa ang luha ko dahil doon.

I can't afford to lose her. I don't want to lose Marjorie. Bukod kay Deyan, sya lamang ang taong nanatili sa'kin. Intindi ako ni Marjorie. She treated me as her very special friend so do I.

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Where stories live. Discover now