Chapter 7

152 17 2
                                    

Pagdating ko sa condo ay nakita ko agad si Akeia na nakaupo sa sofa. Nanonood ng Netflix sa TV.

“Hoy gaga!” Lumingon siya sa akin nang nakangiti.

Mukhang masaya naging date nito ah.

“Ano kamusta?” Tanong ko at naupo sa isang sofa.

“Okay lang,” nakangiti niyang saad. ‘Yung ngiti niya abot tenga. Punyemas talaga, siya nag saya doon tapos ako kanina stress ang inabot kanina sa Ateneo.

“Oh anyare naman sa iyo?” Takang tanong niya nang makita ang nakabusangot kong mukha.

“Nakakainis kasi, alam mo bang sinuntok ni Cristan kanina si Khalil,” panimula ko.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

“Hala gago? Bakit?” Kuryoso niyang tanong.

“Kasi magkasama kami ni Khalil kanina sa cafeteria sabay kaming nag lunch, kasi inaya niya ako kaya pumayag ako tapos nakita kami ni Cristan nagalit siya kay Khalil,” sabi ko.

“Ay puta ka girl, may gusto sa ‘yo ‘yung dalawa kaya ganiyan, punyeta ka haba ng hair,” sambit niya at umaksiyon pang sinuklay suklay ang buhok niya.

“Alam kong may gusto si Khalil kasi umamin na siya kanina,” medyo hininaan ko ang boses ko pero sadyang malakas talaga ang pandinig ni Akeia dahil umawang ang labi niya.

“Omg! Diba! Sabi na nga ba, alam mo napapansin ko na rin ‘yan eh, kaya pala ganiyan mga tingin sa ‘yo no’ng Khalil kasi nga may gusto sa ‘yo. Tama ako!” Tumalon talon pa siya habang sinasabi iyon.

“Umupo ka nga,” sita ko sa kaniya na agad rin naman niyang sinunod.

“Pa’no si Cristan? Ano umamin rin ba?” Tanong niya. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

“Anong aaminin no’n? Sama ng loob?” Natatawa kong tanong at umiling.

“Gaga, manhid ka rin ‘no? Alam mo kaya gano’n si Cristan, diba sabi mo sinuntok niya si Khalil? Eh di ibig sabihin may gusto rin sa ‘yo si Cristan. Ang manhid mo,” sabi niya.

Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko.

“Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Si Cristan magkakagusto sa akin? No way!” Tumawa ako at tumayo para makapunta sa kusina. Nauuhaw ako.

“Alam mo manhid ka talaga!” Sabi niya habang nakasunod sa akin.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig doon. Pagkatapos ay uminom. Nilapag ko ang baso at tumingin sa kaniya.

“Alam mo hindi naman talaga! Hindi talaga-“ pinutol ko ang sinasabi ko at inisip iyong mga bagay na ginawa niya.

‘Yung sa cafeteria, iyong kinuha ko sa kaniya ang sketch book ko.

“What are-“ Hindi natuloy nang katabi niyang lalaki ang sasabihin nang makita ako.

“Excuse me ha, pero this sketch book is mine. Kukunin ko na ‘to,” sambit ko at tinalikuran sila.

“That’s all? You’re just leaving like that?” Kumunot ang noo ko sa narinig at nilingon sila.

“What?” Tanong ko dahil hindi ko naman maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.

“Atleast say thank you to me before you leave,” Cristan said.

“Why would I do that?” I asked.

“Because I said so.”

Umirap ako sa kawalan sa sinabi niyang ‘yon.

Tapos finollow niya rin ako sa IG! Pero baliwala lang iyon.

War of Love ✓Where stories live. Discover now