Kabanata 7

920 69 13
                                    

Kabanata 7


"KAILANGAN mo ng trabaho?"

Tumango si Marri sa tanong na iyon ni Jaya. Co-teacher niya ito. Unlike Klara, close sila ni Jaya.

"Kailangan ko ng dagdag savings para kay Tatay."

"Paano ang trabaho mo dito?"

"Puwede akong maging tutor sa gabi tapos tuwing weekends. Malaking dagdag na rin 'yon," aniya.

"Sabagay. Sige, sasabihan kita kapag may kilala akong naghahanap ng tutor."

"Thanks, Jaya."

Bago pa man makalabas ng opisina si Marri ay pinigilan siya ng head nilang si Mrs. Gaspar.

"Ma'am?"

"Narinig ko ang pag-uusap ninyo ni Miss Asuncion."

Napakamot siya ng kilay. "Ah, sorry po, Ma'am, kung maingay kami."

Iwinasiwas nito ang palad. "No, no, Miss Gualvez, hindi kita sisitahin. In fact, may good news ako sa 'yo."

"Po?"

"Meron akong kakilala na naghahanap ng tutor-babysitter. Sakto sa oras na bakante ka. Kung interesado ka—"

"Yes, Ma'am! Sobrang interesado po ako!" kaagad na pagtanggap niya sa inaalok nito.

Sino ang tatanggi sa dagdag na kita? Kailangan niya ito.

Ngumiti ito. "Good. Actually, pamilyar ka siguro sa tuturuan at babantayan mo."

"Po? Nasa klase ko po ba sila?"

"Oo. Si Mr. Flint Ramirez ang nagpadala ng request sa akin. Dahil dalawang bata, doble rin ang matatanggap mong bayad." May iniabot ito sa kanyang calling card. "O, para makausap mo si Mr. Ramirez hinggil dito."

Sunud-sunod ang pag-bow ni Marri sa head nila. "Salamat po, Ma'am. Malaking tulong po ito sa tatay ko."

"Walang anuman."

Napatingin si Marri sa orasan. Hindi na rin siguro masamang tawagan niya ngayon si Mr. Ramirez.

Sa pangatlong ring ay may sumagot na ng tawag.

"Hello."

Ah... nakakatunaw ang boses.

"Mr. Ramirez, this is Marri Gualvez of Dreams for Kids nursery school. This is about the tutor-babysitter position for the twins. If—"

"Ah, sorry. This isn't Flint Ramirez. Naiwanan niya sa office ko 'yong phone niya. I'll tell him about this call, is it okay?"

Napalunok si Marri. Ang suave ng boses. Ito ba 'yong nababasa niya sa mga libro na bedroom voice?

"O-okay. Thank you."

"Goodbye, Miss Marri."

Putol na ang tawag pero parang tangang nakadikit pa rin sa tainga ni Marri ang cellphone niya. Ewan niya pero ang lakas ng impact sa kanya ng boses ng lalaking nakausap niya.

Nasapo niya ang magkabilang-pisngi saka umiling. Kung anu-ano kasi ang binabasa at pinapantasya niya. Kung anu-ano rin tuloy ang pumapasok sa kukote niya.

"Hay. Sana matanggap ako."

Gusto niyang makuha ang part-time na ito. Dahil bukod sa doble ang sahod na makukuha niya, kilala pa niya ang tuturuan at babantayan niya. It was her favorite twins afterall.

Isinukbit na ni Marri ang bag sa balikat. Bago lumabas ay nagpadala muna siya ng isang chat kay Stein.

Marri: Ano ba ang bedroom voice?

Love Me Tinder (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon