CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)

Start from the beginning
                                    

Napalunok ako at pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. I've seen Martin naked and masturbating inside the bathroom. But this time, it was different. I don't understand myself. I was just looking at him, he was beaten and half naked in front of me. I should be worrying about what happened to him. But instead, I couldn't let go of my gaze from his totally toned body. Shit. What the fuck was wrong with me?

            "Elodie."

            Napatingin ako sa kanya at nakita kong nagtataka siyang nakatingin sa akin.

            "W-what?" Taka ko.

            "I said do you have a spare big shirt? Baka may naiwang damit dito ang boyfriend mo na puwede kong mahiram." Alanganin siyang ngumiti.

            "I don't have a boyfriend. I'll check if I can find something that will fit you." Tinalikuran ko na siya at tinungo ko ang kuwarto ko. Mabilis akong naghanap ng kung anong puwedeng maisuot ni Martin. Pero ang mga damit ko doon ay puro maliliit ang size. Hindi naman ako nagsusuot ng oversized shirt. Shit. Pero naalala kong may mga binili pala akong panlalaking damit nang magpanggap akong lalaki para harapin si Pol. Kinuha ko sa ilalim ng kama ang isang paper bag at hinugot ko ang mga polo na naroon. Kasya naman siguro 'to sa kanya.

            Dali-dali akong lumabas at tumayo sa harap ng banyo. Akma akong kakatok pero agad ko ding pinigil ang sarili ko. Baka kung ano na naman ang ginagawa ni Martin doon. Iwan ko na lang kaya ang damit dito sa harap ng pinto?

            Yumuko ako at inilagay ko sa tapat ng pinto ng banyo ang bulumbon ng damit at sakto naman na bumukas iyon. Ang una kong nakita ay pares ng malalaking paa. Damn. Ang laki at ang haba. Tapos ay ang magandang shape ng mga binti na mabalahibo. Basa pa nga. Unti-unting nag-angat ang tingin ko at pink na tuwalya ang nakita ko. Napatitig ako sa bandang baywang at doon ko nakita na nakatapi ang pink na tuwalya sa katawan ni Martin. He was wearing nothing but my pink towel.

            "Ginagawa mo diyan?" Taka niya.

            Bigla akong tumayo at napa-ehem na humarap sa kanya. Jesus Christ. I wanted to slap myself. Bakit ba ako nawawala sa wisyo ngayon? Kung bakit naman kasi nasa harapan ko si Martin na halos hubad na. Sigurado ako na wala siyang suot na kahit na ano sa ilalim ng pink na tuwalyang gamit niya.

            "T-This might fit you. Just try," dinampot ko ang mga damit na kanina lang ay inilapag ko at iniabot sa kanya.

            "This might help," sabi niya at tumingin sa akin. Nakatingin lang siya sa mukha ko tapos ay bahagyang ngumiti. "I'm sorry I went here. Nadamay ka pa."

            Kumunot ang noo ko. "Nadamay saan? Kung may nadamay man sa nangyari, ikaw iyon. This is my fight. I should do this alone."

            "You cannot fight them, Elodie. Even if you trained so hard. Even if you killed one of them, when emotions take over, you cannot do anything." Mahinang sabi niya.

            Hindi ako nakasagot at nakatitig lang ako sa mukha ni Martin. Gosh, why does he look so sad? His eyes. Why does it look so lonely? He looks so tough but there was something in those eyes. Hindi ko namalayan na umangat na ang kamay ko at bahagyang humaplos sa mukha niya. Napapikit-pikit si Martin sa ginawa ko.

            "What are you doing?" Dama ko ang pagkataranta sa boses niya.

            Shit. What the fuck am I doing? Agad kong binawi ang kamay ko at tiningnan iyon.

            "M-may dugo kasi. A-ayan, o? May ano- may dugo. Sa ano-" fuck it! Nakakahiya ang ginawa ko.

            "Saan? Dito?" Pinahid ni Martin ang bandang kilay at tiningnan ang kamay. "Yeah. I got a big cut there." Tumingin siya sa akin at muling ngumiti. "Magbihis lang ako."

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now