K A B A N A T A 16

2.8K 140 12
                                    


HAPPY 8.13K READS AND 4.17K VOTES.

❤️

Maaga akong nagising dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mata na nagmumula sa siwang ng aking bintana. Inunat ko ang dalawang braso ko at marahang umupo. Medyo napuyat ako dahil kailangan kong maghanda para sa defense namin. Hindi ko alam sa paaralan na 'to kung bakit Grade 10 palang kami ay may defense agad.

Pumunta ako sa loob ng banyo upang maghilamos at mag-ayos. Wednesday na ngayon at ilang araw na rin ang nakalipas ng may mangyari ulit sa amin ni Capeta. Naka-ilang rounds kami no'n anim yata o lima.

Mabilis akong bumaba ngunit agad akong natigilan ng makita ko ang tatlong mukha na naka-upo sa sofa. Lumunok-lunok pa ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Sabay-sabay silang tumayo at bumati sa akin. "Good morning Yvan" Sabi nila Genesis, Ezekiel, at si Leo.

Tumango na lang ako sa kanila bago tuluyang bumaba. Hindi ako makatingin sa mga mata nila para akong sinusunog dahil sa mga tingin nila. Kinuha ko ang tasa at tyaka ito linagyan nang gatas at mainit na tubig. Walang nagsalita sa amin haggang marinig ko na lang ang malakas na sigaw ni Sai nakakarating lang.

"Yvan!!" Pag basag ni Isaiah sa katahimikan.

"Ingay mo Sai para kang sini-silihan" Inis na saad ni kuya Arcan na kababa lang sa hagdanan.

"Wow hiyang hiya Arcan ah 'kala mo ang gwapo mo kung maka-sigaw ka sa bahay namin para tawagin lang si Ate. Ano ha!" mahabang litanya ni Sai. Napa-ngiti na lang ako sa alitan ng dalawa. Baka malay mo diba magka-developan yang dalawa.

Walang nai-sagot si kuya kundi ang buntong-hininga. Tuluyan ng pumasok si Isaiah sa bahay pero natigil sya sa paghakbang nang makita ang mga naka-upo. Tumingin sya sa akin na akala mo ay walang alam sa nangyayari.

"Oo nga pala may defense tayo kaya may naalala" sarkastikong sabi ni Sai atsaka inismiran ang tatlo.

"Isaiah" Saway ko rito. Bumuntong hininga na lang sa Isaiah at agad na humigop sa gatas na itinimpla ko. Nahiya si bakla ah!

"Dika ka ba kumain sa inyo?" Sabi ni kuya sabay hagikhik.

"Hindi eh baka gusto ko kainin kita. RAWR!" Sabay kaming natawa ni Sai habang si kuya ay pinamulahan. Aba! Aba! May kinikilig.

Ibinigay ko na lang ang gatas na itimpla ko kay Sai. Kumain na lang ako ng hotdog at pagkatapos no'n ay naligo na. Kailangan ko nang mag madali dahil hindi pa ako nakakapagpa-print sa AVR.

Nang matapos ako sa paliligo ay agad akong nagbihis ng uniform ko at Mabilis na bumaba. Nadatnan ko ang mag kaibigan ko na naka-upo lang habang si Sai ay kinakain na ang almusalan namin. "Tara na"

Lumabas na ako at hindi na sila inintay na tumayo at makalabas.

***

"Ang galing natin!" Masayang sabi ni Sai nang makalabas kami ng classroom namin. Tapos na kasi kaming mag defense at nagawa naman namin yun ng maayos. Walang labis, Walang kulang. Just right lang.

Naglalakad na kaming lima ng maka-salubong namin si Capeta. Nag kunwari akong hindi ko sya nakita at nagtuloy-tuloy na lang ako sa palalakad. Haggang maramdaman ko na lang ang kamay sa pululsuhan nito at sabay hatak sa akin.

"Capeta!" Inis na ani ko nang ilagay nya ang kamay ko sa labi nya at marahang hinalikan ito. Narinig ko naman ang impit na tiki ni Isaiah. Agad kong binawi ang kamay ko kay Capeta.

"Are you mad at me?" He asked. I quickly shake my head. Ba't naman ako magagalit sa kanya. Style ko lang yun 'no.

"May klase pa kayo?" Tanong ko.

"We have a two subjects pa, Darling" malambing na saad ni Capeta. Umakyat 'ata lahat ng dugo patungo sa aking mukha. Agad akong nag-iwas ng tingin upang hindi makita ni Capeta ang pamumula ko.

"Ehem!" tikim ni Isaiah na dahilan ng paglingon ko sa uli kay Capeta. Nakangisi lang ito sa akin ng nakakaloko at akala mo ay wala ng bukas. "Maawa naman kayo sa akin" biro ni Sai na agad naming ikinatawa. Tsk! Mag jowa ka na rin kasi.

"Babe, bye bye muna baka magalit sa akin yung teacher ko. Late kasi ako kanina" Paalam ni Capeta sa akin. Umismid muna ako bago tuluyang tumango sa kanya. Humalik muna sya sa pisngi ko bago tuluyang umalis.

Nag patuloy kaming lima sa paglalakad na walang imik. Walang nagsasalita, walang ingay kundi ang mga yapak ng mga estudyante at boses ng teacher sa bawat room na nadadaanan namin. Nang nasa hallway na kami ng POD ay halos lumabas na ang puso ko dahil sa pag-ring ng cellphone ni Leo. Nilingon ko si Leo. Kinuha nya mula sa bulsa ang cellphone nya at agad na sinagot ang tawag na iyon.

"Hello?" anito.

"Hello Leo Xaviere, I'm the investigator of your dad," Rinig kong ani ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Oh, Fermar" Sabi ni Leo ng malaman nito kung sino ang nasa kabilang linya. Wait! Wait! Wait! Ang tagal na noong namatay si tito Xaviere eh bakit ngayon lang tumawag ulit yung imbestigador?

"Yes, I'm Fermar i want to meet you in my house," Anito.

"O-ok" Leo's responded.

"This is a important thing about your dad" Ani ng nasa kabilang linya. Sasagot pa sana si Leo ng ibaba ni Fermar ang tawag. Napabuntong-hininga na lang su Leo dahil sa ginawa ni Fermar. Agad syang tumingin kila Gen at Zek na para bang may lihim silang itinatago.

"Ahh, Yvan aalis muna kami nila Gen at Zek" paalm ni Leo sa akin. Bakit kailangan na mag-paalam sa akin. Ano ako nanay? Jowa?!

"Sige alis na! Hindi naman kami belonv sa inyo" mataray na sabi ni Sai sabay hatak sa akin paalis kila Leo. Gusto ko sanang pigilan si Sai sa paghatak sa akin para makasama rin ako kila Leo pero parang may pumipigil sa akin kaya wala na akong nagawa kundi magpatinaod kay Sai patungo sa Canteen.

Magi-ingat ka Leo. Sana walang madamay sa gagawin mo.

Rascality (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon