Gustuhin ko mang icomfort si Archer, hindi ko rin magawa. Kung may mas disappointed sa'ming dalawa ay siya yun dahil ako, nag hihintay lang, pero siya? Ginugugol niya ang oras at pagod para kay Celine. I can't think of anyways to make him feel better dahil nasisiguro kong ang makita lang si Celine ang tanging makakapagpagaan ng loob niya.

Nabalik na lang ang isip ko sa kasalukuyan nang maramdamang nagvibrate ang cell phone ko. Napakurap pa ako dahil sa gulat nang makita kung kanino ang pangalang nasa screen. Kulang na lang ay sampalin ko ang sarili ko dahil baka hallucination lang ito or what, but no!

I immediately answered the call, "H-hello?"

I think, it's already been a year since the last time his name flashed in my phone screen. Naghalo ang kaba, lungkot, at tuwa ko sa sandaling ito.

"Where are you?"

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya.

"Why?"

"Can we meet?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

I was just so shocked. Siya ang hindi namamansin sa'kin, but now, he wants to meet me.

"I'm in a cafe."

"The usual one?" He asked.

"No."

Sinabi ko sa kaniya ang lugar kung nasaan ako. Nagulat naman ako nang bigla na lang niyang ibaba ang tawag kaya nagtatakang tinignan ko ang cell phone ko.

He didn't even let me finish!

But in the end, i just sighed. Siguro ay hindi pa rin siya ready na makita at makausap ako. And here i thought, at last, magkakaayos na kami.

Pero nagulat ako nang maramdamang may naupo sa katapat ko na upuan. Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko dahil hindi man lang nagpaalam ang taong 'yon bago maupo.

"Excu-"

Natigilan ako nang makita siya. Bahagyang nakangiti sa akin na para bang masaya siyang makita ako.

Mabilis kong tinignan ang kabuuan niya. Ang buhok niya ay halatang basa. Maging ang ilang parte ng polo niya ay may basa rin. Saglit ko pang nilingon ang labas at nakitang malakas pa rin ang ulan. Don't tell me, sumugod siya sa ulan just to get here?

"What? Are you just going to stare at me, Kiana?"

I was caught off guard when he spoke. I just couldn't find the right words to tell. Masiyado nang matagal simula noong huli kaming nagkita at nagkausap nang ganito.

"N-no."

"Then, why aren't you speaking? You just keep on staring at me. Do i look like a ghost?"

"N-no."

"Come on, Kiana! Are you going to speak like that to me? Am i making you uncomfortable? Should i just leave?"

"N-no," muling nauutal na sagot ko.

Tinitigan niya ako nang matalim kaya agad akong umayos ng upo. I admit, naiilang ako. He can't blame me tho. It is the outcome for what he've done!

"Of course not! Medyo nahihiya lang ako."

"Why?" By the smirk plastered on his lips, i can feel that he's enjoying it.

Napatungo ako dahil sa tanong niyang 'yon. Is he making fun of me?!

"Symon..." marahang tawag ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot pero ang kaninang nakangising mukha ay unti-unting sumeryoso.

SerendipityWhere stories live. Discover now