Chapter 29

157 13 11
                                    

Finals na kaya maaga kaming gumising ni Akeia para makapag handa. Marami na ring tao sa Ateneo nang makarating kami.

Hindi pa rin nagpaparamdam si Cristan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko rin kasi siyang makausap.

Pumunta na kami sa room ni Akeia at nag review saglit. Pagdating ng prof. ay tinago na namin ang mga reviewer namin.

Nag ibigay na ang test paper ay naging tahimik na kami para makapasagot kami ng maayos. Nag aral ako pero hindi ko maalala kung ano ang mga iyon. Hindi naman ako ganito dati.

Nagugulohan ang isip ko habang binabasa ang mga tanong. Ginawa ko na lang ang makakaya ko para masagotan lahat.

Nang matapos ay pinasa na namin iyon. May dalawang exam pa kami mamaya. Nag dismissal na muna, lumabas kami ni Akeia para makapunta sa cafeteria at bumili ng snacks.

Pagdating sa cafeteria ay nakita ko si Cristan na kasama si Petal magkadikit sila at akala moy linta itong si Petal dahil sobra ang pagkapit niya sa braso ni Cristan.

Hindi ko maintindihan. Bakit ganito si Cristan? Break na ba kami? Bakit niya ginagawa ‘to.

Nakita ko rin sa katabi nila si Jd na may kasamang babae. Sobrang saya nila. Nag order na kami ni Akeia, naghahanap kami ng mauupoan at bigla na lang kaming tinawag ni Lousie.

“Naff, Ake!” Kumaway siya sa amin at ngumiti.

Napatingin ako kay Cristan, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Cristan, mag paliwanag ka naman sa ‘kin. Nagugulohan na kasi talaga ako.

Lumapit kami sa kanila, nakita ko ang pag-irap ni Petal at no’ng katabi ni Jd.

Ramdam ko ang ilang sa paligid namin. Napansin iyon ni Lousie kaya nag ingay siya.

“Naff, Ake. Kamusta exam?” Tanong niya.

“Okay lang,” walang ganang sagot ni Akeia.

“Excited na ako sa graduation, balik tayo sa Boracay ha! Pagkatapos ng graduation!” Excited na sabi ni Lousie.

“Sure, why not?” Sabi naman ni Petal. Kita ko sa gilid ng mata ko ang paghaharotan nila at nasasaktan ako.

“Hindi ata ako makakasama,” ani Akeia.

“Ako rin,” sabi ko.

“Ha? Bakit? Ano ba ‘yan,” reklamo ni Lousie.

“Hayaan mo na Louise, tayo na lang tutal couple couple naman tayo,” sabi no’ng babaeng katabi ni Jd. Nag apir sila ni Petal dahil doon.

Hindi ko na talaga kaya.

Tumayo ako at tinalikuran sila.

Sumunod si Akeia at Louise.

Paglabas ng cafeteria ay doon na ako umiyak.

“Naff, sorry,” sabi ni Lousie.

“Ano ba Lousie? Manhid ka ba, alam mong may problema sila. Hindi siya kinakausap ni Cristan tapos doon mo pa kami pinaupo,” inis na sabi ni Akeia.

“Sorry, akala ko magiging maayos na kayo,” ani Lousie.

Umiling si Akeia at hindi na nagsalita.

“Bakit gano’n? Gusto ko lang naman malaman kung kami pa ba? Kung mahal niya pa ako, pero sapat na ata ang mga nakita ko para malamang wala na talaga.” Umiiyak na sabi ko.

Pinapatahan na ako nilang dalawa.

“Gustong kong malaman bakit biglang nagbago?” Umiiyak pa rin ako.

War of Love ✓Where stories live. Discover now