Wakas

1.1K 94 18
                                    

Thank you for reading. This is the final chapter. I hope you enjoyed reading this one. This is short and is set to be published by PHR. Hindi ako sure if mapa-publish pa 'to as book kaya nilagay ko na dito. Sana ay may natutunan kayo kahit kaunti sa kuwento ni Marri at Prinz.

Learn from your mistakes. Ask for forgiveness. And then, forgive yourself.

Next will be the final author's note. I love you, Cheesecakes, beyond words.

Wakas


NASA loob sila ng kotse ni Prinz. Hawak-hawak ni Prinz ang palad ni Marri. Kung hawakan nito ang kamay niya, para bang natatakot ito na bigla siyang mawala. Ganoon din naman si Marri. Pabalik-balik nga sa lalaki ang tingin niya. Natatakot kasi siyang bigla itong maglahong parang bula. Baka mamaya, panaginip lang pala ito.

Wala sa sarili na kinurot ni Marri ang sarili.

"Aray!"

Gulat na napatingin sa kanya si Prinz. Nangunot ang noo nito. "Ano'ng nangyari?"

Suminok siya. "Akala ko kasi... panaginip lang 'to."

He smiled. Ito 'yong ngiting minahal niya. "Silly, Marri." Binitawan nito ang kamay niya saka iyon ipinaikot sa balikat niya. Hinapit siya nito padikit sa tagiliran nito. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya at gamit ang libreng kamay ay ginagap muli ang palad niya.

"Marami akong gustong sabihin, Marri. Marami akong gustong ipaliwanag. Marami akong gustong ihingi ng tawad. Hindi ko alam kung saan magsisimula."

"It's okay. Maghihintay ako."

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Mayamaya ay napahugot ng hangin si Prinz.

"Aaminin kong pinilit kong baguhin ang sarili ko dahil sa nangyari noon, Marri. Nagpapayat ako, binago ang ugali ko, kinalimutan ang dating ako. I played, a lot." Bahaw na natawa si Prinz. Pinisil niya ang palad nito. "I changed girls as if I'm changing clothes. Thinking about it right now, I seemed like a douchebag. Bakit ko ginawa 'yon? For self-assurance siguro, na hindi na ako 'yong dating Prinz na binu-bully, na nagbago na talaga ako.

"And yes, Marri, I planned to make you see I'm a changed person, na kakainin mo 'yong sinabi mo dati. Isa rin 'yon sa dahilan kaya pinilit kong baguhin ang sarili ko. Because Marri, I was hurt. I liked you back then. Sobra. You were different. Nang magka-chat tayo sa Tinder, naisip kong iyon na 'yong chance ko lalo pa't hindi mo alam na ako si Stein. It was all set in my mind. Gusto kong ipakita sa 'yo na nakaya ko sa kabila nang mga sinabi mong masasakit noon."

"Go on," mahinang usal niya nang huminto si Prinz. "Please."

Pinisil nito ang palad niya. "But then you told me via Tinder you liked Flint. My brother. I did not like it. Naisip kong sasaktan mo lang si Kuya Flint gaya nang ginawa mo sa 'kin dati. I planned to seduce you and make you fall for me then I will leave you hanging. But I don't know when my plans started to fail. Or maybe it was bound to fail right from the start. Nang mga panahong kasama kita o kausap kita o ka-chat kita, hindi sumasagi sa isip ko na para kay Kuya Flint ang ginagawa ko. Nakakalimutan ko ang plano ko kapag kasama na kita. Nakakalimutan ko ang galit ko kapag malapit ka na. All I could think about was you, about how happy I was when I'm with you, and how lucky I was to be able to spend time with you. Para bang nagbalik ako sa high school."

"Bigla akong kinompronta ni Kuya Flint. Minsan na kitang nakuwento sa kanya noon. Hindi ko inakala na maaalala pa niya. I was stunned then, Marri. Because he opened up my eyes to the fact that maybe, I still love you. Hindi ko 'yon matanggap. Me? Loving you when you've hurt me before? Silly, right? Kaya nang makita kita doon at nagkaaminan tayo, sinaktan kita. Gusto kong patunayan na hindi na kita mahal. Gusto kong patunayan kay Kuya Flint, sa 'yo, lalo na sa sarili ko na hindi na kita mahal. Gusto kong patunayan na para kay Kuya Flint ang lahat ng ginawa ko.

"Niloloko ko lang ang sarili ko."

Nakagat ni Marri ang ibabang labi.

"Mahal pa rin kita, Marri. It took me this long to realize that I still love you. Na nagselos ako nang sinabi mong si Kuya Flint ang gusto mo. Na all along, gusto kong ako ang gustuhin mo. Na all along, para sa sarili ko pala ang ginagawa ko, hindi para kay Kuya Flint."

Nagpatakang muli ang mga luha ni Marri. Nagiging iyakin siya. Hindi naman siya malungkot pero bakit umiiyak siya? Masaya siya, eh. Sobra-sobra. Pero naiiyak siya talaga.

"M-mahal din kita," aniya. "Hindi kita masisisi sa plano mo, sa mga ginawa mo, kasi may kasalanan ako. Pero please, paniwalaan mo ako, na minahal kita ngayon hindi dahil macho ka o hot ka. Minahal kita kasi, minahal lang kita basta. Mali ako noon at gagawin ko ang lahat para makabawi. My love for you isn't superficial, Prinz. It is real."

"I know that now, Marri." Isang magaang halik sa noo ang ibinigay nito sa kanya. "Please forgive me for hurting you. I... I don't want to hurt you anymore, Marri. Please, don't let me hurt you anymore."

Ibinaling ni Marri ang mukha kay Prinz saka ito masuyong hinalikan sa sulok ng mga labi nito. "Don't let me hurt you anymore as well, Prinz."

"I promise."

Sinakop ni Prinz ang mga labi ni Marri. She closed her eyes and let herself be drowned by his kiss.

Hindi pa rin makapaniwala si Marri na heto ngayon si Prinz, yakap-yakap siya. Hinahalikan siya. Her future with him seemed so bleaked before but now, it was as bright as the sun.

May mga pagkakataon talagang hindi maiiwasang masaktan mo ang taong mahal mo. Pero dapat ay gumawa ka ng paraan para makabawi. At dapat ay matuto ka sa kamaliang nagawa mo para hindi na ito maulit.

Nagkasakitan sila ni Prinz. And they have forever to owe up to the heartaches they had given to each other.

They will start now.


Months after...

STEIN: ARE YOU HORNY?

Natawa si Marri nang mabasa ang chat na iyon ni Prinz sa Tinder app. Napailing siya saka nag-type ng reply.

Marri: Yep. Super horny. Lol.

Stein: Gasp.

Stein: Pauwi na ako.

Stein: Wait for me.

Stein: While naked.

Stein: In the bed.

Marri: Hahahaha.

Marri: Napaka mo talaga.

Napapitlag si Marri nang may naramdamang mainit na bagay na pumulupot sa beywang niya. She instantly recognize him.

"Welcome home."

Hinalikan siya ni Prinz sa leeg bago sumagot. "I'm home."

Napangiti nang maluwang si Marri.

Yep, this was really home for Marri and Prinz.

Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang magkaayos sila. Nag-usap sila. Nagkatapatan. Nagkaaminan. Lahat ay sinabi nila. Wala silang inilihim sa isa't isa. And from there, they started a new journey with each other at their side.

"Aunt Marri! We missed you!"

And of course, with the twins at the side.

"Aist. Panggulo talaga ang mga bulinggit," bulong ni Prinz. "Mamaya, solo kita."

Kinurot niya ito sa beywang saka natatawang pinuntahan ang kambal na anak ni Flint. Naiiling na nakasunod naman sa kanya si Prinz.

Someday, they will have their own twins, too. Someday.

"Marri!"

"Bakit?" hindi lumilingon na tugon niya.

"Marry me."

"Okay—what?!"

"Marry me."

"Leche. Bumili ka munang singsing."

"To follow, babe."

"Leche!"

Love Me Tinder (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon