Chapter 3

214 17 13
                                    

Pagdating sa condo ay nagbihis na muna ako, masyado akong nainitan sa suot ko kanina sa school. Mainit rin kasi ang panahon. Pumunta ako sa may ref at kumuha ng tubig para makainom.

Naupo ako sa sofa at tiningnan ang kaibigan kong kanina pa nakangiti nababaliw na naman.

Kinuha ko ang unan sa sofa at binato sa kaniya, tumama ang unan sa ulo niya kaya bumaling siya sa akin.

“Aray ha,” sambit niya sabay hawak sa ulo niya.

“Pa’no ba naman kasi kanina ka pa diyan, ano ba kasing nangyari sa ‘yo ha?” Tanong ko sa kaniya.

Sabi niya sa akin kanina nag-usap daw sila ni Jayden kaya ganiyan ang mood niya ngayon. Kaya hindi rin siya nakasunod sa akin kanina sa library at nakausap ko pa roon si Khalil na mabait naman, akala ko kasi ay magkaparehas sila ni Cristan na mayabang.

“Nag usap kasi kami kanina ni Jayden,” kinikilig na sambit niya.

“Oh tapos?” Nakakunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

“Eh diba susunod na sana ako sa ‘yo kaya lang nakita ko siya na papaunta sa gym kaya sinundan ko siya tapos napansin niya na sinusundan ko siya kaya ayon nakita niya ako tapos iyon nag usap kami, tinanong niya rin ang pangalan ko. Muntik pa kaming mag kiss kaya lang tinawag siya ni couch, sayang talaga,” dismayadong sabi niya.

Nanlaki ang mata ko pagkarinig doon sa parte na muntik silang maghalikan, aba ang landi talaga. At dismayado pa talaga siya dahil hindi siya nahalikan ng lalaking iyon.

“Kiss?” Gulat na tanong ko. Ngumiti siya sa akin.

“Oo, sayang at hindi natuloy,” saad niya.

“Ang landi mo gaga ka!” Sabi ko sa kaniya. Umiling lamang siya at tumawa.

“Anong malandi, hindi no, ‘tsaka hindi naman natuloy iyong kiss, pero sayang talaga pagkakataon ko na ‘yon eh,” aniya.

“Gaga at dismayado ka pa.” Umirap ako sa kaniya.

“Oo no, alam mo namang sobrang gusto ko si Jayden tapos hindi pa natuloy,” sambit niya.

“Kaya pala hindi ka na natuloy kanina sa library, punyeta ka alam ko bang hinintay kita doon tapos hindi ka naman pala pupunta, edi sana nag text ka man lang no para hindi na kita nahintay doon.” Iiling na sabi ko.

“Nakalimutan ko nga, alam mong nabusy ako kanina sa pakikipag usap kay Jayden,” sabi niya sabay kuha sa phone niya at may tinype roon.

“Si Khalil tuloy ang nakasama ko sa library kanina,” sambit ko. Nakita ko ang pagbaba niya sa kaniyang phone at panlalaki ng mata habang nakatingin sa akin.

“Oh bakit?” Tanong ko.

Ano na namang problema nito?

“Khalil?” Friend nila Cristan?” Tanong ni Akeia.

“Oo,” sagot ko.

“Nag usap kayo?” Kuryoso niyang tanong.

“Hindi, ‘tsaka bakit ko naman kakausapin iyon? Hindi naman kami close.”

“Kahit na, hindi siya nag tanong ng pangalan mo?” Tanong ulit ni Akeia. Bakit ba napakaraming tanong nito.

“Hindi, ‘tsaka nasa library kami kanina ha wala sa interview room,” inis na sambit ko sa kaniya.

“Ang bait kaya ni Khalil,” ani Ake.

Oo mabait nga siya, ‘tsaka hindi ko inaasahan iyong kanina na makikinig agad siya sa sinabi ko akala ko parehas sila ng kaibigan niyang si Cristan na matigas ang ulo ang kulit pa akala mo bata. Dagdag pa ‘yung girlfriend niya. Umirap ako sa kawalan. Nawalan na naman tuloy ako ng gana. Tumayo na ako sa sofa para makapasok sa kwarto ko. Kailangan kong mag sketch ngayon.

Kinuha ko muna ang phone ko at nag online sa IG. Nanlaki ang mata ko sa nabasa.

Khalil follows you

What the heck? Bakit? At paano niya nalaman ang IG ko ha? Finollow back ko naman siya at maya maya ay nakita kong nag message na siya sa akin, wow ang bilis ha? Mga lalaki nga naman.

Khalil: hi?

Naffy: hey

Khalil: wud?

Napakatipid naman mag type nito. Well, okay na rin kasi ayoko ng masyadong madaldal.

Naffy: mag s-sketch…

Khalil: oh, what’s your course, btw?

Nagkamali ako, chismoso rin pala ang isang ‘to. Pero okay na rin ‘di naman siya kagaya ng kaibigan niya. Mas gusto ko siya kesa kay Cristan.

Naffy: BFTech

Khalil: oh, so you want to be a fashion designer?

Wow pati iyon nahulaan niya, sabagay madali namang hulaan ang bagay na iyon.

Naffy: yeah, gusto ko talaga ang nag s-sketch eh.

Khalil: kaya pala gano’n na lang ang galit mo nang makita ‘yung sketch book na na kay Cris.

Naalala ko na naman tuloy iyong nangyari kanina, nakakainis talaga. Hindi kasi binigay agad ni Cris iyong sketch book sa akin. Inasar niya pa ako kanina, kung inabot niya agad sa akin iyon edi mas okay. Para talaga siyang bata nakakaasar.

Naffy: yeah…

Khalil: just wanna apologize about earlier, sa ginawa ni Cris sa ‘yo.

Kumunot ang noo ko mabuti at naisipan niya iyon ano, pero mas mabuti kung si Cris ang mag sosorry no. Aba siya ang may kasalanan kaya dapat siya mag sorry, ang kapal naman ng mukha niya si Khalil pa nag sorry.

Naffy: it’s okay.

Hindi ko na binasa ang reply niya at tinago na ang phone ko para makapagsimula ng mag sketch.

“Naff!” Agad akong tumayo sa kama at lumabas para tingnan kung anong nangyari kay Akeia. Bakit ba sobra ‘yon kung makasigaw.

Ano na namang nangyari sa babaeng iyon?

Pagkalabas ko nakita kong nagtatalon siya sa sofa sa tuwa. Ano bang problema nito? Nababaliw na ata.

“Ano ba? Mag hunos dili ka nga, mukhang tanga ‘to eh,” inis na sambit ko.

“Finollow ako ni Jayden sa IG huhu!” Kinikilig na sabi niya. Umiling na lamang ako.

“Punyeta ka akala ko kung napano ka na,” inis na sabi ko.

“Jusko finollow na niya ako, kinikilig ako.”

Umirap ako sa kaniya.

“Halata nga,” sambit ko at tinalikuran siya. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref pagkatapos ay kumuha ng snacks at yogurt. Nagugutom tuloy ako. Mamaya pa naman ang dinner.

“Anong kakainin natin for dinner?” Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin nang nakangiti at nag isip.

“Magluluto ako mamaya, don’t worry,” sambit niya. Tumango na lamang ako at bumalik na sa kwarto.

Nagsuot ako ng earphone at tumugtog ang isa sa mga paborito kong kanta. “Night Changes by One Direction”

Goin’ out tonight, changes into something red
Her mother doesn’t like that kind of dress
Everything she never had she’s showin’ off
Drivin’ too fast, moon is breakin’ through her hair
She’s headin’ for somethin’ that she won’t forget
Havin’ no regrets is all that she really wants

We’re only getting’ older, baby
And I’ve been thinkin’ about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?
Everything that you’ve ever dreamed of
Disappearing when you wake up
But there’s nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change me and you

Pagkatapos mag sketch ay lumabas na ako sa kwarto ko dahil alas syete na rin ng gabi at nagugutom na ako. Nakita kong tapos na ring magluto si Akeia.

Kumuha na ako ng mga plato para makakain na kaming dalawa.

War of Love ✓Where stories live. Discover now