CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)

Magsimula sa umpisa
                                    

Napahinga ako ng malalim at tinawag ko ang isang security. Sinabi kong kailangan ko ang kopya na iyon. Nakipag-cooperate naman sila at ibinigay iyon sa akin. Pakiusap lang na huwag akong gumawa ng kahit na anong ikaka-eskandalo ng lugar nila.

Pabalik na ako sa kotse ko nang maka-receive ako ng tawag galing sa opisina.

"Gabriel, we got a new case. Pero naka-news blackout ito." Bungad sa akin ng tumawag. Sigurado na akong si Verona ito na kasa-kasama ko sa mga cases.

"Anong new case?"

"Naalala mo si Pol Baldomero? 'Yong bakla na pinatay. 'Tangina, kapatid naman niya ang nadale ngayon."

"What? Sinong kapatid?" Si Jorge kaya? Pero nakita ko pa iyon kahapon.

"Karl Baldomero. 'Tangina, limang taon na ako sa serbisyo at akala ko nakita ko na ang lahat. Pero ang isang ito..." hindi nito naituloy ang gustong sabihin. "Just get there, man. It's fucking sick."

"Patay na ba?" Tanong ko pa habang pasakay sa kotse.

"'Yon nga. 'Tangina, hindi namatay. Comatose. Pero hindi na rin binibigyan ng pag-asa ng mga doctor na mabuhay. Kagagaling ko lang sa hospital. Text ko sa iyo ang address." Pagkasabi noon ay pinatayan na niya ako ng tawag. Maya-maya ay tumunog ang telepono ko at text message naman ang natanggap ko. Ospital kung saan ako dapat na pumunta. Pinaandar ko ang sasakyan ko at dumiretso na doon.

Kilala ang mga Baldomero sa larangan ng business. Well, those boys were known sa mga party scenes. Idagdag pa ang sensationalize killing na nangyari kay Pol Baldomero. Pero tama ang kausap ko kanina. The family made sure that the media won't go frenzy about this news. Mahigpit ang security pagpasok ko pa lang. Ini-screen ang mga tao lalo na pagdating sa floor kung saan nakaratay si Karl Baldomero.

Nakapasok nga lang ako dahil ipinakita ko ang proof na isa akong pulis. Dumiretso ako sa silid kung nasaan ang lalaki. Sa labas pa lang ay may dalawang nakabantay na. Mukhang nag-hire na ng private security ang pamilya. Muli kong ipinakita doon ang ID ko tapos ay pumasok ang isa. Maya-maya ay lumabas at sinabing puwede na akong pumasok.

Naabutan ko sa loob na naroon si Matthias Baldomero at nakatingin lang sa anak niya na nasa kama. Napangiwi ako nang makita ko ang kalagayan ni Karl. Kahit ako ay naisip kong mamatay na lang din siya kung ganito ang kalagayan niya. The man looked like a beaten vegetable already. Basag ang mukha gawa ng matinding bugbog. Napakaraming nakakabit na tubo sa katawan.

"I am not going to press charges." Narinig kong sabi ni Matthias habang nakatingin sa anak. Wala na akong makitang emosyon sa mukha ng matanda. Tingin ko ay naubos na dahil sa dalawang dagok na dumating sa pamilya nito.

"Sir, we still need to conduct investigation regarding what happened." Sagot ko.

Tinapunan niya ako ng tingin at pilit akong ngumiti sa kanya.

"Did you find who killed my son Pol?" Seryosong tanong niya.

"The case is still under investigation, and..."

"Did you find who did it?" Mariing putol niya sa sinasabi ko.

"We are doing everything we can, Sir. We are investigating all angles that could lead to catch his murderer."

Napailing siya at pilit na tumawa.

"You are doing all your best and still you don't have anything." Tumingin siya sa akin. "Now you're here to investigate what happened to Karl? Tumigil ka na. Dahil alam ko rin ang mangyayari. Wala. Mga inutil kasi kayo. Wala kayong silbi." Matigas na sabi nito.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon