K A B A N A T A 27

2.3K 107 3
                                    

Maaga akong nagising dahil sa malakas na tunog ng alarm ko. Wala akong pasok ngayon dahil nilalagnat ako. Nagpaalam naman ako kay director Ontiveros na hindi muna ako papasok ng dalawang araw. Pumayag naman ito at sinabi pang magpagaling ako agad.

Pinatay ko ang alarm at agad na bumangon. If I'm not mistaken it's 8:35 am na na nang umaga. Tumayo ako at mabilis na pumunta sa ref para kumuha ng maiinom. Kinuha ko ang pitsel sa loob ng ref na may lamang malamig na tubig. Sobrang sakit ng likod ko parang gusto ko na lang humiga at matulog ngunit kailangan kong magluto at uminom ng gamot.

Pumunta agad ako sa toaster dahil tumunog na ito. Kinuha ko ang tinapay at dumaretso na sa lamesa upang palamanan ito ng nutella.

Muntik na akong mabulunan nang makita ko ang isang pigura ng tao na nakatayo malapit sa may pintuan. Nanatili ang tinapay sa loob ng bibig ko dahil sa gulat. Parang ang sakit lumunok. He wearing a black polo with black slack na bumagay sa black shoes nya. Pulos itim siya ngayon, may patay ba? At paano siya nakapasok sa bahay ko?

"Bakit tinapay lang ang kinakain mo?" Tanong ni Leo. Pinagpag nya pa ng damit nya atsaka lumapit sa akin. Ngumiti ito sa akin ng napakalaki na animo'y lalamunin ako pero ang cute niya kasi may dimple siya sa kanan na pisngi, mukha siyang bata.
"I can cook for you" He said again. Napakamot na lang ako sa kaliwang kilay ko dahil andito na naman siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Kapag andyan si Leo parang hindi ako komportable at kapag ang kasama ko naman si Capeta palaging bumubilis ang tibok ng puso ko.

Gustuhin ko mangtumaggi sa alok nya ngunit mabilis na siyang pumunta sa kusina. Napailing na lang ako. Siguro hayaan ko muna siya. Kailangan ko rin nang healthy foods para Mabilis akong gumaling. Nang maubos ko na ang dalawang tinapay ay uminom ako ng gatas.
Pumunta ako sa kusina para hugasan ang tasa at platito na ginamit ko.

"Hey, ako na" Aniya sabay agaw sa akin ng mga hinuhugasan ko. Mabilis ko itong hinatak ngunit mas malakas siya sa akin.

"Ako na, please" napahilot ako sa aking sentido."Magluto ka na lang" dugtong ko. Tinignan ko siya ng masama bago niya binitiwan ang tasa. Bahagya naman akong napangiti dahil sinunod nya ako. Tsk! Ako pala kahinaan mo.

Napasingot ako nang mag maamoy akong mabango, parang natatakam ako kahit kakain ko pa lang. Nagpunas ako ng kamay at medyo lumapit kay Leo. Nasa likod nya na ako ng marinig ko ang bulong nya. "Magugustuhan nya kaya? Masarap naman siguro? Baka mainlove siya aa akin nito, e" Aba may topak pala ang Leo tuwing umaga. At kung ano ano ang pinagsasabi atsaka anong maiinlove? Neknek nya.

"Anong sinasabi mo?" Mataray kong tanong. Napapitlag siya nang marinig nya ang boses ko sa likuran nya.

"Ah a-ano sabi k-ko sana m-masarap" utal niyang tugon at binalik ang tingin sa niluluto.

"Ayun lang ba?" Tanong ko ulit. Nakangiti ako ngayon dahil nanginginig yung kamay niya. Ano ako multo? Grabe siya matakot.

"O-oo"

"Okie, sana mainlove ako sayo dahil d'yan sa kaldereta mo" biro ko sa kanya atsaka humalakhak. Tumaas muna ako para magpahinga. Kahit wala akong ginawa ngayon parang ang sakit ng buong katawan ko. Napahiga na lang ako sa malambot kong kama. Siguro iidlip muna ako para may lakas naman ako mamaya at sana wag akong mawalan ng panlasa.

Medyo na gising ako dahil may nararamdaman akong parang may kumakagat sa labi ko. Hindi ko sana ito papansinin ngunit bigla akong nakarinig ng isang bulong. 'i love you' iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha si Leo sa mukha ko. Agad ko siyang tinulak palayo sa akin. Anong ginagawa niya sa kwarto ko? Hinalikan niya ba ako habang natutulog? Kinagat niya ba yung mga labi ko?

"A-anong ginagawa mo s-sa loob ng kwarto?" Pinanlisikan ko sya ng mata. Nakangiti lang ito sa akin at parang gusto pa akong asarin.

Binato ko siya ng unan ko pero sinalag nya lang ito, halos lahat na nang unan ko pero ayaw niya pa ring umalis. "Alis!" Sigaw ko at napasabunot ng buhok. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto ko. Bumuntong hininga na lang ako sa kawalan at muling humiga sa kama. Ang libog talaga ng isang yun!!



Ilang minuto akong nakahiga sa kama ng tawagin ako ni Leo.
"Kumain ka na Yvan, baka lumamig ang pagkain" Aniya.


Nagsuot ako ng jacket bago lumabas sa kwarto. Sobrang init ko na parang sasabog na ang mga ugat ko sa ulo. Napapikit ako at bahagyang tumigil sa paglalakad.



"What happened?" Nagaalalang tanong sa akin ni Leo. Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako dahil nasa harapan ko na sya. Lumapit si Leo sa akin at inalalayan akong bumaba sa hagdanan. "Are you okay?" Tanong niya ulit aa akin nang makababa kami aa hagdanan. Tumango na lang ako sa kanya atsaka dumaretso sa kusina.


Napatigil ako sa paglalakad nang makitang ang linis na ng kusina. Pinagmasdan ko ang lamesa na nandoon na ang mga pagkain at pitsel na may lamang tubig. Wala na yung mga basura ng mga biscuits na kinain ko nung kinain ko kagabi. Nakasalansan na ng maayos lahat ng gamit. Napalunok ako dahil sa hiya. Alam kong may trabaho pa siya ngayon. Pero ako ang mas inuna nya.




"Masakit ba ang ulo mo?" Medyo nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Leo sa likod ko. Naglakad ako patungo sa lamesa at umupo sa upuan.


"Hindi ka ba kakain? Ang dami ng linuto mo hindi ko 'to mauubos" Saad ko. Ngunit wala akong narinig na tugon sa kanya. Nakangisi lang ito sa akin na para bang nahihibang.



"Hoy Le-o" nanlaki ang mga mata ko nang pumiyok ako. Oh my gosh! Nakakahiya. Nag bago agad ang ekspresyon ng mukha ko nang marinig kong tumatawa si Leo.



"I can feed you" He said with husky voice.

Rascality (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon