Kabanata 1

2.4K 96 42
                                    

Kabanata 1


ALAM mo 'yong feeling na inggit na inggit ka sa best friend mo kasi siya, ang blooming ng love life na nagsimula dahil sa Facebook? Sobrang inggit lang. 'Tapos, naiinggit ka na nga, lalo mo pang iniinggit ang sarili mo sa pagbabasa ng kung anu-anong secret files sa Facebook. Para bang pinamumukha mo pa lalo sa sarili mo na wala kang love life.

Four words.

Wala. Kang. Love. Life.

Ganyan kamasokista si Marri. Wala siyang love life. Zero. Zilch. Nada. Waley. Bokya. Ano pa ba ang salitang puwedeng gamitin para maidiin niya na wala talaga siyang love life?

Hindi naman siya desperada. Naiinggit lang. Saka oo na nga. Medyo desperada na rin siya. Imagine, sa edad niyang twenty-eight, NBSB siya?! Bago man lang sana siya mag-trenta, ma-cross na niya sa Never Have I Ever niya ang pagiging boyfriendless since birth. Aba, daig pa siya nang pamangkin niyang eighteen years old na may steady boyfriend ngayon.

So here she was again, reading these so-called confessions and secret files that made her stomach burned with so much envy.

"If I know, hindi naman totoo 'tong mga confession na 'to! Mga gawa-gawa lang para mang-inggit," usal ni Marri sa sarili para pagaangin ang kalooban.

Hindi alam ni Marri kung ano ba ang problema sa kanya. O siguro, hindi lang niya matanggap kung ano ang problema talaga. Hindi pala ano kundi sino.

SIYA.

Masyado kasing mataas ang standards niya. Hindi siya ang may kasalanan, okay?! Ang may kasalanan ay ang mga nababasa niyang libro na sobra-sobra kung mag-describe sa lalaki.

Sobrang guwapo. Sobrang macho. Sobrang yaman. Tapos mai-in love sa babaeng simple lang.

Sino ba ang may ayaw ng ganoon sa totoong buhay?

"Dapat talaga hindi ako masyadong nagpalamon sa sistema ng pocketbooks, eh," atungal niya. Yumukyok siya sa mesa at pilit kinakalimutan ang mga kabobohan niya noon.

She dreamed of having her own pocketbook-style romance, too. May makikilala siyang sobrang guwapong lalaki. Iyong perfect talaga. Tapos magkakagusto ito sa kanya kahit simple lang siya. May conflicts na darating para exciting naman ang kuwento nila pero kayang labanan 'yon ng love nila sa isa't isa.

Simple lang naman ang hanap niya, 'di ba?

So what went wrong?

Marri did not know.

Was she at fault for asking too much and setting a high standard? Hindi ba niya deserve 'yon? Di ba ang sabi don't settle for less? Paano kung walang nahanap na more?

Napailing na lang si Marri.

Umayos na siya ng upo at muling binalingan ang laptop.

Binasa niya nang malakas ang isang confession. "I met him on Tinder. Instantly, ramdam namin 'yong sparks... blah blah. Tinder? What the hell is Tinder?" tanong ni Marri sa sarili.

Nag-search naman siya sa Google. Kapag may hindi alam, GMG agad—Google Mo Gago.

Nangunot ang noo niya nang makita ang Tinder. Oh, well. She grabbed her cell phone and downloaded the Tinder application. She made an account not because she wanted to find her ka-sparks. Curious lang siya. Curiousity lang talaga!

Nang makagawa ng account ay nag-swipe lang siya nang nag-swipe at nag-heart nang nag-heart. Sa nabasa kasi niya, ganito ang kalakaran sa Tinder. If you liked him (based on his pictures), then press the heart button. Para lang siyang naghahanap ng paninda sa online. Hanap-Usap-Deal.

Sa Tinder naman: Swipe-Heart-Chat. Kaloka.

Syempre ang nila-like ni Marri ay 'yong mga guwapo sa pictures. Aba, sue her. Maggaganito na lang siya, eh, di 'yong sa pogi na.

If that person "liked" you back, may lalabas na It's A Match notification tapos doon na kayo puwedeng magsimulang mag-chat.

Parang ganito.

Jacob: Hi, babe. Wanna fuck?

"Susko!" bulalas niya nang mabasa 'yon.

Bakit ganito ang bumungad sa kanya? Napakaganda namang Buena mano nito. Sarcastic siya niyan, ha. Nag-desisyon si Marri na hindi na mag-reply. She wasn't looking for a fuck buddy, thank you very much. Bahala 'tong maghanap ng ibang ka-fuck nito. Buwisit.

Nakita ni Marri na mayroon pa siyang ka-match. Nice—

Paul: r u horny?

—not.

What. The. Fuck.

Strike two na siya. Susko. Bakit ganito ang napupunta sa kanya? Nag-init ang ulo niya. Bakit ang malas niya? Pangalawang beses na 'to. Bakit mga natityempo sa kanya, mga horny? Sex lang ang hanap!

Isa pa 'to:

Henry: Do you send nudes? ;)

Marri: NO!!!

Nasapo niya ang noo. Bakit ba kasi siya nag-Tinder pa. Hindi pala ka-sparks ang mahahanap niya, lalaking iuumpog niya sa poste para ma-spark.

"Last na 'to. Isang-isa na lang," gigil na aniya.

Binuksan niya ang chat ng huling ka-match daw niya. Ka-match?! Mukha ba siyang horny at naghahanap ng ka-fling? Argh!

Stein: ARE YOU HORNY?

Tangina talaga!

Nanggigigil na nag-type siya ng reply. Inis na talaga siya. Sa libo-libong tao sa Tinder, bakit hundred percent ng mga nag-like back sa kanya, mga horny? Napakamalas niya!

Marri: IF YOU ARE HORNY THEN VISIT A PORN SITE SHIT HEAD! KAINIS KA! MANYAK!

Stein: Hahahaha. It was a joke.

Marri: Joke mo mukha mo. 'Wag ako lokohin mo!

Stein: Really, it was a joke. Ganyan lagi ang bungad ko para kapag may um-oo, hindi ko na re-reply-an.

Stein: But you are different.

Stein: I like it. :)

Marri: Talaga lang ha? Weh? Hindi ka fuckboy? Naghahanap ng fling? Horny?

Stein: Hahaha. No.

Marri: Whatever. Goodbye!

Stein: Wait!

Stein: Comeback tomorrow?

Stein: Please?

Marri: Pag-iisipan ko.

Stein: Good.

Stein: Tomorrows, baby.

Napa-facepalm si Marri pero unti-unti na rin napangiti habang naiiling. Weird guy.

Love Me Tinder (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon