CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)

Start from the beginning
                                    

Aside from being an asshole, I got those words from grieving families most of the time and I am used to it. Their emotions were taking over their logic that's why they were like this.

"I understand your pain, Mr. Baldomero. But you need to cooperate so we could find who did this to your son." Malumanay na sagot ko.

"Hindi ko nga kayo kailangan! Kung maso-solve mo ang kasong ito, maibabalik mo pa ba sa normal ang anak ko?" Bahagyang nabasag ang boses ni Matthias. "Look at him. Beaten like a pulp. His brain is swelling the doctors need to put a hole on his head. He got ruptured lungs that he needed those ventilators so he could breathe. Do you want to know what happened to his kidneys? His liver? His pancreas? They are all crushed. And do you want to know what other thing that demon did to him? That demon cut my son's penis and stuffed it in his mouth. They found Karl on pile of garbage hanging for his life. He was fighting to survive. Imagine his pain. His suffering. He doesn't deserve this kind of suffering." Tuluyang napaiyak si Matthias at napahagulgol ng iyak. "They did that to my kid. They killed my Pol, now they did this to Karl."

Hindi ako nakasagot. Just imagining those nightmares, parang ayaw ko ng marinig pa ang ibang detalye. That was gory. Hindi matinong tao ang makakagawa ng ganito. Tapos ay hindi pa tinuluyan. Fucking sick. Only a psycho could do this kind of shit. Talagang pinahirapan ang isang ito. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Karl Baldomero para maranasan niya ang ganitong klaseng pahirap.

"Now tell me, how can you find who did this to my kid?" Punong-puno ng luha ang mata ni Matthias nang tumingin sa akin.

Hindi ako nakasagot dahil wala naman akong maisasagot. Paano ko maso-solve ang case na ito kung preliminary investigation pa lang, para na kaming naghahanap ng karayom sa dilim?

Narinig namin na bahagyang umungol si Karl. Agad na lumapit dito si Matthias at marahang hinimas ang ulo ng anak. Nakita kong nagdilat ito ng mata at tumingin-tingin lang sa paligid.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at sumilip ang isang security ni Matthias.

"Boss, nandito si Martin." Anunsiyo nito.

"Papasukin mo." Sagot nito tapos ay tumingin sa akin. "I think we're done here, officer. I want to be alone with my kid."

Napatango-tango lang ako at muling napatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang isang bulto ng lalaki. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin at ganoon din naman ang ginagawa ko. Nagsusukatan kami ng tingin. Pamilyar ang lalaking ito. Sigurado ako nakita ko na ito kung saan.

Ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa ng lalaking dumating. Halatang ayaw niya sa presensiya ko. At ganoon naman ako sa kanya. Tingin ko pa lang sa kanya ay mainit na ang dugo ko. Sigurado na akong isa itong tauhan ni Matthias. Maybe one of his muscle men. Someone who would do the dirty works for him. Pero hindi nakaligtas sa akin ang malaking putok sa gilid ng kilay nito at pasa sa pisngi. Mukhang galing sa pakikipagbugbugan ang isang ito. Halatang sariwa pa ang mga sugat sa mukha.

"Boss." Bati nito kay Matthias.

Tumango lang dito ang tinawag tapos ay tumingin sa akin.

"You can go. We're done." Pagtataboy sa akin ni Matthias.

Marami pa sana akong gustong itanong lalo na sa lalaking ito. Sa ganitong case, lahat ay puwedeng maging suspect. Kahit na ang pinaka-close sa taong involved. Pero wala akong probable cause. Kahit ipilit ko, malamang mabaligtad pa ako at ako pa ang ireklamo ni Matthias.

"Thank you for your time, Sir." Iyon na lang ang nasabi ko at tinungo na ang pinto. Pero hindi ko pa nabubuksan iyon ay narinig ko nang malakas na umungol si Karl.

Nang tingnan ko ang lalaking nakaratay sa kama ay nakadilat ito. Umuungol ng matindi at halatang gustong magsalita. Ang kamay ay nakahawak sa bagay na nasa bibig nito at gustong tanggalin. Ang katawan ay pilit na iginagalaw kahit alam kong nahihirapan ito. His adrenalin was kicking in kaya ganito ang nangyayari kay Karl.

"Karl. Anak, calm down." Natatarantang sabi ni Matthias at hindi malaman kung ano ang gagawin sa anak. May pinindot itong button para makatawag ng nurses at doctor.

Pero hindi huminto si Karl. Umuungol lang ito ng matindi at nanlalaki ang mata na nakatingin sa kung saan.

Sinundan ko kung saan ito nakatingin. Nakatingin si Karl sa lalaking dumating. At nang tingnan ko ang lalaki, kalmado lang itong nakatayo sa isang gilid at nakatingin sa nangyayari sa lalaking nasa kama. Hindi natataranta. Hindi nag-aalala. Walang kaemo-emosyon

        Paulit-ulit ang ungol ni Karl at nanatiling nakatingin sa lalaki. Noon pumasok ang dalawang nurse at isang doctor. Tumulong na rin na pakalmahin si Karl. Pero maya-maya lang ay nakita kong tumirik ang mata nito tapos ay nangisay ang katawan.

"He's coding! Get the E-cart!" Sigaw ng doctor at pilit na pinalayo si Matthias sa kama. Kita ko ang kalituhan sa mukha ng matanda habang nakatingin sa anak na nag-aagaw-buhay.

Mabibilis ang galaw ng mga doctor. Pakiramdam ko ay nanonood lang ako ng pelikula habang pilit nilang ginagawan ng paraan na madugtungan ang buhay ni Karl. May isang nag-si-CPR. May nag-saksak ng kung anong mga gamot. Lahat ay kumikilos. Tanging kami lang ang mga walang ginagawa doon na nakatingin sa nangyayari.

But I knew Karl won't make it. I could see desperation from the doctor's team while trying to resuscitate him. What they were doing was all for a show. Showing to us that they did all they can to save this man. I knew Karl was dead already. He was not moving at all. Dead eyes open looking at something. Like he was looking at a ghost. Or a monster that could give him such a terrible heart attack.

Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil na rin ang mga ito. Napapailing-iling ang doctor at nag-aanounce ng time of death. Lumapit ito kay Matthias na hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

"I am so sorry, Mr. Baldomero. We did everything we can. His body didn't make it. He suffered a cardio-pulmonary arrest." Malungkot na sabi ng doctor.

Hindi makapaniwala si Matthias sa narinig at lumapit sa anak na wala ng buhay na nasa kama.

"Karl." Nanginginig ang boses nito tapos ay hinawakan ang kamay ng anak. "Karl. Don't do this to me. Huwag pati ikaw. I lost Pol already. Please. Wake up," basag na basag ang boses nito.

Napailing ako. Shit. I don't like these Baldomero's, but this time, I don't think they deserve this kind of shit. This was too much. Losing both of his sons in a week? That was a fucking torture.

At nang tapunan ko ng tingin ang lalaking dumating ay nanatili pa rin itong nakatayo lang sa puwesto niya. Nakatingin lang sa nangyayari.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

Did I just see him smile?

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now