Kabanata 22

732 66 26
                                    

Kabanata 22


"BAKIT kasama si Uncle Prinz?"

"Uwi ka na Uncle Prinz. Kasama naman namin si Daddy, eh."

"'Di ka namin kailangan."

"Ah, gano'n?" Nakasimangot na ginulo ni Prinz ang buhok ng kambal. "Pagkatapos niyong ipagpilitan ang sarili niyo no'ng nag-zoo kami ni Marri, ngayon, paaalisin ninyo ako? Aba, teka."

Humalukipkip sina Jayden at Raiden habang nangingiti naman si Marri at Flint. Ang cute tingnan ni Prinz habang nakikipagkulitan sa kambal.

"Mabuti at free ka ngayon, Flint," ani Marri sa lalaking katabi.

"Yeah. Nang sabihin ng kambal na gusto nilang magpunta dito, pinilit ko talagang i-free ang araw na 'to para makasama sila. Pakiramdam ko kasi, nawawalan ako ng oras sa kanila."

Wala sa sarili na ipinatong ni Marri ang palad sa balikat ni Flint. "Basta iparamdam mo sa kanila na mahal mo sila, I think maiintindihan ka nila. Na ginagawa mo 'to para sa kanila."

Nginitian siya nito. "Thanks, Marri."

Hindi na nagawang sumagot ni Marri nang may narinig silang umubo. Pumagitna si Prinz sa pagitan ni Marri at Flint saka siya tiningnan nang masama. Hinaklit siya nito sa bisig saka hinatak papunta sa isang ride.

"No! Don't take Miss Marri, Uncle Prinz!"

Binalingan ni Marri ang kambal at nakita niyang pigil-pigil ni Flint ang dalawa. Tinanguan siya ni Flint saka nginisian. May kakaibang kislap sa mga mata nito habang nakatingin sa kanila ni Prinz. Weird.

Nang makarating sa pila ay tiningnan niya si Prinz. Nakahalukipkip ito. Para itong sina Jayden kapag hindi napagbibigyan ang gusto.

"Problema mo? Alam mo namang gusto kong kasama sina Jayden at Raiden."

Tumutok sa kanya ang paningin ni Prinz. Pinalamlam nito ang mga mata at kahit na alam ni Marri na uma-acting lang ito, parang gusto na niyang aluin ang lalaki. Kaagad niyang iniwas ang paningin dito. Mahirap na at baka kung ano pa ang magawa niya. May sarili pa namang isip ang mga kamay niya minsan.

"Ayaw mo akong kasama?"

Hindi ko siya naririnig. Hindi ko siya titingnan.

"Marri?"

Napaungol siya saka dahan-dahan nilingon si Prinz. "A-ano?!"

"Ayaw mo akong kasama?" anito saka lumabi.

It was easy to say no but why the hell Marri could not say it? Ano'ng problema niya?

"Next po, Sir, Ma'am."

Save by the bell, susko.

Parang nanigas sa kinatatayuan niya si Marri nang makita ang ride na pinilahan nila.

"H-hindi ako sasakay d'yan!" aniya na itinuro pa ang ride. "No. Never."

Naiiling na hinawakan siya ni Prinz sa bisig saka hinatak pasakay. Kahit anong pabigat niya, wala siyang laban kay Prinz. Ito pa mismo ang nagsuot ng safety belt sa katawan niya. Hindi alam ni Marri kung bakit siya biglang nanigas sa kinauupuan. Dahil ba takot siya sa ride na 'to o dahil sobrang lapit ni Prinz sa kanya?

"I'll kill you!" nanggigigil na aniya habang unti-unting nagsimulang umandar ang ride. Sobrang higpit nang pagkakakapit niya sa bakal na halos mamuti na maging ang ugat niya sa mga kamay.

The cold she was feeling suddenly vanished when she felt his hand on top of hers.

"Don't be scared."

Love Me Tinder (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon