Napayuko naman ako sa mga sinabi niya. Mukhang alam niya lahat, ganito talaga siguro kapagmagkaibigan wala kayong maitatago sa isa't-isa.

Halos hindi ako makapag-salita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Gusto ko lang naman maging masaya eh" sabi ko at unti-unti ng namumuo ang mga luha sa akin mata.

Mabilis naman siyang lumapit sa akin inangat ang mukha ko, nakita kong mukhang malungkot din ang mga mata niya.

"Wala man akong magawa para mawala ang problema mo pero gusto kong makalimutan mo ito kahit sandali lang" sabi niya sa akin at binigyan ako ng ngiti.

Natahimik naman ako dahil doon.

Nata-touch ako sa mga ginagawa ni Spike na ito.

Maya-maya lang ay pinaupo niya na ako sa may tabi ng Fountain at nagulata ko dahil may nilabas siyang gitara.

"Marunong kang kumanta?" Tanong ko sa kaniya.

"That's my hidden talent" sagot niya at kinindatan pa ako ng loko pagkatapos ay tinaas baba nanaman ang kilay nito.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

Inistrum na niya hawak niyang gitara at doon pa lang ay alam kong magaling siya.

'I need to know if I should raise or fold
My heart is stuck on hold
I wanna know which way to go'

Napakalamig ng boses niya at ang sarap sa tenga.


'I can't love alone
I can't love alone'

Heartbroken ba ang lalaking ito?

'I tried not to fall so far for you
Now I can't get away from anything you say
You make me feel nervous and stupid
Whenever I tell you I'm tired of playing games
I don't wanna tell a lie
I don't wanna have to hide'

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang kinakanta ito.

'I need to know if I should raise or fold
My heart is stuck on hold
I wanna know which way to go'

'I can't love alone
Oh I can't stay here wonderin' if you want me
If you don't take me, I should leave'

'I can't love alone
I can't love alone
I can't love alone'

Natapos ang kinanta niya at kita ko sa mukha niya na napapangiti siya ng pilit.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Mapag-usisang tanong ko sa kaniya.

"Huh?" Takang tanong niya sa akin.

"Eh kasi parang heartbroken ka sa kantang kinanta mo, sino ba yung maswerteng babae na yun ah?" Tanong ko pa sa kaniya at ginaya yung pagtaas baba ng kilay niya.

"A-ah w-wala ah, y-yun lang kasi ang alam kong kanta k-kaya yun" sagot niya at napakamot sa ulo niya.

"Weh?" Paramg di naniniwalang reaksyon ko sa kaniya.

"Oo nga" parang medyo naiinis na sabi niya.

Natawa naman ako dahil doon.

Bigla niya naman akong tinitigan kaya napatahimik ako sa pagtawa.

"B-bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kaniya at pinunasan pa ang mukha ko.

"Wala naman, dapat lagi kang masaya, mas maganda ka kapag nakatawa" sabi niya sa akin at nginitian ako.

Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi niya.

"Ay anu ka ba" nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Lagi mong tatandaan na kapag may problema ka, may masasandalan ka" sabi niya sa akin.

Napatitig naman ako dahil sa sinabi niya.

Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan at pamilya akong masasandalan kapag may problema ako.

Aaminin ko na kahit papaano ay nakalimutan ko ang problema ko dahil sa ginawa ni Spike.

"Maraming salamat" sabi ko sa kaniya.

"Naku wala yun, oh halika kumain muna tayo ng ice cream" sabi niya at hinulo ang buhok ko pagkatapos ay inabutan ako ng ice cream.

"Baka abutan tayo ng Black Soul dito" sabi ko naman sa kaniya.

"Naku takot sa akin ang mga yun, ang lakas ko ata" sabi niya at bihlang finlex ang muscle niya, lalo akong natawa dahil sa ginawa niyang iyon.

"Ang lakas ng amats mo haha" sabi ko sa kaniya habang natatawa.

"Hayss hindi ka naman mabiro" sabi niya at bigla akong iniripan.

Lalo akong natawa dahil sa pag-irap niya.

"Oo na ahhaha" sabi ko habang diko mapigilan ang pagtawa ko.

"Oh sige na nga, oyy pero aminin mo maganda ang boses ko" pagyayabang niya.

"Paranga asong ulol na umaalulong" pang-aasar ko sa kaniya.

"Ayy grabi siya" sabi niya na lalo ko pang ikinatawa.

Halos nagatawanan kami habang nag-aasaran, Ang cute niya kapag inaasar.

*****

Obsessed VampireOù les histoires vivent. Découvrez maintenant