Kabanata 8

894 68 22
                                    

Kabanata 8


STEIN: So tired.

Napahinto sa pag-aayos ng mga gamit si Marri nang mabasa ang notification chat na iyon galing sa Tinder app. Napatingin siya sa oras. Alas nueve na ng gabi. Linggo. Bakit feeling tired 'tong si Stein?

Marri: Bakit?

Stein: Ako kasi nag-alaga sa mga pamangkin ko. Off ko dapat pero ginawa akong yaya ni Kuya.

Marri: Baka c-in-orrupt mo 'yong mga bata.

Stein: What the. Inosente ako.

Marri: Yeah, right.

Ipinagpatuloy ni Marri ang pag-aayos sa mga gamit. Nang matapos ay saka niya muling binalingan ang cellphone.

Stein: Totoo nga.

Stein: But being with the kids became a stress-reliever for me.

Marri: Stressed ka?!

Stein: Ha-ha-ha. Very funny.

Marri: But it was surprising that you like kids. Being a guy and all.

Stein: Because kids are honest creatures. They will tell you what they really think of you. They won't lead you on.

Marri: Did someone do that to you?

Marri: Lead you on?

Stein: Hahaha. Itong guwapo kong 'to?

Marri: Yeah, right. Bakit ko pa ba tinanong.

Stein: Hahaha. Good night, Miss Marri.

Marri: Ah, yes. Kailangan ko na rin matulog. Got a long day tomorrow. Wish me luck.

Marri: I might have a love life soon.

Stein: Good luck...

Stein: To the guy.

Marri: Stein!!

Napalabi siya. Salbahe talaga 'tong si Stein. Pasalamat nga 'to at pinagtatiyagaan pa niya itong kausapin. Naaawa lang naman siya dito dahil mukhang malungkot ito at kailangan talaga ng kausap.

Di ba nga ang sabi ng ilang psychologist, iyong mga taong mapang-asar, maloko at palabiro, sila 'yong itinatago ang sakit at lungkot sa puso nila?

Nabasa lang niya iyan somewhere.

"Oh, well. Good luck sa 'kin bukas. Sana maabutan ko si Flint," parang tangang aniya.

What if, what if lang naman, si Flint Ramirez na pala ang Mr. Right niya? What if ito na ang way ng tadhana para paglapitin sila? What if ito na ang maglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake niya?

What if hindi siya nakatadhanang maging single for life dahil may isang Flint Ramirez na nandiyan?


"BUTI na lang po ikaw ang tutor namin, Miss Marri."

Nakataas ang kilay na binalingan ni Marri si Jayden. "Really?"

Sunud-sunod na tumango ang bata. "We like you."

"A lot," segunda ni Raiden.

Na-touch naman si Marri. "Aww. Thanks, boys," aniya saka ginulo ang buhok ng kambal. Kinuha niya ang exercise worksheet ng mga ito saka tiningnan isa-isa ang mga sagot. They were really smart for their age.

Love Me Tinder (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon