Her Virgin Brother

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ilahad mo kamay mo."

Dali-dali kong inilahad ang kamay ko. Baka iHolding Hands niya na ako.

Pagkakataon din ito syempre.

Mayamaya ay may inilagay itong barya sa sa kamay ko.

"Piso?" Wala sa sariling sabi ko.

"Kulang pa ba?" Dinagdagan nito ng piso. "Oh, dos, maghanap ka ng kausap mo."

Umalis na ito sa harapan ko. Wala pa rin sa sariling naglakad nanaman ako. Papunta sa kanya.

Huminto nanaman ito. At humarap na sa akin.

"Ang kulit mo. Puwede ba? Tigilan mo ko."

"Ayoko. Di ko kaya. Gusto nga kita diba? Mahirap pigilan ito. Kala mo ba?"

"Wag kang Joke. Walang kalbo dito."

"Talagang hindi ako nagJojoke, dahil gusto talaga kita."

"Miss." Lumapit na ito ng tuluyan sa akin. "Bibigyan kita ng limang dahilan kaya Ayoko sa iyo."

Awts. Sakit. Ayaw na agad niya sa akin. Pero hindi ako magpapatalo. Gusto ko siya. At ipagpapatuloy ko ito.

"Una." Tinapat nito hintuturo sa akin. "Ayoko sa agresibong babae katulad mo."

"Hello?! 2013 na kaya."

"Pangalawa." Yung dalawang daliri naman ang tinaas nito. "Ayoko sa taong kaClose ng kapatid ko. Katulad mo."

"Ayaw mo non? Para di na ako mahirapan sa pakikibagay sa future sister-in-l---"

"Pangatlo." Tinaas naman nito ang tatlong daliri nito. "Ayoko sa mga makukulit. Katulad mo."

Nag-pout naman ako. Sige. Ipaglandakan mo sa lahat na hindi mo ako gusto.

"Pangapat. Ayoko sa.." Tiningnan naman ako nito taas-baba. ".. Hindi na Virgin."

Namilog yung mata ko. Oo. Di na ako Virgin pero talagang ayaw niya sa mga ganun?!

"Hello?! Parang yun LANG?!"

"Anong LANG?! Mahalaga sa akin na Virgin ang babae!"

"Bakit ikaw? Virgin ka pa ba?"

Namula ito. Oh-Oh..

Dahil loka-loka ako. Silence means YES.

Talagang VIRGIN pa siya? Magkapatid nga sila ni Polly.

"Virgin ka pa? Kuya Edrik?" Pangasar ko na yung 'Kuya' kahit may gusto ako sa kanya. Mwahahaha! Parang ang sarap asarin.

"Hindi kita kapatid." Nagiwas ito ng tingin.

"Pero Virgin ka pa? Talagang-talagang-talaga?! Ay! Tamang-tama! Puwede mo kong arkilahin. May bawas pa! At kung gusto mo may discount sayo. Take note! ARAW-ARAW pwede ako! Ano? Gusto mo?"

"I dont need you"

"You need me! Swear." Tinaas ko pa yung kanang kamay ko. Tanda na kailangan talaga niya ako.

Umiling na lang ito sabay tinaas ang kamay.

"Pang-lima."

"Lima? Ah. Oo nga pala. Lima pa lang dahilan kung bakit ayaw mo sa akin. Oh? Ano?"

"Ikaw."

"Ako?"

"Oo. Ikaw. Ayoko sa iyo."

Tumalikod na ito at naglakad palayo.

Ako? Naiwan nakatunganga.

AKO? Sa lahat ng dahilan niya yun ang hindi ko matanggap. Yung mismong AKO!

"Pero di ako magpapatalo.. Kayang-kaya kitang makuha. Kahit saan paraan... BWAHAHAHAHAHA!"

_________________________________________________________________

Rushy's Note:

Due to insitent of myself at laging gumugulo sa utak ko tuwing gabi at lagi kong naiisip ang 10 Chapetrs na Lovestory ng Dalawa. Yes, 10 Chapters. Completed na ito. Sa utak ko.

MagUUD lang ako tuwing may POV si COLYN.. Basta.. Maganda ito. Para sa akin.. Kasi.. Gusto ko lang! HAHAHAHA!

Yung Scene na ito yung nalaman na ni Colyn na si Soohee at Polly ay iisa :) okay? Pagkatapos nun :)

Para sa New Readers..

Please read "The Virgin Writer" para makaRELATE kayo kay Plly and Mint <3 Si Edrik kasi ay kapatid niya sa Kwento..

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon