Kabanata 32

168 3 0
                                    

Kabanata 32

Hindi naging madali sa akin ang pag-proseso sa mga sinabi ni Deyan. Hanggang ngayon ay naririnig ko parin ang kanyang boses kahit saan.

Katulad ng sinabi nya kahapon, hindi nga sya nagbibiro na susunduin nya raw ako sa amin para sa dinner namin ngayon.

Hindi nalang ako umalma dahil ilang beses na akong iniligtas ni Deyan sa mga nag balak bumastos sa akin.

I wore my high-waisted jeans and yellow crop top, partnered it with my sandals.

May kumatok sa kwarto ko.

"Ma'am Yuki, may naghahanap po sa inyo sa baba. Deyan raw ho ang pangalan..." one of the maid shouted.

"Opo, pakisabi wait lang ho." I shouted and apply lip balm on my lips.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nasa hagdan palang ay kitang kita ko na si Deyan na nakaupo sa may sala namin.

Nanlaki ang mata ko nang makita na maging si Dad ay naroon rin, kasama ang kanyang nurse. I saw Dad was staring at Deyan while he was at his wheelchair. Hindi ko naman mabasa ang titig ni Deyan kay Daddy.

Hinanap ng mata ko si Mommy ngunit bigla ko ring naalala na nasa out of town nga pala sya ngayon dahil may project sya doon at may mga business meeting.

"Uh..." I said awkwardly. Napatayo si Deyan nang makita ako. He's still wearing his corporate attire. Hindi ito yung suot nya kanina. Kumibit balikat ako. Baka nagpalit.

"Nagpaalam na ako sa Daddy mo...let's go." he said quickly and went out of the house. Napanganga ako nang dire diretso syang lumabas.

Ano kayang problema non?

Lumapit ako kay Daddy at hinalikan ang noo nya. I saw how weary his eyes are, also, he's nodding his head slowly. Hindi ko nalang pinansin at lumabas na dahil baka mainip si Deyan doon.

I found him leaning on his car while playing with his keys. He looked so hot while doing it, tho. I saw how he scanned my whole body when I was near him.

He smirked. "That's my girl."

Nanlaki ang mata ko at sinamaan sya ng tingin. "Oh, shut up, Attorney."

"What? Hindi ka na kinikilig? Samantalang noon..." he eyed me meaningfully. Lalo pang umasim ang pakiramdam ko.

"Let's go na! Nagugutom na'ko..." I said and stomped my feet a bit.

"Let's go na..." he mocked me while opening his car. He smirked at my reaction.

"Bilis mo na mapikon, hindi ka naman ganyan noon, ah?" puna nya nang makapasok na rin sya sa loob.

"E, ikaw? Hindi ka padin nagbabago, annoying ka padin." umirap ako.

"Annoying ka pa rin..." he mocked me again. Inirapan ko nalang sya.

After teasing each other, we went silent the whole ride. I was just staring at the car's window while eyeing the night sky.

Bigla kong naalala si Daddy at ang pag kikita nila ni Deyan kanina. Deyan is probably confuse and I think he might need to know about my father's condition...right?

"Si Daddy...na-stroke sya last last month. Baka lang...nagtataka ka kung bakit ganoon sya ngayon." humina ang boses ko at biglang nahiya.

Nakita ko ang pagkatigil ni Deyan at bahagyang pag tango. Hindi manlang umimik.

I shrugged and didn't talk. Now, I don't have enough courage to strike a conversation.

Habang nakatingin sa daang tinatahak namin ay nanlaki ang mata ko.

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Where stories live. Discover now