K A B A N A T A 30

1.8K 88 12
                                    

Sabay kaming nagbihis ni Leo dahil kakatapos lang namin ng isang round pero nakakapagod na agad. 3 months passed, at ngayon ay magka-relasyon na kami ulit ni Leo. Nawawala ang pagod ko tuwing nakikita at nayayakap ko siya. Ngayon ko lang din nalaman na may pinagawang bahay pala si Leo dati. At para saamin iyong dalawa.

Bahagya akong nagulat nang may yumakap sa akin mula sa likod. "Ughmm" mahinang ungol ni Leo sa tenga ko dahilan no'n ang pagkurot ko sa kanya. Kahit kailan talagang 'tong lalaking ito.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko habang ang mga kamat niya ay nakapulupot sa bewang ko.

"Ughmm" mahinang ungol ko. Tumigil kami sa ginagawa namin ng may mag door bell sa baba. Bumuntong hininga naman si Leo dahil siguro ay nabitin.

Sabay kaming bumaba, si Leo ang nagbukas ng pintuan habang ako ay pumunta si kusina para kumuha ng orange. Trip ko kasi kumain nang maasim ngayon. Binalatan ko ang orange at dumaretso na papunta kay Leo.


"Kuya Arcan?!" Nagulat ako dahil nakita ko ulit siya. Ngumiti siya sa akin at lumapit para gawaran ako ng mahigpit na yakap. Matagal nang wala sa pilipinas si Kuya Arcan dahil sa Singapore siya nakatira at doon na rin nag tra-trabaho bilang engineer.


"Nagkabalikan na pala kayo ng gagong 'to?" Bulong ni Kuya Arcan at umalis na sa pagkaka-yakap. Bahagya akong tumawa at tumango. Napailing na lang si kuya dahil sa sinabi ko.

Umalis muna si Leo para mag handa ng makakain naming tatlo. Umupo kaming dalawa ni kuya sa sofa para mag kwentuhan dahil ilang taon na rin siyang hindi nakakauwi rito sa pilipilinas. Muntikan niya na ngang hindi maalala na may kapatid siya dito.



"May asawa ka na?" Tanong ko sa kanya ngunit umiling lang siya atsaka tumawa. Minsan talaga may pagkalutang ang lalaking 'to.


"Aba! Sayang ang katas mo" biro ko at sabay kaming natawa.

"Ba't naman masasayang, e palagi naman akong may ka s*x" tumatawang anito. Napahampas naman ako sa braso niya dahil doon. Natigil lang kami ng dumating na si Leo. May dala itong tray na may lamang sandwich at may bitbit naman siyang isang pitsel at may lamang juice.


Nang matapos kaming kumain ay sinabi ko munang mag pahinga muna si kuya dahil alam kong pagod ito dahil sa byahe. Simahan ko si kuya sa guess room at nang matapos ay agad akong naligo dahil may pasok pa ako. Bawal akong um-absent dahil malilintikan talaga lalo na't ako na ang bagong director ng hospital.

"Ako na" ani ko at inayos ko ang necktie ni Leo. Nakangiti lang siya sa akin habang gingawa ko iyon.


"Ang sweet mo ngayon ah parang nung nakaraan lang ay sobrang galit" aniya sabay tawa. Umakbay ito sa akin.

Sabay kaming lumabas sa bahay. Sumakay agad ako sa passenger seat habang si Leo naman ay sa driverseat. Hindi na kami nag paalam kay kuya dahil alam kong natutulog na ito. Pinaandar na ni Leo ang sasakyan. Himala ngayon dahil hindi masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating sa Hospital.


He gave me a smack kissed, bago ako lumabas sa sasakyan. Kumaway pa ako sa kanya bago ako pumasok sa Hospital.



"Pakak! Danda naman!" Bungad ni Isaiah sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Doc" tawag sa akin ng isang nurse na hindi pamilyar sa paningin ko. Inabot niya sa akin ang chart ko today. Agad ko itong tinignan at sa wakas ay kaunti lang ang mga pasyente ko ngayon. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Naglakad ako patungo sa office ko.

***

"Anong oras shift mo?" Tanong ko kay Ezekiel. Bumuntong hininga naman siya dahil siguro mamaya pa. Sinabi ko kasi sa kanila na umuwi na si kuya Arcan.



"11pm ang shift ko" tugon nito.



"Ay, sayang naman Zek." Saad ko sabay tapik sa balikat niya. Umalis na si Zek dahil may pasyente pa siya.


Kami ni Isaiah at Atasha lang ang makakapunta sa bahay dahil kami lang ang available. Si Atasha hindi pa siya kilala ni kuya kaya sinabi ko na sumama na siya para makilala niya rin si kuya atsaka malapit lang naman ang bahay ni Atasha sa amin.


Sumakay kami sa sasakyan ni Isaiah kasi ang tagal dumating ni Leo para sunduin kami. Tinext ko na lang siya na dumaretso na sa bahay kasi nakisabay na ako kay Sai.



Bumaba kami ni Atasha ng makarating kami sa labas ng bahay. Bumaba na rin si Sai ng ma-park niya ang sasakyan niya.

Nag doorbell ako at agad na binuksan naman ito ni Kuya. Nagulat pa si kuya ng makita niya si Atasha. Nanlaki naman ang mga mata ni Atasha.


Pumasok na ako sa loob kasama ni Atasha habang si Isaiah at kuya naman ay may bibilhin daw muna. Pero ang alam ko bibili sila ng alak ganun naman yung dalawang yun. Ewan ko nga parang mas close pa ni kuya kay Sai kesa sa akin, e.



"K-kapatid mo si Arc?" Tanong ni Atasha sa akin. Arc? Ba't arc ang tawag niya sa kuya ko. Omg! May something 'ata.



"You mean, kuya Arcan?" Paglilinaw ko sa sinabi niya. Tumango siya sa akin parang nababalisa.


"Ba't hindi mo sinabi ang surname niya sa akin kanina?" Tanong niya. Parang nababalisa siya.


"Kumalma ka nga, ano ba kasi? Ba't parang nababalisa ka? Magka-kilala ba kayo ni Kuya?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Rinig ko ang pagbilis nang paghinga niya. Atsaka siya tumango sa akin. Napahawak naman ako sa bibig ko dahil sa gulat. Paanong nangyari yun?



"Nagka-kilala kami ng kuya mo sa Singapore. Isa ako dung nurse at ako ang kumukuha ng Vital signs ng kuya mo, noong naaksidente siya. After that yun na nag tuloy-tuloy na haggang sa yayain niya akong makipag- date sa kanya. Kaso hindi ko siya sinagot nung gusto niya akong maging girl9 niya" mahabang paliwanag ni Atasha. Umupo siya sa sofa at bahagyang huminga.




"Tapos sinusundan niya ako palagi kaya napagdesisyunan ko ng umuwi na lang dito sa pilipinas kahit mababa lang ang Sweldo." Dugtong niya. Para akong naistatwa sa sinabi niya. Omg! Baka may nangyari sa kanila.



🌹_____________🌹

Rascality (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon