Chapter 18

123 16 11
                                    

“Shems salamat at tapos na rin ang midterm!” Masayang sabi ni Akeia.

Pauwi na kami at tatlong araw ko ng hindi pinapansin si Cristan. Sila Khalil ay sumasabay sa amin pero kapag nandiyan si Cristan ay lumalayo ako.

“Naff, Ake!” Napatingin kami sa tumawag sa amin. Nakita ko si Louise na nakangiting papunta sa amin.

Naging close na rin kasi namin si Louise kaya lang minsan lang namin siyang makasabay dahil buntot nang buntot sa kaniya si Khalil. Akala mo naman iiwan siya ni Louise. May napapansin rin naman akong kakaiba kay Akeia. Parang may tinatago sa akin.

“Birthday ni Khalil ngayon, nakalimutan niyo?” Sabi ni Louise nang makalapit sa amin.

Nakalimutan ko nga pala, sinabihan ako ni Louise kahapon na may party sa bahay nila Khalil ngayon dahil birthday niya.

Mabuti na lang sabado bukas at tapos na ang midterm namin. Makakapag relax na rin kami.

“Ay oo nga pala,” sabi ni Akeia.

“Ano? Tara na?” Aya ni Louise at hinila kaming dalawa.

Makikita ko si Cristan, syempre aattend iyon magkaibigan sila ni Khalil no!

Hindi nagdala ng sasakyan si Akeia kaya sa kotse ko siya sumakay. Si Louise naman, syempre sa kotse ni Khalil siya sumakay. Nakabuntot lang ako sa kotse ni Khalil dahil hindi ko naman alam kung saan ang bahay nila.

Si Akeia naman panay ang pindot sa kaniyang cellphone, sino naman kayang katext ng babaeng ‘to.

Napatingin ako sa gilid dahil naaninag ko ang kotse ni Cristan. Dahil nakabukas ang bintana ng kotse niya ay nakita ko sa loob si Petal. Tingnan mo na! Sinasabi ko na nga ba!

Hindi ka talaga niya gusto Naffera! Assumera ka kasi, akala mo naman magugustohan ka ni Cristan!

“Hoy Naff! Mababangga tayo!” Natauhan ako sa sinabi ni Akeia.

Shit. Umayos ka nga Naff!

Nakita kong nauna ang sasakyan ni Cristan, sumikip ang dibdib ko.

“Hoy gaga! Bakit ka umiiyak?” Tarantang tanong ni Akeia.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bakit ko ba siya iniiyakan? Nakakainis naman.

“Kaya mo bang mag drive? Baka mabangga tayo,” sabi niya sa akin.

Huminto na muna kami. Napansin iyon nila Khalil kaya tumigil rin sila.

Umiyak ako nang umiyak, inaalo naman ako ni Akeia. Pagdating kila Khalil magiinom ako ng marami.

Nasasaktan ako. Potangina.

“What happened Naff?” Nag-aalalang tanong ni Louise. Hindi ko alam na pumunta siya sa kotse namin.

Nakababa ngayon ang bintana ng kotse.

Si Akeia ang nagkwento kay Louise, dumating rin si Khalil kaya nalaman rin niya ang problema ko. Mabuti na lang at nauna na sila Cristan.

“Susuntukin ko si Cristan mamaya!” Sabi ni Khalil.

“Wag na, okay lang ako,” sabi ko sa kanila.

“Okay? Tapos namamaga mata mo kakaiyak?” Masungit na sabi ni Akeia.

“Hayaan niyo na lang, tara na,” sabi ko sa kanila.

Hindi pa sila sumang-ayon sa akin ng una kasi baka daw masaktan ako lalo pero sinabi ko na okay lang ako. Si Akeia na ang nagdrive.

Nang makarating kami sa bahay nila Khalil ay maraming tao, nando’n rin kasi ang ilang mga business partner ng parents niya at nando’n rin ang parents nila Cristan.

War of Love ✓Where stories live. Discover now