K A B A N A T A 29

1.8K 107 16
                                    

Lumipas ang mga araw at buwan na hindi ko man lang nakikita ang lalaking sinaktan ako ngunit mahal ko pa rin haggang ngayon.
Bumuntong hininga ako bago lumabas sa hospital. Kakatapos lang ng shift ko habang ang mga kaibigan ko naman ay hindi pa.
Naglalakad na ako sa hallway ng marinig ko ang pagtawag mula sa aking likod.

"Yvan!" Sigaw ni Atasha. Nilingon ko ito at bahagyang napanguso. Ang sakit na naman ang likod ko. "What's happening?" Nagtatakang tanong ni kylee na kalalabas lang din tulad ko.

"Nakakapagod" ani ko sabay buntong hininga. Agad na lumapit naman ang dalawa. Malapit sa akin ang dalwang ito. Nakilala ko si Atasha nung unang araw ko dito aa hospital atsaka yung first impression ko sa kanya ay mabait talaga ngunit slight lang kabaitan niya atsaka pili rin. Kung si Kylee ang paguusapan ay siguradong wala ka nang mahihiling pa dahil sa sobrang bait nito kaya minsan inaabuso ko atsaka inuuto ko rin tuwing nagsasabay kaming kumain.

Agad na ikinawit ng dalawa ang kamay nila sa braso ko atsaka kami naglakad palabas. Sila lang ang TUNAY na napagkakatiwalaan ko.

"So ayan gurl, nasaan ang babes mo?" Ngiting-ngiting tanong sa akin ni kylee. Napairap naman ako dahil sa tanong niya. Babes? Baka mapatay ko yun.

"Kylee, maarte ang ating mamang ina, today" biro ni Atasha . Sabay naman silang natawa habang ako naman ay napabusangot na. Ang sakit na nga ni ulo at likod tapos dadagdagan pa nila.

"Happy kayo? Sanaol" ani ko. Napasinghap naman sila.

Humampas ang malamig na hangin sa aking katawan nang makalabas kami sa Hospital. It's already 9pm. Tinagkal naman ng dalawa ang pagka-kawit nila sa braso ko pagkatapos ay pinag- ekis nila ang braso nila sa kanilanh dibdib. Ginaya ko na lang sila dahil malamig din naman.

Mabilis na nagpaalam sa amin si Kylee dahil pupunta pa raw siya sa tagaytay dahil kailangan niyang dalawin ang mga magulang niya. Habang si Atasha naman ay pinasabay ko na sa akin dahil wala itong sasakyan. Malapit lang naman ang bahay nila dahil nasa iisang subdivision lang kami.

Nang maihatid ko na si Atasha sa bahay nila ay agad kong inunat ang mga braso ko. Ang sakit talaga ng likod ko parang mag malaking bato na nakadagan dito.

Pinaandar ko na ang sasakyan at tulad nga ng sinabi ko ay nasa iisang subdivision lang kami ni Atasha kaya mabilis akong nakarating sa bahay. Ipinasok ko sa garerahan ang sasakyan ko. Bumaba agad ako at Mabilis na pumasok sa bahay. Hinubad ko ang white coat ko at inihagis na lang kung saan. Umakyat ako sa kwarto ko at pumasok doon ngunit napatigil ako nang makakita ako ng isang pigura ng tao na hinahalungkat ang drawer ko. Nanlaki ang mga mata ko ng tumingin siya sa direksyon ko. Hindi ko maaninag kung babae o lalaki ito. Agad kong binuksan ang ang ilaw ngunit ng nilingon ko ulit ito ay papalapit na sa akin. Lalabas na sana ako ngunit naunahan niya na ako at mabilis na inumpog ang ulo ko sa pader.
Mabilis na umikot ang paningin ko haggang sa maramdaman ko na lang na natumba na ako at sabay no'n ang pagkawala ng malay ko.

"Ahh!" Paos kong ungol ng magising ako. Bumungad ang puting kisame sa akin at dahil doon ay alam ko ng nasa Hospital ako. Medyo nasinag ako sa ilaw kaya napapikit ako. Naramdaman ko ang mga kamay na humawak sa akin.

"Oh my god, he's awake" ani ng isang babae.

"Ayos ka lang ba?" Isang baritonong boses ang nakapagpamulat sa akin agad. Nakita ko si Leo na nakatingin sa akin ngayon. Tinignan ko kung sino ang mga kasama ko. Nakita ko sina Atasha, Kylee, Leo, Gen, Sai, at Zek. Lahat sila ay may pagaalala na kita ko sa kanilang mga mata.

Lahat kami ay napalingon nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Akala ko ay isang doctor ngunit si Capeta lang pala. May dala itong mga prutas na agad niyang inalapag sa lamesa. Lumapit ito sa akin atsaka hinalikan ako sa noo.

"Are you okay? What's happen to you? May bukol ka sa ulo mo." Tanong niya sa akin ngunit kahit isa roon ay wala akong naisagaot. Parang pipiyok ko tuwing pipilitin kong mag salita. Kaya sinenyasan ko na lang siya na masakit ang lalamunan ko. Tumango lang ito sa akin. Kinuha niya ang isa kong kamay at hinalikan ito. Gustuhin ko mang umiwas ngunit wala akong lakas para hatakin ang kamay ko sa kanya.

Tumingin naman ako kay Leo at nakitang magka-salubong ang mga kilay nito halos magdikit na ito. Ang ibang mga mata naman na nakatingin sa akin ay may pagtataka.

"Oh my gosh kayo ah! Nauntog lang naman yan" pagbasag ni Sai sa katahimikan. Tumawa naman sila kaya napangiti ako.

"Untog? Pero tulog?" Pahabol na biro si Zek kaya mas lalo silang natawa. "Try nating gawin kay Isaiah." Natatawang ani Zek.

"Kayo talaga! Chupi chupi na tayo" Sabi ni kylee. "Bye bye muna tayo at pagtayo dito na abutan ni Mrs. Ontiveros. Lahat tayo patay" dugtong ni Kylee sabay hatak kay Atasha. Kumaway pa sila sa akin bago umalis. Umalis na rin ang tatlo kong kaibigan kaya ang natira na lang ay si Leo at Capeta. Nakaupo si Capeta sa gilid ko habang si Leo naman ay nakatayo at nakatitig sa akin.

"Leo, alis ka muna may itatanonv lang ako kay Yvan" mahinahong saad ni Capeta kay Leo.

"You first" sarkastikong tugon nito.

Napalunok ako dahil alam kong magaaway sila ngayon at sa harapan ko pa.

Napasinghap na lang si Carpeta at alam kong nagtitimpi lang siya. Si Leo naman kasi ayaw pang sumunod.

"Please Leo we need a privacy" saad ni Capeta at bahagyang napakamot si Capeta sa batok.

"Shut up Capeta, mamaya mah gawin pa kayong milagro dito" tugon ni Leo gamit ang mababang tono ng kanyang boses.

"Leo, Be mature 33 years old ka na pero hindi po alam ang salitang privacy." Nagsalubong ang kilay ni Leo dahil sa sinabi ni Capeta.

Padabog na umalis si Leo atsaka kami nagusap ni Capeta ng plano.

Rascality (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon