Kabanata 18

740 70 11
                                    

Kabanata 18


"I'M HOME, kiddos!"

Sabay-sabay na nagsitinginan sina Marri, Raiden, at Jayden sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon ni Flint. Bahagyang tumingin si Marri sa full-length mirror na nakadikit sa dingding sa may sala. Inayos niya ang buhok saka umupo ng tuwid.

"Hello, Flint. Ang aga mo, ah," nakangiting bati niya sa lalaki nang pumasok sa living room si Flint.

Nginitian siya ni Flint. Lalong gumuwapo sa paningin niya si Flint nang ngumiti ito sa kabila ng pagod sa mga mata nito. Hinintay niya 'yong pagbilis ng tibok ng puso niya, pero wala. Siguro na-late lang. O siguro, hindi naman agad-agad 'yong ganoong feels, di kagaya sa mga nababasa niya. Baka exaggerated lang 'yong sa mga pocketbook na kapag nginitian ka ng soulmate mo, para raw nakipagkarera dahil sa bilis ng tibok ng puso.

"Daddy! You're home!" sigaw ni Jayden na tinakbo at nilundag si Flint.

"Yep. Maagang natapos ang work ni Daddy."

"Daddy!" Kagaya ni Jayden ay dinamba rin ni Raiden si Flint.

Ang lakas lang ni Flint, nakaya nitong buhatin ang kambal ng sabay. Sabagay, lalaki ito. Very manly pa. At ang muscles sa braso—

"Nandito rin ako. Hello, Uncle Prinz," sarkastikong ani ng isang tinig mula sa likuran ni Flint.

—ay masyadong hot tingnan, dugtong niya sa isip nang masipat ang anyo ni Prinz. Simpleng asul na t-shirt ang suot nito at brown na army shorts. His body fitted the shirt he was wearing and damn, but Marri wanted to tear that clothes off him.

Oh, my God! Ano ba 'tong iniisip ko?! Si Flint ang tinutukoy ko! Hindi si Prinz! Si Flint!

Nang tumutok sa kanya ang tingin ni Prinz ay bahagyang napalunok si Marri. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa klase ng tingin na ibinabato nito sa kanya.

"Hi, Miss Marri," bati ni Prinz sa kanya saka ngumisi.

Iniwas niya ang paningin sa lalaki.

"Daddy, gusto namin ni Raiden ng ice cream saka cake," ungot ni Jayden sa daddy nito.

Pilit itinututok ni Marri ang atensyon sa mag-a-ama pero buwisit kasi si Prinz, masyadong agaw-pansin. Tumabi sa kanya si Prinz saka pasimple siyang siniko.

"Wala man lang akong isang 'hi' d'yan?"

Inirapan niya ang lalaki saka humalukipkip. "Ewan ko sa 'yo."

Biglang ginagap ni Prinz ang palad niya. "Hi," ngising-ngising saad nito.

Pilit inaalis ni Marri ang palad mula sa pagkakahawak ni Prinz pero humigpit lang ang kapit nito sa kanya. Hindi iyon sa masakit na paraan. The feeling was actually warm and comforting. That was why she wanted to pull her hand off his hand. Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam.

"Problema mo?" mahinang asik niya dito.

"Wala lang. Ayaw mo kasi akong pansinin."

Pinandilatan niya si Prinz. Natatawang pinisil muna nito ang palad niya bago iyon binitawan. Sakto namang tumutok sa kanila ang pansin nila Flint.

Good. Mabuti at hindi nito nakita na hawak ni Prinz ang kamay niya. Baka kasi kung ano ang isipin nito. Mabulilyaso pa ang papausbong pa lang sana niyang love life.

"Okay, okay. Hintayin niyo ako dito kasama nila Miss Marri, okay?"

Nang marinig ang pangalan mula kay Flint ay napabaling na dito ang pansin niya. Ano ba 'yan! Isa kasing malaking distraction si Prinz. Nandito si Flint. Moment nila 'to pero heto, ang pansin niya ay napupunta sa ibang lalaki.

Bad 'yon.

"Ano 'yon?" nagtatakang tanong niya kay Flint.

"Gusto kasi ng ice cream saka cake nitong kambal. Nanlalambing. Pupunta ako saglit sa mall. Wala pang twenty minutes ang biyahe papunta do'n. I'll leave these twins to you and Prinz."

"Oka—"

"O kaya po puwede kang samahan ni Miss Marri, Daddy. Kasi she knows what flavor is the best. Right, Raiden?"

Tumango-tango si Raiden. "Tama po si Jayden, Daddy. Isama mo si Miss Marri para masarap 'yong mabibili mo."

Pinaglipat-lipat ni Marri ang tingin sa kambal. Kulang na lang ay mapa-facepalm siya. She knew what they were doing. The twins were setting her up to their father. Which wasn't a bad thing, actually.

"Nakakahiya kay Miss Marri niyo, Jayden," saad ni Flint.

"Ay, hindi, Flint. Ayos lang sa 'kin," kaagad namang aniya.

"Ako na lang ang sasama kay Marri, Kuya Flint. Kagagaling mo lang sa work, magpahinga ka muna kahit saglit. Ngayon na nga lang napaaga uwi mo."

Nanlaki ang mga mata ni Marri. Binalingan niya si Prinz na siyang kontra-bulate saka ito pinandilatan. Gusto niyang ipabatid sa lalaki na huwag itong um-epal sa pamamagitan ng mga mata niya. Mukhang naintindihan naman siya nito dahil lumapad ang pagkakangisi nito.

"No! Hindi puwede!" pagtutol ng isang tinig. Ang akala pa nga ni Marri ay boses niya 'yon. Hindi pala. Si Raiden 'yon.

"Pagod ang Daddy Flint niyo, mga bulinggit, 'wag nang matigas ang ulo," ani Prinz saka ginulo ang buhok ng kambal, sa labis na asar ng mga ito.

Bago pa man makatutol ng bongga ang kambal ay hinaklit ni Prinz ang bisig ni Marri saka siya hinila palabas ng bahay. Sumakay na sila sa kotse nito. Nang masigurong wala nang makakakita sa kanya ay saka niya sinamaan ng tingin si Prinz.

"Bakit ba nangialam ka, ha?" aniya saka humalukipkip.

"Hmm?"

"Nakita mo na ngang moment na dapat namin 'to tapos... hmp." Iniwas ni Marri ang tingin sa lalaki at ibinaling iyon sa labas ng bintana ng kotse.

"Ang cute talaga mainis, oh," natatawang ani Prinz saka pinisil ang pisngi niya.

Inangilan ni Marri ang lalaki. "Ano ba?!"

He leaned towards her until their faces were inches apart. Halos maduling na siya dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.

"Ano ba, Prinz?!" sikmat niya dito.

"Seatbelt mo."

Ipinatong niya ang palad sa mukha nito saka itinulak iyon palayo. "Kaya ko na! Kaya ko na!" natatarantang aniya saka ikinabit ang seatbelt. Hindi niya gustong magkaroon ng rewind iyong nangyaring seatbelt scene dati.

Tumatawang umayos ng upo si Prinz.

"You're cute."

Umingos siya. "I know. Bagay kami ni Flint."

Lumakas ang tawa nito. "Asa."

"Hmp. Wala ka nang magagawa kapag naging sister-in-law mo ako."

Ang akala niya ay wala nang mailalakas pa ang tawa nito. Mali siya.

"Okay, babe."

"Prinz!"

"Babe-in-law?"

"Argh!"

Love Me Tinder (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon