Chapter 10

145 15 1
                                    

Monday na naman kaya maaga kaming nagising ni Akeia ngayon. Basta Monday maraming activities at paper works ang pinapagawa sa amin.

Si Akeia ang nagluto ng breakfast naming dalawa, pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako ng kwarto para makakain na kami.

“Good morning Naff!” Masiglang bati niya sa akin. Good mood ata ang isang ‘to.

“Good morning,” bati ko sa kaniya.

“Mukhang good mood ka ngayon ah,” sabi ko at naupo. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Kasi nag message sa akin si Jayden kanina tapos sabi niya mag usap daw kami mamaya,” aniya.

Jusko iyong ngiti ng kaibigan ko hanggang tenga. Grabe kung ngumiti. Excited na excited talaga. Mabuti naman at okay na sila ni Jayden kasi nagsasawa na rin ako sa lalaking iyon. Laging nangungulit sa akin. Si Khalil naman hindi na nag message, ewan ko kung anong nangyari? Baka nasaktan talaga siya. Si Cristan naman hindi ko na rin napapansin sa university mas mabuti nga ang gano’n para iwas gulo na rin ‘no.

“Mabuti naman at okay na kayo,” nakangiti kong saad.

“Kaya nga eh, excited na ako mamaya. Baka ayain niya ulit ako na mag date kaming dalawa,” kinikilig na sambit niya.

“Halata ngang excited ka girl.” Iiling na sabi ko.

“Si Khalil hindi na talaga nagparamdam?” Takang tanong niya sa akin.

“Hindi na, hindi naman ata talaga seryoso iyon sa akin no,” sabi ko.

“Gaga, anong hindi. Halata kaya na seryoso sa ‘yo ‘yung tao, nasaktan lang iyon kaya hindi muna nagpaparamdam sa iyo kaya gano’n,” sabi niya at uminom sa coffee niya.

“Baka nga,” sabi ko at tumango.

“Pero okay na naman sila ni Cristan kaya wala ka namang dapat ipag-alala,” sabi ni Akeia.

“Si Cristan rin hindi ko nakikita sa Ateneo,” wika ko sabay kain ng tinapay.

“Ay gaga, busy iyon kay Petal. Alam mo bang hindi sila mapaghiwalay na dalawa, lampongan nang lampongan,” sabi ni Akeia.

Kumunot ang noo ko sa narinig.

Ano ba naman sila? Mga wala talagang hiya. Siguro pati sa Ateneo ay gumagawa sila ng kababalaghan, bakit ba gano’n sila? Mga wala talagang hiya. Teka bakit ba ako naiinis ha?! Wala naman akong pakialam sa kanila. Naff wala kang paki okay?

Umiling iling ako, napansin ata ako ni Akeia dahil nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa akin.

“Hoy okay ka lang?” Tanong niya.

“Oo,” sagot ko sa kaniya.

“Sure ka? Mukha kang mananakit sa mukha mo eh,” sabi niya at tumawa ng bahagya.

Oo, gusto kong saktan sila Cristan! Lalo na iyong lalaking ‘yon, naku! Naiinis na naman talaga ako.

Umirap ako sa kawalan.

Pagkatapos naming kumain ni Akeia ay naglinis na muna kami.

“Saan kayo mag-uusap ni Jayden?” Tanong ko sa kaniya nang nasa parking lot na kami.

Nagkibit balikat siya sa akin.

“Hindi ko alam, basta sabi ni sa lunch daw eh,” sagot niya.

“Pa’no ‘yan hindi tayo sabay kakain mamaya?” Tanong ko.

“Parang gano’n na nga basta mamaya malalaman natin iyan,” sabi niya. Tumango ako at sumenyas na sasakay na sa kotse ko. Sumakay na rin siya sa kotse niya at bumusina sa akin bago niya mabilis na pinaandar ang kaniyang sasakyan.

War of Love ✓Where stories live. Discover now