Prologue

649 31 27
                                    

“Naff nabasa mo na ‘yung nasa dyaryo kanina?” Tanong ni Ake nang makapasok sa office ko. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

“Not yet,” I said and drank my coffee.

“Omg ka girl, open ko na lang TV ibabalita naman iyon,” sabi niya sabay kuha ng remote at binuksan ang TV.

Kunot noo akong tumingin sa TV.

“Samantala nasa pinas na ang sikat na modelo at Engineer na si Cristan Loki Smith at ang kaniyang girlfriend na si Kim Ranna, matapos ang successful na trabaho nilang dalawa sa France.”

Pinakita ang video sa isang fashion show kung saan magkasamang naglalakad si Cris at Kim. Nanginginig ang tuhod ko sa ‘di malamang dahilan.

Pagkatapos ng ilang taon naming ‘di pagkikita. Ngayon ay nakabalik na siya.

Akala ko noon siya na talaga iyong lalaking mamahalin ako ng lubos pero nagkamali ako.

Nang dahil sa pagmamahal na naramdaman ko, naramdaman niya at naramdaman naming lahat. Maraming nasira, maraming nagulo.

Ang akala ko ipaglalaban niya ako pero hindi pala.

Dahil noong mga panahon na kailangan ko siya hindi man lang niya ako nasamahan, wala siya sa tabi ko.

Binaling kong muli ang tingin sa TV at nakita ang masaya nilang mukha habang nakatingin sa camera. Bumuntong hininga ako, siguro masaya na siya doon sa babaeng iyon. Halata naman.

Natupad na rin iyong pinapangarap niyang maging modelo at sa France pa talaga. Napaka successful niya na talaga. Nakahanap pa nga siya ng girlfriend sa ibang bansa.

“Are you okay?” Tanong ni Ake. Nakita ko ang nagaalala niyang mukha. Kinuha niya ang remote at pinatay na ang TV.

“Yeah,” sagot ko at naupo sa swivel chair ko.

“Dapat hindi ko na pinanood sa ‘yo eh alam ko namang magiging ganiyan ang reaksiyon mo,” sabi niya.

“Ano ka ba, okay lang ako. Nakalimutan ko na lahat no,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.

“Tara punta muna tayo sa coffee shop mo,” aya niya sa akin. Tumayo ako sa swivel chair ko at sabay na kaming lumabas ng office ko.

♡♡♡

“Ang daming tao sa coffee shop mo ha, ang dami na talagang nahihilig sa coffee,” sabi ni Akeia nang makarating kami sa coffee shop ko ‘di kalayuan sa company namin.

Pumasok na kami sa loob at nakitang tuwang tuwa ang mga tao habang nagkukwentohan sa kani-kanilang table. Para bang nakakita ng artista.

Lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ko si Macie.

“Ma’am nandito po si-“ Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagulat ako sa lalaking nasa harapan ko.

Nanginginig na naman ang tuhod ko at para bang matutumba ako ano mang oras.

Grabe ang pinagbago niya, lalo siyang tumangkad. Bakit nandito siya? Bakit sa lahat ng coffee shop na pupuntahan niya ay dito pa sa coffee shop ko? Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tumingin ako sa katabi niya na na kasuot ng black strapless dress at nakahawak sa braso ni Cris. Seryoso itong nakatingin sa akin.

“So, ikaw pala si Naffera Xie Gomez? The owner of this coffee shop,” sabi ni Kim habang nakatingin sa akin.

“Yes, ako nga.” Ngumiti ako ng bahagya para naman mafeel nila na komportable ako sa kanila, kahit na hindi.

“It’s nice to see you,” sabi ni Kim at naglahad ng kamay sa akin. Kinuha ko naman iyon at nakipag kamay na sa kaniya.

“Babe, what do you think. Okay kaya ‘tong coffee shop niya for our photo shoot?” Tanong ni Kim kay Cris.

“I’ll think about it,” malamig na sabi niya. Pati boses niya nagbago.

“Okay, tara order na muna tayo,” sabi ni Kim. Hindi gumalaw si Cris at nanatiling nakatayo sa harap ko. Kumunot naman ang noo ni Kim dahil doon. Kinakabahan na ako, kanina pa.

“It’s nice to see you again Naff,” he said and then walked away.

War of Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon