Chapter 38

208 15 8
                                    

“Tara na,” aya ni Akeia sa akin. Nakabihis na kaming dalawa at palabas na kami ng bahay. Hindi ko naman gusto na pumunta pero pinilit ako nila Akeia.

Birthday ngayon ni Cristan at may party sa kanila. Hindi ko nga alam kung sino ang mga nando’n baka mamaya ay mga artista ang nando’n at may mga media, nakakahiya naman.

“Wag na lang kaya akong pumunta?” Sabi ko. Lumingon sa akin si Akeia na nakataas ang kilay.

“Eh kung hampasin kaya kita,” sabi niya. Umirap ako sa kaniya.

Ayoko talaga eh, hindi ko gustong makita silang dalawa. Okay naman ako, okay na ako sa kanila. Na sila na nga pero ayoko silang makita. Hindi ko alam.

“Wag kang mag-alala Naff tayo-tayo lang naman ang tao doon. Hindi naman marami ang bisita,” ani Akeia.

Bumuntong hininga ako at sumunod na sa kaniya. Kotse niya ang dala namin kaya siya ang nag-drive.

Kinakabahan ako dahil baka makita ko ang mommy niya doon. Syempre nando’n talaga ang mommy niya birthday ng anak niya eh, kailangan nando’n siya.

Baka lang may masabi na namang kung ano ang mommy niya tungkol sa akin. Hindi ko pa makalimutan ang pang-lalait niya sa akin dati.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Cristan. Malaki ang bahay niya kumpara sa akin at ngayon lang ako nakapunta rito. Hindi naman kasi ako pumupunta talaga sa kanila dahil hindi na naman kami close.

May ilang sasakyan sa labas na hindi pamilyar sa akin, mga ilang bisita siguro ni Cristan. Pagpasok sa loob ay nakita ko sila Jasper at ang ilang mga kaibigan namin dati. Wala naman akong nakitang media kaya private ang party ni Cristan.

“Omooo, hi girls!” Excited na sabi ni Lousie nang makita kami. Buhat-buhat niya si baby Lexie. 2 months old na si baby Lexie at habang lumalaki siya ay paganda siya nang paganda.

Binuhat ko si baby Lexie. Sobrang ganda niya talaga, hindi naman siya umiyak kaya umalis muna si Lousie para tawagin sila Khalil sa loob.

“Naks, galing! Anak na lang kulang,” asar ni Akeia sa akin.

“Shut up, Akeia.” Inirapan ko siya kaya natawa siya.

Maya-maya pa ay lumabas na sila Louise. Agad namang lumapit si Jd kay Akeia nang makita ito. Tiningnan ko pa ang paligid para tingnan kung nando’n ba ang parents ni Cristan pero wala naman sila doon. Baka naman mamaya pa sila darating.

Nakita ko si Kim na inaalalayan ni Cristan. Malaki na ang tiyan niya ngayon. Buntis nga siya, bakit hindi ko man lang napansin iyon no’ng nagkita kami. Humapdi ang mata ko, nagbabadya ng luha. Hindi ka pwedeng umiyak Naffera. Umiwas ako ng tingin sa kanila at binaling kay baby Lexie ang tingin ko. Mahimbing pa rin siyang natutulog ngayon. Mabuti at hindi siya nagigising sa mga ingay ng bisita.

“Galing mag-alaga ah,” ani Louise.

Nasa harap ko na pala sila. Ngumiti ako sa kaniya.

“Diba ang galing niya, anak at asawa na lang kulang.” Natatawang sabi ni Akeia. Inirapan ko siya. Kainis talaga ‘tong kaibigan kong ‘to.

“Hi Naff,” bati ni Kim. Kinuha na ni Louise si baby Lexie sa akin.

“Hi!” Sabi ko, nag beso kaming dalawa.

“Ang laki na ah, anong gender?” Tanong ko.

“Babae,” sabi niya at ngumiti.

Hindi ko binaling ang tingin ko kay Cristan kahit katabi niya lang ngayon si Kim.

Nagsimula ang party na wala akong kagana-gana. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging mood ko pagkatapos makita kanina sila Kim. Nasa kabilang table sila Kim at Cristan. Alagang-alaga si Cristan kay Kim dahil nga buntis ito. Iniiwasan kong tumingin sa kanila pero ang kulit ng mata ko.

War of Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon