Kabanata 31

203 3 0
                                    

Kabanata 31

Malamig ang kamay ni Deyan nang hilain nya ako palapit sa kanyang sasakyan.

"T-teka! May sasakyan akong akin...at may kikitain pa ako sa restaurant na iyon." mahina kong sinabi. Marahas na bumaling sa akin si Deyan, galit ang kanyang mata.

"Sino naman ang kikitain mo doon?" nanguusisa ang tono nya, madiin ang pagkakasabi.

Kumunot ang noo ko at binawi ang kamay ko sa kanya. "Ano naman sa'yo kung may k-kitain nga ako roon?"

Umigting ang panga nya at hinayaan akong bumitaw.

"Damn it..." napatitig sya sa akin at umiling iling pa. Nagmura sya sa kanyang sarili bago naglakad palayo.

I was left dumbfounded. Hindi ako mapakali habang nakatitig sa kanyang likod na papalayo. Guilt started to built inside me. Kinain ng konsensya ang sistema ko dahil niligtas nya na nga ako kanina, ngayon ay ako pa ang may ganang hindi tumanaw ng utang na loob, kaya naman nakita ko na lamang ang sarili na hinahabol sya. Agad kong hinaklit ang braso ni Deyan dahilan para mapaharap muli sya sa'kin.

Tinaasan nya ako ng kilay na tila inaasahan nya ang paghabol ko.

"What now?" he said with amusement in his eyes but it immediately faded.

"Look... I just wanted to say...thank you." yumuko ako at binitawan sya. Nang makabitaw ako ay sya naman ang humawak sa braso ko.

"You owe me a dinner then." he said seriously. Napanganga ako dahil doon.

"Ano? Eh, halos sa amin na nga kayo ni Tita Andrea nagdidinner lagi. Makakasabay naman kita doon..." nagsalubong ang kilay ko.

"Gusto ko...tayo lang." he said without taking his eyes off of me.

Hindi ako makatulog nang mag gabi. I kept on remembering what happened today. Hindi ko sinabi kila Ate Yvette at kila Mommy ang nangyari sa restaurant dahil panigurado ay magaalala yon sila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang mag vibrate ang phone ko sa side table. Agad ko iyong kinuha at tiningnan ang nag message.

09xxxxxxxxx:

This is Deyan. Save my digits.

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Sinave ko muna iyon bago nagtipa ng reply.

Ako:

Paano mo nalaman ang number ko?

Wala pang ilang minuto ay may reply na sya.

Atty:

I have my ways.

Ako:

Kanino nga? Sa secretary ko?

Close kayo?

Atty:

Nope, I don't even know her.

Stop being jealous.

I'm all yours:)

Nanlaki ang mata ko at halos ibato ang phone sa nabasa. Agad na nasundan iyong huli nyang mensahe.

Atty:

Ipasa mo ito sa 10 na tao kung hindi, ikaw ay mamalasin sa loob ng 7 taon.

Ako:

Gago.

Inis kong sinend iyon. Maya maya pa ay nag-reply na agad si Deyan.

Atty:

Tomorrow, dinner. I'll fetch you.

Goodnight Yuki:)

Bumuntong hininga ako at nilapag ang phone sa gilid ng kama. Pumikit ako at walang maramdaman. Damn...where the hell is it? Where the heck is the damn spark, huh?

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Where stories live. Discover now