Chapter 12

124 12 6
                                    

Pagkagising ko sobrang sakit ng mata at ulo ko. Pumunta agad ako sa cr para makaligo.

Pagkatapos ay nagbihis na ako at lumabas ng kwarto. Napakatahimik sa condo. Namimiss ko na agad si Akeia.

“Ake, I miss you.” Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mata at lumabas na ng condo.

Wala akong ganang kumain. Alas sais pa lang, sobrang aga ko. Alas otso ang start ng klase. Pupunta na lang muna siguro ako ng library.

Pagdating ko sa Ateneo, marami rami na rin ang mga studyante ang nasa Ateneo. At hindi ko rin alam kung bakit sila nakatingin sa akin. Siguro dahil sa mata ko na namamaga dahil sa kakaiyak o baka naman nakita nila ang eksena namin nila Akeia kahapon.

Malungkot akong naglakad, miss ko na si Akeia sana maging okay na kami.

Lumaki ang mata ko nang makita si Akeia na may kasamang dalawang babae. Ito ‘yung mataray na kablock namin, mga bago niya ba ‘tong kaibigan?

“Akeia!” Lumingon silang tatlo sa akin.

Ngumiti ako kay Akeia pero tumaas lang ang kilay niya sa akin.

“Kawawa naman, walang kasabay.” Tumawa sila sa sinabi ng isang babae.

Fuck, naiiyak ako. Akeia bakit ka ba ganiyan? Paano mo ‘ko natitiis?

Yumuko na lamang ako at hindi sila pinansin.

Pagdating ko sa room, wala na akong katabi. Nakita ko si Akeia sa tabi no’ng dalawang babaeng kasama niya kanina. Masaya silang nagtatawanan ngayon. Naiiyak na naman ako. Malungkot akong naupo at tumingin na lamang sa labas.

Nakita kong dumaan si Cristan kasama si Petal. Naka-akbay siya rito at may pinaguusapan silang dalawa. Umirap ako sa kawalan.

Nagtama ang tingin namin ni Cristan pero inirapan ko siya. Nakakawalang gana naman.

Kinuha ko ang earphone ko sa bag at sinalpak iyon sa tenga ko. Tumugtog ang kantang “I Like You So Much, You’ll Know It”

Naalala ko tuloy bigla si Khalil.

I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear
I like you more, the world may know but don’t be scared
‘Cause I’m falling deeper, baby, be prepared

Kamusta na kaya siya? Hindi ko na rin siya nakikita ah, simula no’ng binasted ko siya. Hindi ko siya nakikita rito sa Ateneo.

I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell
To be your favorite jacket, just so I could always be near
I loved you for so long, sometimes it’s hard to bear
But after all this time, I hope you wait and see

Nasaktan siguro talaga siya sa ginawa ko pero ano na namang gagawin ko eh, wala naman akong gusto sa kaniya. Hindi ko namang pwedeng ipilit ang sarili ko sa taong hindi ko gusto.

Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can’t quit you
‘Cause, baby, you’re the one, I don’t know how
I love you ‘til the last of snow disappears
Love you ‘til a rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now I can’t let go
I’m in love with you, and now you know

Pero sana naman makausap ko rin siya, wala na akong kaibigan ngayon. Wala na si Akeia, hindi niya talaga ako pinapansin.

I like the way you try so hard when you play ball with your friends
I like the way you hit the notes, in every song you’re shining
I love the little things, like when you’re unaware
I catch you steal a glance and smile so perfectly

War of Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon