Chapter 24

133 12 6
                                    

“Busy ang tatlo ah,” sabi ni Akeia nang maupo sa tabi ko. Busy ang lahat para sa UAAP next week. Kaya nga todo practice sila Cristan ngayon.

“Dagdag mo pa si Louise, kasama siya sa cheering squad,” sabi ko.

“Ay oo nga pala, shit kinakabahan tuloy ako sa laban nila,” ani Akeia at kumagat sa burger niya.

“Ako rin,” sabi ko.

Sobrang busy nila Cristan dahil nga next week na ang UAAP kailangan nilang manalo dahil ito na ang last nilang magiging laro dahil gagraduate na kami.

Nabili ko na ang Rolex para kay Cristan, actually nagpasuyo ako kay tita na nasa France ngayon. Mabuti na lang at napadala niya agad ang relo. Bukas na ang anniversary namin ni Cristan.

Mas excited pa nga si Akeia sa akin. Akala mo siya ang mga ce-celebrate. Palibhasa ay nag 1st anniversary na rin sila ni Jd. Inumaga na siya ng uwi no’n ang sabi niya doon daw siya natulog sa condo ni Jd.

“Iniisip mo diyan?” Kunot noong tanong niya sa akin.

“Anniversary namin ni Cris,” sabi ko at uminom sa milk tea ko.

“Ay oo, bukas na diba?” Tanong niya.

Tumango ako sa kaniya.

“Naku, dilig na naman,” sabi niya.

“Gaga, wag mo ‘kong itulad sa ‘yo no,” saad ko sa kaniya.

“Anong itulad sa akin? Gaga ka!” Sabi niya sa akin.

Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pag kain.

Pumunta na muna kami sa library ni Akeia, kailangan kong tapusin iyong binigay na activity sa amin. Si Akeia naman ay natapos na niya, ang bilis niyang gumawa ng mga activities namin. Inspired eh.

Kunti lang rin ang tao sa library, ang ilan ay mahinang nagkukwentohan ang iba naman ay natutulog at may nag aaral rin. Nasa gym ata ang ibang studyante dahil nanonood ng practice nila Cristan.

Nagtext sa akin si Cristan kung pupunta raw ba kami doon, sinabihan ko siya na pupunta kami. Kailangan ko lang tapusin ang activity na ‘to at pagkatapos ay pupunta na kami sa gym.

Hinahanap na rin ni Jd si Akeia, nahihirapan ba silang mag practice kapag wala kami? Mabuti at nando’n si Louise kasama kasi siya sa cheering squad kaya nagkikita sila ni Khalil ngayon.

Mabilis ko namang natapos ang activity ko, pumunta na kami sa office ni Akeia para ipasa ang activity ko. Wala namang sinabing deadline si ma’am kaya ang iba ay nagpapasa lang kung kelan nila gusto.

Hindi pa man kami nakakalapit sa gym ay rinig ko na ang tilian ng mga nanonood pa’no pa kaya kapag mismong laro na nila. Hindi rin naman kasi lahat ng studyante ay makakapanood ng laro nila ng live ang iba ay hanggang TV na lang.

May bakanteng upoan sa harap kaya pahirapan kaming pumunta doon. May mga nakatayo rin kasing nanonood kaya nahirapan kami na makapunta sa unahan.

Nakita namin si Louise sa kabilang bleachers na nakaupo, nagpapahinga ata sila. Nang mapansin kami ay kinawayan niya kami, kumaway rin kami sa kaniya at nginitian siya.

Tumingin ako sa gawi ni Cristan na ngayon ay pawis na pawis na. Ang gwapo niya pa rin. Parang kahit pagsuotin mo siya ng maruming damit ay gwapo pa rin siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan sila. Nilagay ko iyon sa story ko sa IG. Ang followers ko sa IG padagdag nang padagdag ah.

Nag focus na ako sa panonood ng practice nila Cristan.

“Diba taga UST makakalaban nila?” Tanong ni Akeia sa akin. Nakatingin pa rin ako sa gawi nila Cris.

“Oo mga Growling Tigers,” sabi ko.

War of Love ✓Where stories live. Discover now