K A B A N A T A 6

3.5K 480 34
                                    

Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano-ano ang nai-isip ko at basta basta na lang akong nagsa-salita ng hindi dapat.

Halatang natigilan si Leo sa sinabi ko. Naka-ilang lunok pa sya bago tumayo at umalis sa kinau-upuan nya. I sigh.

Bwisit na bunganga 'to!

Napa-irap na lang ako sa kawalan bago mapag-desisyunang tumayo at bumaba dahil medyo dumarami na rin ang mga estudyant eng dumarating.

Dahil sa kahihiyang nangyari sa akin at kay Leo ay tumambay muna ako sa banyo. Wala masyadong tao rito at tatlong babae lang ang nakita ko na halos mabasag na ang salamin dahil sa pagmu-mukha nila. Lipstick dito lipstick do'n kulang na lang e kaiinin nila. Ang mas nakaka-irita pa, hindi na mag pantay ang kulay ng mukha at leeg nila dahil sa Foundation na nasa mukha nila. Tsk! Napa-iling na lang ako at pumunta na lang sa banyo para umihi.

Pagkalabas ko palang katarayan ang bumungad sa akin.

" Ang gwapo nya 'no? " Mataray na tanong ng isang babae habang hawak nya ang isang papel at pina-pakita sa dalawang babaeng kasama nito. Umiling na lang ako ulit. Nanga-akmang aalis na ako ay bahagyang napa-taas ang kilay ko ng mapag-tanto ang kung sino ang nasa larawan.

" Ugh! Feel ko ang lambot ng lips nya. Ahhhhh!" palahaw nila na ikina-inis ko. Hinablot ko ang papel sa mga babae at pinunit iyon. Taka naman silang napa-tingin sa akin na nakaawang ang mga labi. Halatang hindi nila inaasahan ang gagawin ko.

" Pumunta kayo sa Prefect Of Discipline! It's a Major Offense ang pagnanasa at pagdala ng picture ay pinagba-bawalan. Pa'no kayo nakalusot sa guard?
Tsk! Mga parochialista pa naman kayo! " Napa-yuko na lang sila dahil sa mahabang tinuran ko.

" S-sorry po" paumanhin nila at tyaka umalis. Mga bata nga naman halatang mga first year highschool palang sila pero wagas pagnasaan si Leo!

Aba! Ba't ko nga iniisip yung lalaking yun. Siguro nagalit naman ako kasi mali ang ginawa nung mga batang babae o baka naman......

OH.MY.GOSH.

" Class dismiss"

Umalis na ang teacher namin dahil nag ring na ang bell at sign din yun na RECESS NA!

Pumunta agad ako sa mga kaibigan ko na nasa labas na at ini-intay ako. I fix my all things at
Inilagay iyon sa bag.

" Hay! bagal,alam mo naman baka maubusan tayo ng pilipit at puto rabag alam mo naman ang mga tao masyadong HALOP!" linakasan ni Isaih ang pag-sabi nito dahil may pinapa-tamaan sya. I shook my head.

Tumaas ang kilay ko ng mag-tama ang paningin namin ni
Leo Xaviere Adviento. Ba't kasama sya ng mga kaibigan ko?
Inismiran ko sya at hinatak agad si Isaih dahil baka magka-gulo na naman dahil halatang may galit si Sai kay Larnie.

Nang makarating kami sa Canteen walang pasubaling tumakbo si Ezekiel at Isaiah dahil nakita agad nila na hindi pa ubos ang Pilipit at Puto rabag.
Kaya ang ending kaming tatlo ni Leo, Genesis, at ako ang naiwan.

" Anong ginagawa ng lalaking yan dito?" Bulong na tanong ko kay Genesis at ibinaling ko ang tingin kay Leo. Hindi sya naka-tingin sa akin, malalim ata ang iniisip halos hindi na nga kumurap eh.

" He wants to eat with you," Nag salubong ang makapal at maiitim ko kilay dahil sa sagot nya. Tyaka ano naman ang pinagsa-sabi ng lalaking yan?

"Calm down, baka halikan ka nyan." Naka-ngising wika nya at nag-iwas ng tingin.

" Akin yan eh!" inis na sigaw ko dahil inagaw ni Isaiah ang pilipit na binila nya. Tigda-dalawa kami ng pilipit, ganon din sa puto rabag. Simula kasi nung grade 7 kaming apat ay paborito na namin ang pilipit. Masarap sya as in kasi ang tamis nya. Tinu-tunaw kasi ang brown sugar at inilalagay ito sa malakit na naka-pilipit. Habang ang puto rabag naman ay kamoteng kahoy na dinurog at pinig-an. Minsan bigas pero mas gusto ko ang kamoteng kahoy. Tapos sa loob naman nito ay ang bukayo na mas nakapag-pasarap sa puto.

Rascality (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon