K A B A N A T A 32

2K 85 10
                                    

"Saan tayo pupunta?"






Napa-singhap ako sa kawalan dahil sa kanina pa sila walang imik. Parang lahat nagbago para sa akin. Kung dati ay palaging may oras sa akin si Leo ngayon parang wala na. Hindi na rin siya umuwi sa bahay dahil daw palagi siyang busy sa trabaho niya. Naiintindihan ko naman na busy siya pero t'wing may oras na siya sa akin. Parang hangin ako sa kanya, parang wala siyang kasama. Tutok na tutok siya sa laptop niya palagi.









Napatuwid ako ng upo ng maramdaman kong tumigil na ang andar ng sasakyan. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang Beach resort. Maaliwalas ngayon kahit mainit. Mabuti na lang talaga at free kaming lahat maliban kay Genesis. Ewan ko ba dun tuwing may pupuntahan kami palagi s'yang wala.







"We're here! Hayst" nagulat ako ng biglang sumigaw si Isaiah sa loob ng van. Mabilis nitong binuksan ang pinto ng sasakyan at agad na bumaba. Habang ako naman ay naiwang naka-upo. Lahat sila wala na sa loob mg sasakyan maliban sa amin ni Leo.







"Ba't hindi ka pa bumababa?" Tanong nito sa akin. Tumingin ako sa direksyon niya. Nakahawak lang siya sa manibela habang ang ulo nito ay nakasandal sa upuan.










"May relasyon pa ba tayo, Leo?" Sabi ko sabay iwas ng tingin. Parang ayaw kong marinig ang sagot niya. Parang gusto kong bawiin ang ang tanong ko. Kasi alam kong sa huli ako ang masasaktan.







Tumingin lang ako ulit ng marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ng sasakyan. Lintik! Iniwan ako! Bastos. Napabuntong hininga na lang ako at binuksan ang pinto ng Van. Bumaba ako at agad kong nakita ang mga matang nakatingin sa akin. Anong meron?







"Bhie, ayos ka lang?" Nagulat ako ng biglang magtanong si Isaiah sa akin. Nakita kong umiling silang lahat maliban kay Isaiah dahil lunapit ito sa akin. Nagulat ako ng bigalang nagsialisan ang mga kasama namin. Kaming dalawa ni Isaiah ang natira. Parang ang sakit sa dibdib dahil hindi mo alam kung anong nangyayare.







"Pasok muna tayo sa van" anyaya sa akin ni Isaiah. Tumango naman ako at mabilis niya akong hinatak patungo sa direksyon kung nasaan ang van. Mabilis na binuksan ni Isaiah ang pinto at sumakay dito. Umupo na rin ako at marahang sinarado ang pinto.






Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko. Gusto kong umiyak, Gusto kong magmakawa, Gusto ko na bumalik yung dating meron kami ni Leo. Pero parang hindi na mangyayare iyon. Sapagkat sa tuwing lumalapit ako lumalayo siya. Tila isang palaisipan sa akin kung anong nangyayari na kahit ilang beses akong humanap ng ideya kung bakit naging ganoon si Leo sa akin. Bakit???







"Yvan, siguro alam mo na" Anito. Narinig kong suminghot pa sa Isaiah. Alin ang alam ko na??






"Ang alin? Isaiah?" Tanong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya. Tumiklop ata ang bibig ni Sai dahil sa tanong ko.
Ako lang ba ang walang alam sa mga nangyayare?? Alin?







"A-akala ko sinabi niya na sayo" sabi nito. Umiling ako sapagkat wala namang sinasabing kung ano sa akin si Leo kahit nung nasa loob kami ng Van.








"Isaiah, nagmamakawa ako. B-bakit ganun si Leo sa akin kahit yung ibang kaibigan natin. Bakit nilalayuan nila ako? May sakit ba akong nakakahawa? Nandidiri ba sila sa akin?" Sunod sunod na tanong ko ngunit ni isang sagot ay wala akong natanggap.









"Yvan, hindi ako ang tamang tao para magsabi nito sayo at isa pa. Dalawa sila para sabihin ang-" bumuntong hininga ito.







"Sana maintindihan mo Yvan" aniya saka ako inanyaya na lumabas sa van at para makakain na rin dahil medyo nakakagutom na.







...


Sorry maunti lang po ang words counts. Nitong chapter.



Rascality (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon