Kabanata 9

859 64 6
                                    

Kabanata 9


"IHAHATID na kita."

Parang tanga na lumayo si Marri sa pesteng lalaking hindi pa rin pala niya alam ang pangalan hanggang ngayon. Stranger, she would call him "Stranger." Itinaas niya ang mga kamay at pumorma nang pa-cross. "No, thanks."

Itinakip nito ang palad sa bibig saka tumawa nang malakas. Humalukipkip si Marri saka nalabi. Ano'ng nakakatawa sa sinabi niya? Masyado yata talagang maluwang ang turnilyo sa utak nitong lalaking 'to.

"Ano ba?! Kabagan ka sana," angil niya sa lalaki.

Pinahid nito ang gilid ng mga mata na nagluha kakatawa. Umayos ng tao ang lalaki pero hindi pa rin mabubura ang ngisi sa mga labi nito.

"Sorry. Nakakatawa ka lang kasi."

"Ewan ko sa 'yo."

Akmang lalabas na ng bahay si Marri nang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Flint. Kaagad na umayos ng tayo si Marri saka pasimpleng inayos ang kanyang buhok.

"Good evening, Sir Flint," bati niya sa lalaki habang abot hanggang batok ang ngiti.

"Ah, Marri. Good evening. How's the twins? Kumain ka na ba? Nakakain na ba sila?" nakangiting bungad nito sa kanya.

Flint's smile was definitely different from Stranger. Ang ngiti ni Flint, calming sa pakiramdam. Iyong ngiti ni Stranger, pilyong tingnan saka nakaasar. Kahit na ba ang guwapo nitong tingnan kapag nakangiti, nakakabanas pa rin.

"Oo, kumain na kaming lahat. Tulog na sila Jayden at Raiden. They've been good," aniya.

May tumikhim mula sa gilid niya.

"Good evening, self. How are you, self? Kumain ka na ba, self?" sarkastikong ani Stranger.

Nakasimangot na binalingan niya ang lalaki. Kagaya niya ay nakasimangot din ito habang nakahalukipkip.

Tumawa lang si Flint. "Sorry. Hindi kita napansin."

"Yeah, right," nakaismid na sagot ni Stranger.

"Pauwi ka na ba, Marri?" tanong sa kanya ni Flint.

"Yes, Sir Flint."

"Ihahatid na kita."

Kaagad ang pagpayag niya. "Thank you—"

"Ako na ang maghahatid sa kanya, Kuya Flint. Pagod ka sa trabaho, 'di ba? Hindi ka pa kumakain. Paalis na rin naman ako."

Nanlalaki ang mga matang binalingan niya si Stranger. Gamit ang mga mata ay pilit niyang isinisigaw sa lalaki na hindi! Na si Flint ang gusto niyang maghatid sa kanya. Pero manhid yata 'tong si Stranger. O sadyang epal lang. Panira ito sa moment niya sana with Flint. 'Asar.

"Sige—"

"No need, Sir Flint. Kaya ko naman umuwi mag-isa."

"Pero—"

"Ayos lang talaga, Sir."

"Okay. Kung iyan ang gusto mo. Saka 'wag mo na akong tawaging Sir. I feel so old."

"Matanda ka na naman talaga, Kuya Flint," patutsada ni Stranger.

Hindi napigilan na siniko niya ito. Napa-aray naman ang lalaki. Napangisi siya sa isip. Kala mo, ha. Buwisit, bakit ba ako feeling-close sa lalaking 'to, eh, stranger nga 'to?!

"Sige, Flint. Mauna na ako. Bukas ulit."

"Salamat, Marri. See you tomorrow."

Nang makalabas ng bahay ng mga Ramirez ay abot hanggang tainga ang ngiti niya. Siguro ito na talaga ang destiny niya. Siguro si Flint—

"Mukha kang timang na nakangiti d'yan," anang tinig sa likuran niya.

Kaagad na nabura ang ngiti ni Marri. Hindi niya pinansin si Stranger. Nagsimula siyang naglakad papunta sa sakayan ng jeep pauwi.

"You like Flint?"

Hangin lang si Stranger. Hindi ko siya naririnig...

"O crush lang? Sa tanda mo 'yang uso pa crush sa 'yo?"

Hangin lang siya. Hangin! Wala akong naririnig.

"Type mo talaga si Kuya?"

Napahinto sa paglalakad si Marri saka nilingon si Stranger. Pinanlakihan niya ito ng mga mata saka tiningnan nang masama.

"Ewan ko sa 'yo. Don't talk to me, hindi tayo close. Saka I don't talk to strangers," asik niya sa lalaki.

Napailing lang ito. Tahimik na nakasabay ito sa kanya hanggang sa sakayan ng jeep.

"Hindi ko pa pala nasasabi pangalan ko," anito.

"Walang may pake."

"Meron, ikaw," nakangising tugon nito.

Inirapan niya ang lalaki saka sumakay na ng jeep.

Marri would deny it with all her might but she secretly glanced at him when the jeep moved.

"Prinz. My name is Prinz. It was nice to see you again, Marri."

Hindi alam ni Marri kung papaano siyang nakauwi. Nang marinig niya ang pangalang sinabi ni Stranger—no, ni Prinz, parang binagsakan siya ng bomba.

Prinz. He was Prinz? He was Prinz all along? But how? His attitude towards her wasn't what she was expecting. Handa siya sa masasakit na salita, sa cold-shoulder, pero hindi. He smiled at her, he teased her, he even acted as if nothing happened before.

Si Prinz ba talaga si Stranger? Her Prinz?

Nang makauwi siya ay pabagsak siyang napahiga sa kama. Wala sa sariling nag-chat siya kay Stein.

Marri: I'm bothered.

Stein: Bakit?

Marri: Ah, nothing.

Marri: Nothing at all.

Stein: May nangyari ba?

Marri: Nothing important.

Marri: Aside sa magandang progress sa love life ko. Hehe.

Stein: Don't laugh like that.

Stein: Masagwa.

Marri: Leche!

Stein: Hahaha!

Stein: I hope you had a nice day, Miss Marri.

That night, she tried her best to think about Flint but everytime she did so, Prinz's face would suddenly pop in.

Everything flashed in her mind. Their past, her stupidity, and her biggest regret. After all, Prinz Francisco was her biggest high school regret.

Love Me Tinder (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon