E P I L O G U E

4.4K 125 19
                                    

Lakad.....

Takbo......

Lakad.....

Takbo.....

Iyan ang ginawa ko bago makarating sa parking lot ng beach na ito. Halos kapusin na ako ng hininga dahil sa hingal. Tumatagaktak na ang pawis ko sa noo. Kahit sobrang lamig ng simoy ng hangin ngayon. Umiling-iling ako at pilit na iniisip na sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Sana kaya kong baguhin ang tadhana. Pero hanggang sana na lang ako.

Ika nga nila, 'mahirap labanan ang tadhana' dahil ito mismo ang gagawa ng paraan para maglapit sa inyo sa isa't isa o di kaya'y naman ay paghiwalayin kayo. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos pababa sa aking pisngi.

"Yvan!!" Malakas na sigaw ang narinig ko mula sa likod. Hindi ko na ito nilingon dahil kapag nakikita ko ang mukha niya naiisip ko palagi na patawarin siya agad. Umiling ako.

Mabuti na lang at nagdala ng sariling sasakyan si Capeta at nasa akin ang susi nito. Kailangan kong takasan ang tunay na reyalidad. Siguro ay magpapa-kalayo-layo muna ako. O pwede rin namang sumama na rin ako kay kuya sa Singapore.

Pumasok ako sa sasakyan at sinimulan ko itong paandarin. Kahit kailan hindi naisip na mangyayari ito sa akin. Marami an akong napagdaanan ngunit ito ang ang hindi ko kayang lusutan.



Patuloy pa rin ang mga luha ko sa pag-alpas. Habang ako ay tutok na tutok sa daan. Sobrang higpit ng hawak ko sa manibela. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Magulo ang buhok, basa ang mukha dahil sa mga luha at mga pawis na pagtuloy sa pagtagaktak.



Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sobrang lakas ng busina sa likuran. Agad kong tinignan ang side mirror at nakita ko ang van na sinakyan namin kanina. Mabilis ang pagtakbo ng Van. Siguro ay para abutan ako.



Ayaw ko na sawang sawa na ako sa mga panloloko nila sa akin.

Humihikbi 'kong binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan. Ayaw niya ako at pakinggan ang mga walang kwenta niyang paliwanag. Akala ko mahal niya si Genesis? Edi do'n siya! May anak na sila! Complete Family na sila. Atsaka anong sinabi niya kanina? Na handa siyang hiwalayan ako para panagutan yung bata? Pero bakit hinahabol niya ako?


"Tangina ka!" Mariing mura ko ng banggain niya ang sasakyan ni Capeta.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. Ngunit sabay no'n ay ang pagsalubong ng isang malaking truck sa harapan. Tinapakan ko ang preno ng sasakyan ngunit hindi ito huminto.

Tinapaktapakan ko pa ang prenohan ngunit ayaw nitong tumigil. Pabilis ng pabilis ng tibok ng puso habang papalapit ako sa sasalpukan kong truck. Napapikit na lang ako hanggang maramdaman ko ang pagtusok ng mga bubog sa aking katawan. At pagtilapon ng sasakyan ni Capeta sa ere.

Ramdam ko ang sakit ng pagkaumpog ko sa manibela ng sasakyan. Bumigat ang paghinga ko.

"Babalik ako, pangako."

It is a grave error to love you.

-THE END-

Rascality (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon