Kabanata 20

756 63 9
                                    

Kabanata 20


"YOU LIKE him!"

Tigas ang pag-iling ni Marri. Tiningnan niya nang masama si Rose. "Hindi mo ba ako narinig? Nakakainis kaya si Prinz! Masyadong mapang-asar. Parang hindi marunong magseryoso. Not my type at all," aniya saka humalukipkip.

Pinagtaasan siya ng kilay ni Rose. "Weh? Eh, bakit todo porma at pa-pretty ka?"

Inirapan ni Marri si Rose bago muling sinipat ang sarili sa full-length mirror. "Syempre, kahit na fake date lang 'to, dapat presentable pa rin ako, 'di ba?"

"Fake date pero excited na excited ka."

"Hindi ako excited!"

Hindi naman talaga. Fake date lang 'to. Practice kumbaga. Si Prinz ang nakaisip nito. Dahil kasi 'to sa pagsasabi niya sa harap ni Elena na fiancé niya si Prinz. Idagdag pa 'yong pagpayag ni Prinz na pumunta "sila" sa high school reunion nila Marri. Baka raw makahalata ang mga kaklase niya kung wala silang practice ni Prinz.

Kaya heto, first date nila ngayon ni Prinz. Tumatanggi pa nga siya noong una dahil babantayan pa niya ang kambal pero hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Prinz at bigla siyang binigyan ng off ni Flint. With pay!

"Tandaan mo, Marri, 'wag mo kaagad isusuko ang Bataan sa first date," pang-aasar ni Rose.

Inambaan niya ang kaibigan na tatawa-tawang lumabas ng apartment niya. Buwisit 'to, hindi man lang maging supportive. Napatingin si Marri sa orasan. May ilang minuto pa bago dumating si Prinz.

Hindi nito sinabi kung saan sila pupunta. Basta ang sabi lang nito, "dress nicely." Well, she dressed more than nicely.

Parang biglang kinabahan si Marri nang may kumatok sa apartment niya. Kinakabahan lang naman siya dahil... basta!

"Miss Marri!"

Gulat na napatingin si Marri sa pinto nang marinig ang mga boses na iyon. Binuksan niya ang pinto at ang bumulaga sa kanya ay ang naiiling na si Prinz. Sa harapan nito ay ang ngiting-ngiti na kambal.

"Hello there, kids," nakangiting bati niya sa dalawa.

"Nalaman namin na may date kayo ni Uncle Prinz, Miss Marri, kaya hindi kami tumuloy kina lola 'coz we want to join you!" bibong ani Jayden.

"Jayden's right, Miss Marri. Saka we don't want you to be alone with Uncle Prinz 'coz he's so boring," segunda naman ni Raiden.

Naitakip ni Marri ang palad sa bibig para itago ang malapad na ngisi sa mga labi lalo pa't nakita niya ang pagsimangot ni Prinz.

"Brats," anito saka ginulo ang buhok ng kambal.

"Ano ba, Uncle Prinz!" atungal ng dalawa.

Naiiling na isinukbit niya ang bag sa balikat saka hinawakan sa kamay ang kambal. Nakapuwesto ang kambal sa magkabila niyang gilid.

"Saan niyo gustong pumunta sa first date natin?" tanong niya sa kambal.

"To the zoo!"

"Zoo!"

"Zoo it is then."

Ngising-ngisi na binalingan ni Marri si Prinz na umungol nang tuwang-tuwang nag-cheer ang kambal.


"TIGER! Lapit ka dito, please. Iuuwi kita."

"Hindi mo puwedeng iuwi ang tiger, Jayden. Magagalit si Daddy."

Mahinang tumawa si Marri habang pinakikinggang ang pag-uusap ng kambal na nakatingin sa tigreng malayang naglalakad kasabay safari ride nila. Isa ito sa main attraction dito sa zoo; iyong nakasakay sila sa cage train habang dinadaanan ang mga tigre.

Love Me Tinder (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon